50

663 29 7
                                    

Claire

Habang naglulunch kami ni Jeongin ay di ko maiwasan isipin si Chan pati yung babaeng kausap nya. Sino kaya yung babaeng yun? Parang ngayon ko palang sya nakita dito. Natauhan naman ako ng tawagin ako ni Jeongin. Agad ako napatingin sa kanya.

"B-bakit?"

"Um, ok ka lang?"

Nag-aalala nyang tanong sa akin. Pilit naman ako ngumiti tsaka tumango-tango. Tanong ko kaya kay Jeongin? Di naman masama kung itanong ko, diba?

"Jeongin.."

"Hmm?"

Sabi nya at muling napatingin sa akin. Huminga muna ako ng malalim bago magsalita.

"Nakita mo ba si Chan na may kausap na babae nung isang araw?"

Diretso kong tanong at napatingin naman sya sa taas na tila nag-iisip. Maya-maya ay muli syang napatingin sa akin.

"Oo. Sabi kasi ni Chan-hyung na puntahan ko daw sya eh.."

Sabi nya at tumango-tango naman ako.

"Um, kilala mo ba kung sino yung babae?"

Tanong ko at di ko alam bakit biglang bumilis tong tibok ng puso ko.

"Ah. Sya si Leila. Childhood friend nya at dati nya rin nagugustuhan."

Pagkasabi nun ni Jeongin ay naramdaman ko ang konting pagkirot ng puso ko.

"S-sa tingin mo, nagugustuhan pa ni Chan si Leila?"

"Oo. Palagi nyang kwinikwento sa amin si Leila noona tapos araw-araw rin silang nagchachat."

Sabi ni Jeongin. Napangiti nalang ako tsaka tumango-tango. Kaya pala hindi na ako chinachat ni Chan eh dahil, kachat nya na pala yung totoong nagugustuhan nya. Pota, ba't parang nasasaktan ako?? Hindi ko naman nagugustuhan si Chan.

"Bakit mo pala natanong?"

"Um, wala lang.."

Sabi ko at ngumiti nalang sya tsaka nagpatuloy kumain. Napabuntong hininga nalang ako tsaka kumain nalang rin.

• • •

Pagtapos ng klase ay lalabas na sana ako ng classroom ng bigla akong tawagin ng teacher namin. Binigyan nya ako ng mga stack ng papel at sinabi na ilagay daw yun sa storage room. Tumango nalang ako at dumiretso na dun sa storage room. Mabuti nalang wala pa si Jeongin.

Ng makarating ako dun sa storage room ay inilagay ko na yung mga papel dun sa shelf. Sakto naman tumunog tong cellphone ko. Kinuha ko iyon at meron akong message galing kay Jeongin. Babasahin ko na sana yun kaso napansin ko na parang biglang dumidilim. Pagtingin ko sa pinto ay nanlaki tong mga mata ko ng makita kong sinasara iyon. Tatakbo na sana ako ng biglang sumabit tong paa ko sa may tali sa sahig.

"S-sandali p–"

Di na ako nakasigaw pa ng tuluyan ng isara yung pinto. Fucc! Mabilis kong inalis yung tali sa paa ko at tumakbo papunta sa pinto. Hinawakan ko yung knob at pinihit ito pero nagtaka ako ng di ko ito mabuksan. Shet, nalock ako dito sa loob!

"T-tulong! May tao pa po sa loob!"

Sigaw ko habang kinakatok yung pinto. Naramdaman ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Agad ko nilabas yung cellphone ko at tatawagan na sana si Jeongin pero di ko napansin na lowbat na pala ako. Di ko na natawagan ng mag-shut down na tong cp ko.

Napahinga nalang ako ng malalim at muling kumatok-katok sa pinto para may makarinig sa akin. Fudge!

DIARY. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon