65

642 24 0
                                    

Claire

Habang kumakain kami ni Chan ay may bigla nalang kumatok sa pinto. Parehas kaming napatingin dun at nagtaka sa kung sino man yung kumatok.

"Ako na."

Sabi ni Chan at naglakad papunta sa pinto at pinagmasdan ko lang sya. Ng mabuksan nya yung pinto ay nagulat nalang kami ng biglang nagsibagsakan sa sahig yung mga kaibigan ni Chan. Agad naman napaatras si Chan.

"Guys? Anong ginagawa nyo??"

Nagtatakang tanong ni Chan sa mga kaibigan nyang nakadapa ngayon sa sahig. Agad naman sila nagsitayuan.

"Eto kasi si Jisung ang daming arte ayaw pa pumasok!"

"Ay wow, ako pa talaga! Si Minho yun eh!"

"Anong ako? Ako nalang lagi?!"

At nagsisihan na silang lahat. Di ko naman mapigilang matawa sa kanila. Napatingin naman ako kay Chan na napailing-iling nalang sa mga kaibigan nya.

• • •

Isa-isang nagpakilala sa akin yung mga kaibigan ni Chan. Andito sila lahat maliban lang kay Jeongin. Tinanong ko naman kung nasan si Jeongin at sabi nila ay nagpapahinga daw sa bahay dahil medyo napagod daw. I hope he's resting well.

"Oo nga pala hyung, pano kayo nagkakilala ni Claire?"

Biglang tanong ni Felix kay Chan. Napatingin naman sa akin si Chan.

"Basta. Bakit ko sasabihin sa inyo?"

Sabi ni Chan at napasimangot naman tong si Felix.

"Hmp. Damot mo, mate."

Sabi ni Felix at natawa nalang ako dahil ang cute nila. Ayun, nagkwentuhan pa sila ng nagkwentuhan. Lumalapit naman sa akin si Chan pero maya-maya ay tinatawag sya ng mga kaibigan nya. Di naman ako na-oop dahil lumalapit rin naman sa akin mga kaibigan nya.

Paglipas ng oras ay nagpaalam na sila sa amin dahil aalagaan pa daw nila si Jeongin.

"Wait, anong nangyari kay Jeongin?"

Nag-aalalang tanong ni Chan.

"Chill ka lang, hyung. Napagod lang yun kakalaro. Sige, mauuna na kami. Bye!"

Sabi nila at naglakad na sila palabas. Sinamahan naman sila ni Chan. Ng makalabas silang lahat ay napasandal ako sa kama ko. Habang hinihintay makabalik si Chan ay naramdaman ko ang konting pagkirot nitong sugat sa tagiliran ko. Di ko maiwasan masaktan at agad napahawak sa gilid ko. Sakto naman nakabalik na si Chan.

"Claire–"

Agad napawi yung ngiti nya ng makita nyang namimilipit ako sa sakit. Kaagad syang lumapit sa akin at inalalayan ako.

"Claire, ok ka lang?? Anong nangyayari??"

Sunod-sunod nyang tanong sa akin. Tatawagin nya na sana yung mga nurse pero agad ko syang pinigilan.

"W-wag na. Ok na ako.."

Sabi ko. Hinawakan naman ni Chan tong kamay ko.

"Sure ka?"

"O-oo, sumakit lang ng onti tong sugat ko.."

Sabi ko at maya-maya nawala na yung pagkirot. Napahinga naman ako ng malalim at muling sumandal sa kama ko.

"Sabihin mo sa akin pag sumakit ulit."

Sabi ni Chan. Napangiti naman ako tsaka tumango. Ngumiti nalang rin sya at pumunta sa gilid. Habang pinagmamasdan ko sya ay di ko alam bakit bigla kong naalala yung mga sinabi sa akin ni Leila nun. Dahil dun, di ko na maiwasan pang magtanong sa kanya.

"Chan.."

"Hmm?"

Kaagad naman syang humarap sa akin. Di na ako nagdalawang isip pa at diretsong nagtanong sa kanya.

"Alam mo na bang may boyfriend si Leila?"

Tanong ko at di naman sya nakapagsalita.

"Sabi mo diba nagugustuhan mo sya.."

Dagdag ko at hanggang ngayon di pa rin sya nagsasalita. Napalunok naman ako.

"Sorry kung natanong ko. Wag ka sanang magalit pero nagkausap kasi kami ni Leila nun at may mga sinabi sya sa akin.."

Sabi ko. Bigla naman napaiwas ng tingin sa akin si Chan. Hays. Dapat pala di na ako nagtanong.

"Chan, sorr–"

"Ok lang. Mas mabuti na wag na natin pag-usapan to."

Nakangiti nyang sabi. Nagpaalam sya na mag-ccr lang sya at ng makalabas na sya sa kwarto ay saglit naman ako napatitig sa pinto. Hays.


DIARY. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon