"Art! Nandyan ka na pala. Dali na, aalis na ang bus, maiiwan ako. Ay, sandali!"

Dumating si Art na may dalang pagkain at inumin, mukhang para kay Mia. Nakatingin lang ito sa akin, hindi ko makita ang mga mata niya dahil natatakpan ito ng avaiators. Nagulat pa ako ng hilahin ako ni Mia palayo kay Art at may ibinulong.

"Huwag ka ng malito. Piliin mo kung saan masaya ang puso mo. Mahal na mahal ka niya, Sha. Sobra."

Niyakap ako ni Mia habang naiwan akong nakapako sa kinatatayuan ko. Hindi na ako nakapagsalita. Hindi na ako nakapag-react.

Nakita ko na lang si Mia na yumakap kay Art at sumakay na ng bus habang paulit-ulit sa isip ko ang mga salitang binitawan ni Mia.

Huwag ka ng malito. Piliin mo kung saan masaya ang puso mo. Mahal na mahal ka niya, Sha. Sobra.

Nagulat lang ako nang lumapit si Art sa akin. Naamoy ko na naman ang pabango niya.

"Hatid na kita?"

"H-ha?"

Hindi na ako nakasagot dahil kinuha na niya mula sa kamay ko ang bag na dala-dala ko at hinawakan ako sa kamay. Wala ako naramdamang kahit anong pakiramdam ng pagtutol mula sa damdamin ko. Gusto ko ito. Gusto kong sumama sa kanya kahit saan. Gusto kong magpahila sa kanya. Gusto ko ito.

"Bakit mag-isa kang umuwi? Saan sila Mama mo? Kumain ka na ba?"

Hindi ako nagsasalita. Nakatingin lang ako sa kanya habang patuloy siya sa pagsasalita at pagtatanong sa akin. Hindi ko na nga maintindihan ang iba niyang sinasabi. Gusto ko lang siyang tingnan.

"Sha, nakikinig ka ba?"

"Art, take me anywhere."

"H-ha?"

"Kahit saan, sasama ako."

"Si Cherry. Ayoko ng gulo-"

Hinawakan ko ang kamay niya. Hindi ko na alam kung ano pa ang pwede kong sabihin para pumayag siyang isama ako kahit saan. Hindi na rin siya nagsalita. Nagulat na lang ako na huminto kami sa isang mataas na building. Ipinark niya ang sasakyan at walang kahit anong imik na kinuha niya ulit ang kamay ko.

Habang nasa loob kami ng elevator ay wala akong ibang tunog na naririnig kundi ang tibok ng puso nya at tibok ng puso ko. Tahimik kaming dalawa. Walang nagsasalita sa amin. Pareho yata kaming nakikiramdam. Hindi pa rin niya binibitawan ang kamay ko. Nasa likod nya ako at naghihintay ng mga susunod pang mangyayari.

"Sha, naaalala mo pa ba ang lahat?"

Tanong niya ng hindi ako nililingon.

"Kasi malinaw pa ang lahat sa akin, Sha. Bawat detalye--malinaw kong natatandaan ang lahat."

Ngayon ay nasa tapat na kami ng isang pintuan kung saan may nakaukit na 'XIIXX' sa harap nito. Binuksan niya yunn at bumungad sa akin ang isang simple at kumpletong unit.

Hindi niya binibitawan ang kamay ko.

"Naaalala mo ba kung paano nating binuo sa mga pangarap natin ang bahay na ito? Eto na yun, Sha."

Tumingin siya sa akin. Tagos hanggang kaluluwa ang mga titig niya. Di kagaya ng una naming pagkikita, ang mga titig nya ngayon ay mainit, nanunuot. Parang sinusuri ang bawat reaksyon ko.

"Ito na ang bahay natin."

Hinila niya ako paupo sa isang mahabang couch na may mga unan na may nakaburdang A&S. Kulay pink halos lahat ng gamit. Kagaya ng pagkakadetalye ko sa kanya noon. Napakababae ng dating, lahat ng bagay at gamit dito ay ang mga bagay na gusto ko.

Come Back To Me (GirlxGirl)Where stories live. Discover now