21

12.2K 225 45
                                    

21

SHA's POV

Hinalikan niya ako sa noo.

Nang gawin niya iyon ay para akong nilusaw sa kinatatayuan ko. Malamig ang tubig ng lawa pero naramdaman ko ang warmth niya.

Pumikit ako habang nakadikit ang mga labi niya sa noo ko. Pinakiramdaman ko ang sarili ko. Hindi na ako sanay. Sa tinagal-tagal ng panahon na wala siya, parang hindi ko na maapuhap pa sa ala-ala ko kung ano ang pakiramdam na muli nyang mahalikan.

"T-tara na."

Aya ko sa kanya. Malamig na kasi at medyo pahapon na. Ayaw ko naman na gabihin pa kami sa daan.

Bumitaw na rin ako sa pagkakayakap sa kanya. Inalalayan niya ako papunta sa mababaw na parte ng lawa. Mula dito ay tanaw ko na nag-aayos na sila Mama ng gamit at nagbibihis naman ang mga bata.

"Okay na ba yung mga pictures na nakuha mo o gusto mo pa dagdagan?"

Tanong ko kay Art habang abala ito sa pagpapatuyo ng katawan gamit ang maliit na twalya niya.

"I've had enough. Thank you ha."

Ngumiti ito habang nakatingin sa akin. Nag-iwas ako ng tingin. Hindi yata tama na maging ganito kami kakomportable sa isa't isa. Baka kasi... Baka kasi makasakit ako. Isa pa, baka mamiss ko siya.

"O, Art. Solve ka ba?" Tanong sa kanya ni Tito Delfin.

"Yes Tito. Ang ganda nga pala talaga dito! Nag-enjoy po ako." Sagot ni Art sa kanya.

"Uuwi na ba tayo? O gusto mo pa mag-stay ng kaunti?" Tanong ni Mama kay Art. Nakaayos na rin naman ang mga gamit at anytime pwede na kami umuwi.

"Tara na po Tita. Malamig na. Baka sipunin ang mga bata."

Pahapon na rin kasi noon. December pa kaya naman malamig na talaga ang hangin. Isa pa, mukhang pagod na rin ang mga bata sa pagtatampisaw sa tubig kanina.

Naglakad na kaming lahat pabalik sa sasakyan. Inoffer sa akin ni Art ang kamay niya upang alalayan ako pero di ko iyon tinanggap. Tumingin lang ito sa akin at hindi na nagsalita pa. Siguro'y nagtataka din kung bakit di ko inabot ang kamay niya. Haaay! Ang hirap naman kasi ng ganito. Nalilito ako.

Pagdating sa sasakyan ay biglang may tumawag sa telepono ni Art. Pinagbuksan niya ako ng pinto habang may kausap siya sa fone. Nang makapasok ako ay sumenyas ito na saglit lang. Tumango lang ako. Nakita ko rin na umalis na ang sinasakyang van nila Mama. Nauna na siguro.

{Saan na kayo?}

Nagtext si Cherry. Gising na siguro yun. Kumain na kaya siya?

{Pauwi na mine.}

{Ah good. Ingat kayo. Nagenjoy ka?}

{Opo. Kumain ka na?}

{Yes mine. Uwi ka na. Miss na kita.}

Magrereply pa sana ako nang biglang pumasok si Art sa kotse niya. Nakakunot ang noo nito at mukhang galit.

Bakit kaya? Sino kaya ang kausap niya?

Pinaandar niya ang makina at nag-lean papunta sa akin. Siya na mismo ang nagkabit ng seatbelt ko. Hindi na rin ako nakatutol pa kasi para siyang The Flash na ikinabit ito. Halos di ko napansin.

Hindi ko na matanaw ang sasakyan nila Mama. Pero tiwala naman ako kay Art na natatandaan niya ang daan pauwi. Malapit lang naman. Halos hapon na rin noon.

Tiningnan ko siya. Ganun pa rin ang timpla ng mood niya. Hindi pa rin ito nagsasalita.

"Daan lang tayo kay Mia sandali. Kuhanin ko lang yung mugs."

Come Back To Me (GirlxGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon