61

738 25 18
                                    

Claire

Dahan-dahan ko iminulat mata ko. Saglit akong natulala sa kisame habang inaalala yung mga nangyari. Akala ko katapusan ko na iyon. Sobra akong kinabahan at natakot. Pero, sinong nagdala sa akin dito?

"Claire.."

Napatingin ako sa gilid ko ng biglang may tumawag sa akin at nakita si Jeongin. Ngumiti sya sa akin at hinawakan tong kamay ko.

"Kamusta na pakiramdam mo?"

Tanong nya at nginitian ko nalang rin sya.

"O-ok na.."

Sabi ko. Lumapit sya sa akin at nagulat ako ng yakapin nya ako. Napapikit nalang ako at niyakap rin sya pabalik.

"Salamat sa diyos dahil ok ka na.."

Rinig kong sabi nya at napangiti nalang muli ako. Maya-maya kumalas na sya sa yakap at tinignan ako diretso sa aking mata. Dahan-dahan nya naman ako inalalayan maupo. Napatingin naman ako dun sa sugat sa gilid ko na may balot na ngayon ng bandage. Mabuti nalang rin dito lang ako tinamaan.

"Wag ka mag-alala Claire, nahuli na ng mga pulis yung bumaril sayo.."

Paliwanag ni Jeongin at tumango-tango nalang ako. At di ko alam kung bakit kinilabutan ako ng maalala ko kung pano tumama yung bullet sa gilid ko. Napatingin ako kay Jeongin at nagtaka ng makitang may mga luhang namumuo sa mga mata nya. Agad ko hinawakan kamay nya.

"Jeongin? Bakit ka umiiyak? Ok na talaga ako.."

I said reassuringly. He smiled and slowly shook his head.

"Claire...I'm sorry.."

Sabi nya at napakunot naman tong noo ko. Bakit sya nagsosorry sa akin?

"Jeongin, hindi mo kasalanan–"

"I'm sorry Claire. Titigilan ko na tong nararamdaman ko para sayo.."

Sabi nya at di naman agad ako nakapagsalita.

"A-anong ibig mong sabihin?"

"Ayokong masaktan si hyung. Mas nauna naman sya kesa sa akin.."

Sabi nya at natawa ng onti dun sa huli nyang sinabi. Teka, di ko sya maintindihan.

"Jeongin..."

"Pasensya na, Claire. At gusto ko rin magpasalamat sayo dahil nakilala kita. I hope we can still be friends.."

Sabi nya at hanggang ngayon naguguluhan pa rin ako. Nakatingin lamang ako sa kanya. Akala ko nagugustuhan ko si Jeongin. Na may nararamdaman rin ako para sa kanya. Pero bakit...bakit ngayon hindi na? Napahinga ako ng malalim at napayuko.

"Salamat sa lahat, Claire."

Sabi nya. Magsasalita na sana ako ng biglang bumukas yung pinto. Sabay kaming napatingin dun at bigla nalang bumilis tong tibok ng puso ko ng makita ko si Chan.

"Sige, Claire. Mauuna na ako. Si hyung na magbabantay sayo."

Sabi nya at kitang-kita ko ang mga luha sa mga mata nya. Di ko naman maiwasan masaktan. Naglakad na palabas si Jeongin. At di naman ako makatingin kay Chan.

"Musta na pakiramdam mo?"

Tanong nya. Mas lalong bumilis tong tibok ng puso ko.

"O-ok naman na.."

Sabi ko at naramdaman kong naglakad sya papalapit sa akin.

"Claire, gusto ko lang sana mag-sorry sayo. Sorry kung nasigawan kita nun.."

Sabi nya at nagulat nalang ako ng biglang hawakan ni Chan tong kamay ko na mas lalong ikinabilis nitong tibok ng puso ko.

"Claire, galit ka sa akin?"

Tanong nya. Napalunok naman ako at agad umiling.

"H-hindi, Chan. Naiintindihan naman kita. At sorry rin dahil dun sa nangyari kay Leila.."

"Hindi kong sinasadyang sisihin ka ng dahil dun sa nangyari sa kanya. Sobra lang akong nag-alala para sa kaibigan ko.."

Paliwanag nya. 'para sa kaibigan ko', come to think of it, ano ba talaga kami ni Chan? Napahinga nalang ako ng malalim tsaka tumango-tango. Naramdaman kong mas halo nyang hinigpitan ang pagkakahawak nya sa kamay ko.

"Sorry talaga, Claire. Maniwala ka sa akin, hinding-hindi ko talaga sinasadya iyon..."

Sabi nya at dahan-dahan ako napatingin sa kanya. Namalayan ko nalang na napatitig ako sa kanya at ganun rin sya. Sandaling nagkaroon ng katahimikan habang nakatingin kami sa isa't isa. Di ko alam kung bakit wala akong ibang marinig maliban nalang sa tibok ng aking puso.

Hindi ko alam bakit ganto nararamdaman ko kay Chan. Ano bang meron sa kanya? Paano nya pinapatibok tong puso ko? Paano nyang nagawa pumasok sa isipan ko? Bakit sya nalang lagi naiisip ko? Bakit?

"Kumain ka na ba?"

Bigla nyang tanong at sya ang unang umiwas ng tingin. Umiling naman ako at binitawan nya tong kamay ko tsaka naglakad papunta sa gilid. Napatingin naman ako sa kamay ko. Di ko alam bakit biglang lumamig pakiramdam ko ng bitawan nya tong kamay ko..

"Tara, kumain na tayo."

• • •

Ng matapos kaming kumain ay nagpahinga na ako. Ng makahiga na muli ako ay dahan-dahan ko ng ipinikit tong mata ko para makatulog na. Maya-maya naramdaman kong kinumutan ako ni Chan. Dahan-dahan nyang hinawi tong buhok ko papunta sa gilid at bumilis nanaman tong tibok ng puso ko ng halikan nya ako sa aking noo.

"Goodnight, Claire..."

Pabulong nyang sabi at pinatay na ni Chan yung ilaw. Muli kong iminulat tong mata ko at napatingin kay Chan na humiga na sa sofa sa gilid.

Goodnight, Chan..

DIARY. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon