22

11.7K 263 49
                                    

22

SHA's POV

{You should sleep na. Baka marinig ka ni Cherry.}

{Tulog na siya.}

Maaga pa at hindi pa ganoon kalalim ang gabi pero tahimik na ang paligid. Hindi ko alam kung anong naisipan ko at tumawag ako kay Art kahit katabi ko si Cherry. Katahimikan ang bumalot sa pag-uusap namin. Naririnig ko ang paghinga niya. Kagaya ng dati, mababaw pa rin ang mga iyon.

{//And even as I wander, I'm keeping you in sight.//}

O.o

o.O

K-kumakanta si Art?

{//You're a candle in the window on a cold, dark winter's night.

And I'm getting closer than I ever thought I might.//}

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang muli kong marinig ang kantang iyon. Naaalala pa kaya niya? Kasi ako...

{//And I can't fight this feeling anymore.

I've forgotten what I started fighting for.

It's time to bring this ship into the shore and throw away the oars forever//}

Malinaw kong naaalala. Ang kantang ito. Ang boses niya. Ang mga gabing kagaya nito.

{//Cause I can't fight this feeling anymore.

I've forgotten what I started fighting for.

And if I have to crawl upon the floor, come crashin' through your door.

Baby, I can't fight this feeling anymore.//}

***call ended.

Naramdaman ko ang mabilis na pagtibok ng puso ko. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Nalilito ako!

Sinubukan kong tawagan ulit si Art pero hindi ko na ma-reach ang telepono niya. Mukhang pinatay na niya ito. Himbing na himbing pa rin sa pagkakatulog si Cherry

Mukhang hindi niya naramdaman na nagkausap kami ni Art ngayon-ngayon lang.

Pinagmasdan ko ito habang natutulog. Matagal na rin pala mula nang maging kami. Halos hindi ko naramdaman na limang taon na pala ang lumipas.

Naging napakabilis ng paglakad ng panahon. Siguro dahil masaya kami sa piling ng isa't isa. Nasa Saudi pa lang nang maging kami. Naaalala ko pa, doon nagsimula ang lahat. Hindi ko rin iyon inasahan pero nahulog ako sa kanya. At... Doon kami natapos ni Art.

Mabait si Cherry, kabaligtaran siya ni Art kung tutuusin. Man of few words, sabi nga. Siguro iyon ang bagay na nagustuhan ko sa kanya. Samantalang si Art makulit, maraming pickup lines, aktibo. Isip bata ako, pero madalas nasasakyan iyon ni Art. Kaya lang iyakin siya, hindi kagaya ni Cherry. Siguro ay dahil mas bata si Art at magkasing-edad lang kami.

Napabuntong-hininga ako nang mag-flashback muli ang mga panahong iyon sa isip ko.

Napakahirap.

Hindi lang naman si Art ang nahirapan noon. Ako rin.

Ako rin mismo hindi ko alam bakit nawala na lang yung pagmamahal na meron kami noon.

Ayaw kong sisihin ang sarili ko o si Art sa nangyari. Naniniwala kasi akong may dahilan ang lahat. Pero sa totoo lang, hanggang ngayon hindi malinaw kahit sa akin kung anong dahilan at bigla na lang naglaho yung pagmamahal ko para sa kanya.

Naaalala ko pa noon, mas gugustuhin kong maging kaibigan na lang siya kesa maging girlfriend.

Para hindi natatapos ang lahat sa amin. Dahil hindi naman natatapos ang pagkakaibigan.

Come Back To Me (GirlxGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon