31. Si Grendel

2.1K 143 16
                                    

            "Si Grendel"

Kunot-noong napatingin si Gaunt sa kanyang ama na si Belphegor habang nakaupo ito sa gilid ng puno. Nakapatong sa tuhod nito ang kanan nitong braso habang nakapangalumbaba.

"Anong kailangan mo?" untag ni Belphegor.

Ni hindi ito tumingin sa kanya ng magtanong ito.

"Kami ni Grimm... Ano ba talaga ang dahilan mo kung bakit mo kami ginawa?" curious niyang tanong.

"Wala naman. Sa totoo lang, hindi ko naman inaasahan ang pagdating niyo sa buhay ko." balewala nitong sagot.

Medyo nagulat si Gaunt sa narinig niyang sagot mula sa kanyang ama.

"Anong ibig mong sabihin?!" tumaas ang boses niya.

Napatingin sa kanya si Belphegor. Blangko ang mukha nito.

"Kailangan mo pa bang malaman? Hindi naman iyon importante."

Naiinis na tumingin si Gaunt sa kanyang ama.

"Ano bang sinasabi mo na hindi mo kami inaasahan ni Grimm na darating sa buhay mo?!" makulit na tanong niya.

Tuluyan nang humarap sa kanya si Belphegor at isang matipid at makahulugang ngiti ang sumilay sa labi nito. Tumitig ito sa kanya ng mariin.

"Alam mo bang naaalala ko ang inyong Ina ni Grimm sa tuwing nakikita ko ang iyong mukha? Ikaw ang kamukha ng Nanay niyo. Kaya nga mas gusto kita kaysa sa kapatid mo."

Napatanga si Gaunt sa kanyang narinig. Bigla siyang pinagpawisan. Isang napakalaking rebelasyon ang kanyang narinig.

"Anong ibig mong sabihin..?"

"Alam mo ang sinasabi ko. Hindi ka bingi."

Napailing si Gaunt.

"Akala ko ba, creation mo lang kami ni Grimm?"

Tumawa ng mahina si Belphegor.

"Nagsinungaling ako. Hindi ko kayo creation... Talagang mga anak ko kayo..." kumpirma pa nito.

Hindi malaman ni Gaunt ang magiging reaksyon niya. Hindi niya alam kung ano ang dapat niyang maramdaman, matutuwa ba siya o magagalit?! Tumatawa namang napailing si Belphegor habang nakatitig ito sa kanya.

"Mas lalo ko tuloy naaalala ang inyong Ina sa tuwing nakikita kita ng ganyan." wika pa nito.

Mariing ikinuyom ni Gaunt ang kanyang mga kamao at lakas-loob na tumingin sa kanyang ama.

"Ano ang tungkol sa aming Ina? Gusto kong malaman." utos niya.

Huminga ng marahas si Belphegor.

"Talaga? Gusto mo akong magkuwento?"

"Oo." deretso niyang sagot.

Napade-kuwatro si Belphegor.

"Kung ganoon, bakit hindi ka muna maupo. Mahaba-haba ang kuwentong maririnig mo."

Lumapit nga si Gaunt at naupo sa harapan ng kanyang ama. Ngayon ay enteresado siyang kausapin ito. Mayroon kasi siyang dahilan. Gusto niyang malaman ang tungkol sa Ina nila ni Grimm. Napakasama talaga ni Belphegor para itago sa kanilang magkapatid ang katotohanan. Pero ano ba ang aasahan niya? Demon ang kanilang ama. Isa sa Seven Prince of hell. Muli siyang napatingin sa kanyang ama. Tumitig ito pabalik sa kanya at ilang sandali lang ay nag-umpisa na itong magkuwento.

"Matagal na matagal nang panahon ng nangyari ang lahat. Isang lalaki ang tumawag sa akin at humingi ng hindi matatawarang kayamanan. Pinagbigyan ko ang hiling niya pero humingi ako ng kapalit. At iyon ay ang kauna-unahang babae sa kanyang angkan. Kaming dalawa lang ang nakakaalam sa kasunduan na iyon. Maraming taon ang lumipas at hindi ko pa nakukuha ang kapalit ng kayamanang ibinigay ko... Pero gaano man katagal, naghintay pa rin ako hanggang sa ipinanganak na ang inyong Ina ni Grimm... Ang pangalan niya ay Grendel. Kagaya ng character sa nobelang Beowulf, lubos na nakakaakit ang taglay niyang kagandahan. Simula nang ipanganak siya hanggang sa lumaki siya ay binantayan ko na siya at sinubaybayan... Hindi ko hinayaan na may ibang lalaki na makalapit sa kanya. Lahat ng nagtangkang manligaw sa kanya, pinatay ko. Matagal akong naghintay sa kanyang pagdating kaya hindi ako makakapayag na makuha siya ng iba. Hindi pupuwede iyon. Pagkatapos, dumating na rin ang pinakahihintay kong panahon na makuha siya... Iyon ay nang tumuntong siya sa edad na Twenty-one..."

ESCAPE FROM HELLWhere stories live. Discover now