55

696 29 5
                                    

Claire

Pagtapos ng klase ay niligpit ko na mga gamit ko tsaka lumabas na sa room. Paglabas ko ay nakita ko na si Jeongin na inaabangan ako. Ngumiti sya sa akin at kumaway pa. Napangiti nalang rin ako at naglakad papalapalit sa kanya.

"Hi. Musta?"

Bati nya at ginulo-gulo tong buhok ko. Natawa nalang ako at maya-maya ay may bigla nalang nagsalita.

"Tara na."

Sabay kaming napatingin sa gilid at nakita namin si Chan na kasama si Leila. Saglit ko pinagmasdan si Leila at sobrang ganda nya tignan. Napatingin rin sya sa akin at ngumiti. Nginitian ko nalang rin sya tsaka umiwas ng tingin.

"Hey bro. Nandyan na ba sila?"

"Yup. Naghihintay na dun. Tara na."

Rinig kong sabi ni Chan at ramdam kong nakatingin sya sa akin. Nauna na silang naglakad at sumunod na kami ni Jeongin sa kanila. Habang naglalakad kami ay di ko maiwasan pagmasdan sila Chan na nasa harapan namin. Nag-uusap lang sila ni Leila at parehas na may mga ngiti sa kanilang labi. May kung anong kumirot nanaman sa puso ko kaya umiwas agad ako ng tingin. Hays..

• • •

Dun ulit sila naglaro sa court na pinaglaruan nila nun. Ng mailapag na nila mga gamit nila sa upuan ay agad silang nagsitakbuhan papunta sa gitna. Napatingin naman ako kay Chan na kinakausap si Leila. Ng matapos silang mag-usap ay nakita kong hinawakan ni Chan yung pisngi ni Leila at tumakbo na sa gitna. Napahinga nalang ako ng malalim.

"Gusto mo bang kumain tayo pagtapos?"

Biglang tanong sa akin ni Jeongin. Napatingin naman ako sa kanya tsaka ngumiti.

"Sige lang."

"Okay!"

Nakangiti nyang sabi. Nagpaalam na sya sa akin at nakisali na rin sa mga kaibigan nya. Ng makaalis na si Jeongin ay pinagmasdan ko lang sila magkakaibigan ng bigla akong tawagin ni Leila.

"Claire, tama ba?"

Agad ako napatingin sa kanya at naupo sya sa tabi ko. Ngumiti naman ako tsaka tumango. Pano nya nalaman pangalan ko?

"Hi, ako nga pala si Leila."

Sabi nya at nakipagkamay sa akin. Mukhang ang bait nya. Tsaka ang ganda nya pa. Kaya naman pala sya nagustuhan ni Chan...aish. Ano ba tong iniisip ko?

"Madalas kang kwinikwento sa akin ni Chan."

Sabi nya at di ko naman maiwasan magulat.

"T-talaga?"

Di makapaniwala kong tanong at tumango naman sya.

"Ang cute nga eh sa tuwing nababanggit ka nya sa akin."

Dagdag nya at di naman ako makapagsalita. Parehas namin pinagmasdan sila na nagsisimula ng maglaro ng basketball. Maya-maya ay nagsalita ulit si Leila.

"Kayo na ba ni Jeongin?"

Tanong nya at agad naman ako umiling.

DIARY. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon