29

4.2K 98 12
                                    


SHA'S POV

"Ready ka na?"

"Sha, pwede bang huwag mo na lang basahin?"

Hinawakan nito ang kamay ko habang binubuklat ko ang journal. Napatigil ako at nagtaka.

"Bakit? M-may problema ba?"

"Hindi. Wala."

"Bakit ayaw mong basahin?"

"Sha, sabi mo lahat ng nangyari nakasulat dyan di ba? Maaalala ko din yan. Darating ang araw na lahat ng yan babalik sa isip ko. Sa ngayon ayokong mag-aksaya ng oras para sa nakaraan."

Muli ay tintigan niya ako kagaya ng palagi niyang ginagawa.

"Gumawa tayo ng mga bagong memories. 'Yung masasaya. Pumunta tayo sa mga lugar na di pa natin napuntahan. Gawin natin yung mga bagay na hindi pa natin nagawa. Kumain tayo, kumanta, maligo sa ulan. Kahit ano."

Kumuha siya ng isang pilas ng papel mula sa journal ko at sinulatan niya ito.

//THINGS I WANNA DO WITH YOU//

"Ayan, dito sa isang pirasong papel na ito, isusulat natin ang lahat ng gusto nating gawin at gagawin natin 'yun isa-isa. Deal?"

Gusto kong maiyak sa tuwa. Hindi ko akalain na aalukin niya akong magsimula ulit. Hindi ko iniisip na darating pa kami sa ganito. Akala ko tuluyan na niya akong nakalimutan. Akala ko hindi na siya mag-aaksaya pa ng panahon para alalahanin ako o ang pagmamahalan namin. Pero eto, siya na mismo. Gagawa kami ng mga bagong memories. Magsisimula kami ulit. At sinisiguro kong hindi na ulit kami magkakahiwalay.

"Ano? Ayaw mo ba?"

Hindi ko napigilan ang sarili ko at niyakap ko sya ng mahigpit.

"Deal!"

Pagbitaw ng yakap ko sa kanya ay pumirma ito sa papel na hawak niya. Inabot niya ang ballpen sa akin. Alam ko na ang gusto nyang mangyari. Pumirma din akoo bilang pagtanggap ng usapan namin.

"Hmm. Ano ang una mong gustong gawin?"

Tanong ko sa kanya habang abala siya sa paghigop ng kape nya.

Maya-maya ay tumayo ito, iniabot sa akin ang kamay at hinila niya ako palapit sa kanya.

"Things I wann do with you number 1. Sumayaw ng walang tugtog."

Hinapit nya ang bewang ko, ipinatong niya ang dalawang kamay ko sa balikat niya.

"Yaaaam! Ano baaaa-"

"Ssshhh."

Itinapat nya ang daliri niya sa mga labi ko. Ayokong sumayaw! Napakaraming tao sa coffee shop na yun at isa pa hindi naman ako marunong sumayaw. Hindi pa rin nya ako naisayaw dati. Ngayon lang naming ito gagawin. Pero bakit ditto pa? At wala pang tugtog?! Naku naman talaga!

"Naririnig mo ba, Sha?"

"H-ha? A-ang alin?"

"Ang tibok ng puso ko."

Inilapit ko ang ulo ko sa may bandang dibdib nya. BAnayad ang tibok nito. Kalmado. Halatang walang pakialam sa dami ng taong nakapaligid sa amin at nagtitinginan.

"Hindi ko alam kung anong meron tayo noon. Kung paano ba tayo. Kung paano ba ako bilang girlfriend. Pero may kung anong nagsasabi sa puso ko na gawin ko ito. Na pasayahin kita. Na gawin kong espesyal ang bawat araw na kasama kita."

Nakikinig lang ako sa kanya. Hindi kon naramdaman na nagsisimula na palang gumalaw ang paa namin. Nagsasayaw na kami.

//Wise men say
Only fools rush in
But I can't help falling in love with you//

Come Back To Me (GirlxGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon