17

14.2K 227 52
                                    

17

-----

SHA's POV

Sha Miranda.

My name is inked on Art's skin. Oh, God. Oh, God!

Halos maluha ako sa nakita ko! Hindi ko akalain na gagawin niya 'yun!

Naaalala ko pa noon sa tuwing tatanungin ko siya kung sigurado na ba siya sa forever kasama ako, never siya nag-dalawang-isip sa pagsagot. Palaging OO ang sagot niya. At nangako siyang sa araw ng kasal namin, ipapalagay niya ang pangalan ko sa balat niya. Dahil naniniwala siyang kaming dalawa ay para sa isa't isa.

At ginawa niya iyon. Lahat ng pangako niya sa akin ginawa niya. Wala akong matandaan kahit isa na hindi niya tinupad. Pero sa kabila noon... Hay! Ewan. Ayokong magsisi sa isang bagay na naging masaya naman ako. Matagal na panahon na ang nagdaan. Namili na ako. Wala na akong dapat balikan pa. Wala na dapat akong pagsisihan pa. Wala na dapat dahil naging masaya ako sa loob ng limang taon sa tabi ni Cherry.

Hindi ko napansin na tumutulo na pala ang mga luha ko. Sa totoo lang, hindi ko rin alam. Pero parang gusto kong yakapin si Art para kahit paano gumaan ang guilt na nararamdaman ko.

Tinigilan ko na ang pagtingin sa mga litrato dahil nakita kong dumating na si Art at si Mia. Mula sa bintana ay kita ko kung paanong alalayan ni Art mula sa pagbaba ng sasakyan si Mia. Maganda ito, hindi iyon maikakaila. Bagay sa kanya ang buhok niya. At... Bagay silang magkatabi ni Art.

"O, kumain na kayong apat diyan."

"Tara, mine?"

Magkakasalo kaming apat na kumain. Wala halos nagsasalita pero nahuhuli kong kapag nagtatama ang tingin nila Art at Mia ay pareho silang ngumingiti. At sa tuwing ginagawa nila yun, hinahawakan ko ang kamay ni Cherry para ipaalala sa sarili kong siya ang present ko. Wala ng iba.

"May problema ba mine?"

"H-ha? W-wala."

"Ang sweet naman ng mine ko. Di ako aalis. Wag kang mag-alala."

Sinubukan kong ngumiti sa sinabi sa akin ni Cherry. Patapos ng kumain si Art at iniabot ko sa kanya ang camera. Pag-abot niya, pilit kong tinatanaw ang tattoo niya pero natatatakpan ito ng relo. Hindi ko tuloy yun makita.

"Thanks, Sha ha."

"Wait, kuhanan mo muna sila ng picture mine."

Ngumiti si Art at ibinalik sa akin ang camera. Tumango ako at mula sa viewer ay nakita ko kung paanong nilagay ni Art ang kamay niya sa likod ni Mia.

"There you go."

Ang awkward lang. Sobra.

"O, kami naman Art!"

Inilapit ni Cherry ang bangko niya sa akin at kinuha naman ni Art ang camera nito.

"One, two, okay."

Natapos na kami maglunch at sabay-sabay kaming tumambay sa veranda. Medyo pa-hapon na rin noon at medyo kumokonti na ang bisita.

"Mia, I will just freshen up ha. Mabilis lang. Dito ka muna kila Sha, okay?"

Tiningnan ako ni Art pero di ako nakapag-react kaya si Cherry na lang ang tumango.

"Sige lang, Art. Take your time."

Nakangiting sabi ni Mia kay Art. Halos patakbo naman si Art na tumalikod. Parang alam ko na kung bakit. Siguro nag-aalala rin na baka kung ano ang gawing eksena ni Cherry. Hay. Hindi ko naman kasi alam na ganito pala mag-handle ng insecurities si Cherry. Hindi healthy. Nakakatakot.

Come Back To Me (GirlxGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon