60

690 30 2
                                    

Bangchan

"Jeongin!"

Agad ko tinawag si Jeongin. Napatigil naman sya sa paglalakad at napatingin sa akin.

"Hyung?"

"Asan si Claire?"

Tanong ko at napahinga naman sya ng malalim.

"Umuwi na. Sabi nya gusto nya daw muna mapag-isa."

Sabi nya at tumango nalang ako. Nagpasalamat ako sa kanya at aalis na sana ng bigla syang magsalita ulit.

"Hyung..."

"Bakit?"

Tanong ko at napayuko naman sya ng ulo.

"Sorry nga pala hyung sa mga nasabi ko sayo nun kahapon..."

Sabi nya at napangiti naman ako. Sa totoo lang di naman ako nagalit ng pagsabihan nya ako kahapon.

"Ok lang, Jeongin."

"Hmm. Sige hyung, mauuna na ako. Alagaan mo ng mabuti si Claire. Alam kong ikaw rin, hyung.."

Sabi nya na ikinataka ko naman. Anong ibig nyang sabihin? Magtatanong na sana ako pero naglakad na palayo si Jeongin. Naiwan naman ako dito na naguguluhan dun sa sinabi nya. Anong alam nya? Di kaya..

Napahinga nalang ako ng malalim sa naisip ko. Di ko alam kung pano nalaman ni Jeongin yun. At naguguilty ako ng di ko man lang nasabi agad sa kanya. Pasensya na, Jeongin...

Nagsimula na akong maglakad upang hanapin si Claire. Mabuti nalang rin kabisado ko yung daan na dinadaanan nya pag naglalakad sya pag-uwi. Binilisan ko ang aking lakad at sa mga oras na yun naramdaman ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Di ko alam bakit may kutob ako na may hindi magandang mangyayari ngayon. Pero, sana naman wala.

Dahil dun ay tumakbo na ako. Ang lakas talaga ng kutob ko na yun at di ko alam kung bakit. Ng makadating ako sa may tawiran ay namataan ko na si Claire na nakatayo dun sa may stoplight.

Tatawagin ko na sana sya pero nagitla ako ng marinig kong may nagpaputok ng baril. Napatingin ako sa direksyon kung san nanggaling yung tunog at meron nakitang mga lalaking nakasakay sa motor. Lahat ng mga tao ay napasigaw at nagtakbuhan dahil sa takot.

Napatingin ulit ako kay Claire na mukhang natatakot na rin. Agad ko sya tinawag.

"CLAIRE!"

Sigaw ko at mabuti nalang napatingin sya agad sa akin. Nakita kong papalapit na yung motor sa kanya at agad ako tumakbo papalapit sa kanya.

"CLAI–"

Natigil ako sa pagtakbo at nanlaki tong mga mata ko ng makita kong tinamaan si Claire sa kanyang gilid. Agad nagsilabasan ang dugo mula sa kanyang gilid at naramdaman ko nanaman ang pagbilis nitong tibok nitong puso ko. C-claire...h-hindi...

"CLAIRE!!"

Dahan-dahan syang bumagsak sa sahig at agad ko sya nilapitan. Lumuhod ako sa may tabi nya at agad syang hinawakan sa aking bisig.

"C-claire...gumising ka..."

Sabi ko at naramdaman na may mga luha ng namumuo sa mga mata ko. Napatingin ako dun sa gilid nya na dumudugo na ng husto. Agad ko iyon hinawakan upang kahit papaano mapatigil ang pag-agos nito.

"C-claire! Gumising ka, please!"

Halos pasigaw kong sabi at agad tumulo ang walang katapusang luha mula sa aking mata. Di ko na alam gagawin ko. Sobrang nanginginig na tong buong katawan ko.

"T-tumawag kayo ng ambulansya!"

Sabi ko sa mga tao sa paligid namin. Di ko na napigilan pang mapaiyak lalo at hinawakan ang pisngi ni Claire.

"C-claire....m-magiging okay ka....please...gumising ka..."

Maya-maya ay dumating na yung ambulansya at mga pulis. Kaagad nilang kinuha si Claire at sumama na ako sa kanila.









...

an: sorry kung ang corny hnngg

DIARY. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon