18

15.6K 232 43
                                    

18

---

SHA's POV

Nagsimula nang tumugtog ang acoustic band. Maganda nga pala ang ganitong ambience. Tahimik na nagkukwentuhan at nagtatawanan ang ilang mga bisitang nakapalibot sa bonfire. Medyo malapit sa amin ang banda at talaga namang kikilabutan ka sa ganda ng boses ng kumakanta.

"Mine, ang galing noh?"

Nagulat ako nang bumulong sa akin si Cherry. Oo. Tama siya. Ang galing talagang kumanta nitong kinuha nila Tito Delfin.

"O, Art. Shot na! Bakit di pa kayo nagsisimula?"

Lumapit sa amin si Tito Delfin at may dalang dalawang bote ng Jose Cuervo.

"Hinihintay lang kita, Tito."

Ngumiti ito at kinuha ang alak na inaabot ni Tito Delfin.

"O, Cherry ikaw? Umiinom ka din ba?"

"Try me, Tito."

Natawa si Tito Delfin sa sinabi nito. Tumayo si Art at nagpaalam kay Mia.

"Stay here, I will just get some ice."

"Sasama na ako."

Sasamahan ko na si Art. Kailangan ko kasi maghiwa ng lemon at kumuha din ng mga baso at pulutan.

Inabot ni Art ang kamay ko at inalalayan ako sa pagtayo. Nagulat ako nang gawin niya yun. Pero napangiti ako kaya kinagat ko ang labi ko dahil baka makita ni Cherry.

Sabay kaming naglakad papunta sa loob ng bahay. Kumuha si Art ng ice bucket at naghiwa naman ako ng lemon. Tumabi siya sa akin at tinulungan na rin niya akong maghiwa. Masyado kaming malapit sa isa't isa at pakiramdam ko ay malalasing ako sa amoy niya. Ang sarap sa ilong, sobra.

"Ang bango mo."

Nasabi ko sa kanya habang naghihiwa siya ng lemon sa cutting board ko.

"I know."

Aba! At mukhang mataas masyado ang tiwala sa sarili nitong taong ito ah.

"Mayabang."

Natawa siya ng mahina. Oh God, marunong pa rin naman pala siyang tumawa.

"Iinom ka, Sha?"

"Hmm. Oo, bakit?"

"Great."

"Ngayon mo lang ako makikitang iinom?"

Tumango ito at umabot ulit ng panibagong lemon.

"As I remember, ngayon lang tayo maghaharap sa inuman. So..."

Bumulong siya sa akin. At halos matumba ako sa kinatatayuan ko nang maramdaman ko ang mainit niyang hininga sa tenga ko.

"I dare you not to get drunk."

"Dare me!"

Matapang na hamon ko sa kanya. Alam ko hindi ako uubra sa kanya sa inuman. Pero Art is a gentleman. And I know she'll let me win.

"Anong premyo?"

She asked habang inaayos ang lemon sa isang lalagyan.

"Hmm. Ako ang magdedecide, sigurado ka?"

Tumango ito at ngumiti sa akin.

"Kapag nanalo ako, susundin mo lahat ang gusto ko for two days. At kapag nanalo ka---"

"Susundin mo ang lahat ng gusto ko for two weeks."

"Ha??? Ang daya!"

"Hahaha! Just kidding. Of course, two days lang din. Dare accepted!"

Come Back To Me (GirlxGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon