3

16.7K 221 20
                                    

3

------

ART's POV

Nilakad ko mula Serendra hanggang sa unit ni Zoey. Bukas pa ng umaga ang uwi niya kaya mag-isa lang ako doon mamaya. Maaga pa naman kaya naisipan kong maglibot muna.

Napadpad ako sa isang wine bar just accross Zoey's building. Since napunta ako ng Canada, lifestyle ko na yata ang uminom, magcoffee, magbasa at magsulat.

Maganda ang ambience ng bar. Hindi siya disco bar na sobrang ingay. Sakto lang. Mga cocktails and cheese ang main entrè nila. Just exactly what I need.

Naupo ako malapit sa glass wall kung saan tanaw ko ang street. Gusto ko kasing nanonood ng mga galaw ng tao. Naeentertain ako sa mga kilos ng mga taong nasa paligid ko habang sila, unaware na tinitingnan ko pala sila.

Nasa kalagitnaan ako ng pag-inom ng Margarita nang maalala ko ang journal ko.

"Crap!"

I was in panic. Hindi ko alam kung saan ko naibaba ang journal ko. Sigurado kahit balikan ko yun, wala na yun sa Conti's. May isang oras na rin kasi ako dito at sigurado marami nang nagdaan na tao doon sa inupuan ko.

"Sh*t."

Wala akong nagawa kundi ubusin na lang ang inumin ko. Sobrang badtrip ako. Ang tagal kong iningatan yun! Pero sa isang iglap, nawala after five years.

"Malas. Kainis!"

Sa sobrang badtrip ko, umorder ako ng isang buong Jack Daniel's at ininom ko yun ng mag-isa. Oo, mag-isa lang ako. Nasanay na rin naman akong ganito sa tagal ng panahon. Ako na nag-aalaga sa sarili ko dahil sakitin ako. Ako na rin ang umaasikaso sa sarili ko kasi nasa malayo ako. Sa loob ng limang taon, mag-isa kong sinurvive ang buhay.

Nasa kalahati na ako ng iniinom ko ng tumawag si Zoey.

{Beb. Kumain ka na?}

{Hindi pa.}

{Bakit? May niluto ako sa ref. Initin mo na lang.}

{Nasa labas ako eh. }

{Ah. Sinong kasama mo? Ginamit mo yung car?}

{Nope.}

{You sound pissed. Tell me more of it tomorrow ha paguwi ko. Sorry beb. I have to go.}

{Alright. Take care. Loveyou.}

Sa totoo lang naiinis pa rin ako dahil sa pagkawala ng journal ko. Ngayon pa nawala. Sana pala hindi na lang ako umuwi ng Pilipinas. Haaay!

Napagawi ang tingin ko sa labas ng wine bar na pinag-iinuman ko. Ang daming ilaw sa daan. May mga couple na naglalakad at may mga teenagers na abot ang picture. Lalo lang akong nainis kasi sa Canada hindi naman ganito ka-obvious ang spirit ng Christmas eh.

Nagsulat ako sa tissue. Mahilig akong magsulat sa mga ganito. At karamihan sa mga iyon, nasa journal kong nawala.

December 2, 2018.

I saw her today with Cherry.

Yun lang ang nailagay ko sa note. Nahihilo na ako at kailangan ko ng umuwi dahil ayokong magpakalasing sa labas.

Pagdating ko sa unit, naligo ako para mawala ang hilo ko.

Nakita ko si Sha ngayon kasama si Cherry. Bakit kaya hindi sya makatagal ng tingin sa akin? Bakit hindi nya ako mangitian pabalik?

Naiiling at natatawa akong lumabas ng shower room at nagbihis na. Itutulog ko na lang ito. Ngayon ko lang naramdaman ang pagod sa byahe.

------

Come Back To Me (GirlxGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon