2

17.2K 215 21
                                    

2

------

SHA's POV

"Mine!"

Tinawag ko si Cherry dahil nakakita ako ng sansrival cake na matagal na akong nagke-crave.

"Mine, halika dito. Masarap ito dali!"

Sobrang excited akong ipakita sa kanya yung cake na yun kasi yun ang pinakamasarap na cake na natikman ko.

Pero busy sya sa paghahanap ng tea kaya medyo lumapit ako sa may door malapit sa counter at tinawag ko ulit siya.

"Mine lika dit--"

O.O

.

.

.

.

.

.

.

.

Natigilan ako sa nakita ko. Nakatingin sa akin ang isang pamilyar na pares ng mga mata.

Hindi ako pwedeng magkamali kung sino ang nakita ko. Pero bakit ganun?

Ang laki ng ipinagbago ng itsura nya.

Ang iksi ng buhok nya, shoulder length at may kulay na rin. Naka-eye glasses na rin sya na parang nerd. At sooobraaannnggg payat at puti na niya.

Tumingin ako ulit para i-verify ang nakita ko. And to my surprise, nakatingin din siya sa akin.

Parang huminto sa pagtibok ang puso ko. Parang natuyuan ang lalamunan ko. Hindi ko matagalan ang pagtitig niya sa akin. Hindi ko alam paano akong tatakas sa mga tingin niya.

"Art?"

Haaaaaa! Buti na lang dumating si Cherry.

"Hey Art! Art? Right?"

Gusto kong pigilan si Cherry kasi baka nagkakamali kami ng taong nakilala.

Hinawakan ko siya sa braso pero lumapit siya sa table ni Art at iniabot ang kamay niya. Wala na akong nagawa.

"Yes. Art."

Siya nga. Si Art nga ito. Ganun pa rin ang lalim ng boses nya. Wala pa ring ipinagbago ang dating sa pandinig ko ng boses nya.

"Nice seeing you here."

"You too."

I can't believe na nakikipagusap si Cherry kay Art ngayon. Nakakabigla ito.

"Mind if we share seats with you?"

Tiningnan ko ng masama si Cherry. Anong balak niya??? Uupo kaming dalawa sa harap ni Art na ngayon ko lang nakita after so long? Hay nako naman!

"Not at all. Sige lang. I was about to leave na rin."

Napatingin ako sa kanya. Aalis na siya? Eh mukhang nagsisimula pa lang siya sa kape niya. Halos puno pa nga ang cup niya.

Nagtama ang mga mata namin. And to my surprise, ngumiti siya. Nginitian niya ako. After so many years, ngayon lang ulit kami nagkita at may kaunting kurot na dulot sa akin ang ngiting yun.

Art really has changed. Parang ang bigat ng dating niya. Parang ang seryoso niya at ang suplada. Anyways, ganito naman talaga siya dati pa. Pero iba ngayon eh.

"H-hi A-art!"

Wala sa sariling nabati ko siya. Nanginginig ang boses ko sa di ko malamang dahilan.

Come Back To Me (GirlxGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon