17. Si Kristine II

1.8K 110 1
                                    

 

 

 

         

 

        "Si Kristine II"

"Nandito lang ako, magiging maayos din ang lahat. Hindi na ulit kita iiwan." wika ni Gaunt.

Mataman siyang nakatingin kay Kristine na walang malay at nilalamig. Hindi na niya mabilang kung ilang kumot na ang ibinalot niya sa katawan nito. Hinawakan niya ang kamay nito. Malamig pa rin iyon. Isang ideya ang naisip niya. Gumamit siya ng kaunting kapangyarihan sa kanyang katawan at pagkatapos noon ay tumabi siya kay Kristine at niyakap niya ito. Siniguro niyang nakakulong ito sa kanyang mga bisig.

"Hindi ko alam kung ano ang mayroon sa'yo at ginagawa mo akong ganito." mahinang wika ni Gaunt.

Tumingin siya sa mukha ni Kristine at nakahinga siya ng maluwag ng makita niyang naginhawaan ito sa kanyang ginawa. Hinaplos niya ang pisngi nito at napangiti siya. Kahit tingnan lang niya ng ganito ang mukha ni Kristine ay nakadarama na siya ng saya. Hindi niya maintindihan ang sarili, ganito na ba siya kababaw ngayon? Isang mabining halik sa noo ang iginawad niya dito.

Napabiling-biling si Kristine. Hindi niya maintindihan ang nararamdaman niya. Mainit... Pero ang init na iyon, parang ipinaghehele siya. Hindi niya maintindihan pero ligtas na ligtas ang kanyang pakiramdam. Saka niya naalala na hindi na pala siya nakaalis sa maze garden kanina at nababad na siya ng husto sa ulan. Dahil sa sobrang lamig ay nawalan na yata siya ng malay at wala siyang matandaang anuman. Patay na ba siya at nasa langit na?! Marahan niyang iminulat ang kanyang mga mata at una niyang nabungaran ang mukha ng taong hindi niya inaasahang makita. Ngumiti ito sa kanya ng matipid.

"Hello, sleepy head... Pinag-alala mo ako ng husto. Alam mo ba iyon?" malambing nitong wika.

Napakunot-noo siya. Anong nag-alala?! Hindi ba't ito ang may kagagawan kung bakit siya nababad sa ulan at nagdeliryo siya sa lamig?! Nang maalala niya ang bagay na iyon ay mabilis siyang bumalikwas ng bangon at agad na lumayo sa lalaki. Gumilid siya sa kama at humalukipkip.

"L-Lumayo ka sa akin!" natatakot niyang wika.

Baka may ideya na naman ito para mapaglaruan siya. Nagtataka namang napatingin si Gaunt kay Kristine.

"Teka, ano bang problema mo sa akin?"

Naiinis na tumingin si Kristine sa lalaki. Nagmamaang-maangan pa pala ito ngayon. Ngumiti siya ng mapakla.

"Hindi ka pa ba kuntento sa ginawa mo sa akin, Master?" pinasarkastiko niya ang huli niyang salita.

"Anong ginawa ang sinasabi mo?!" galit naman na tanong ni Gaunt.

Nalilito na siya sa sinasabi ng babae.

"Hindi ba't inutusan mo si Lucy na papuntahin ako sa loob ng maze garden?! Salamat sa'yo, nawala ako at nababad ng matagal sa malakas na ulan. Hindi ko alam kung dapat akong magpasalamat pero sana... Mas makabubuti na hinayaan mo na lang akong mamatay sa lamig kaysa binuhay mo pa ako para maging laruan mo. Ano, masaya ka na? Tingnan mo ako ngayon, mas ipinamumukha mo sa akin kung gaano ako kamiserable."

Itinaas ni Gaunt ang dalawa niyang kamay bilang tanda ng pagsuko at pagpapakababa. May kasalanan siya sa nangyari kay Kristine dahil masyado siyang nagiging maluwag kay Lucy.

"Pasensiya ka na sa nangyari. Pero maniwala ka, wala akong kinalaman sa ginawa ni Lucy. Ginamit lang niya ako. Huwag kang mag-alala dahil aayusin ko ito. Pagsasabihan ko siya at siguradong hinding-hindi na mauulit ang bagay na ito."

ESCAPE FROM HELLWhere stories live. Discover now