"H-hindi no.."

Sabi ko at natawa naman sya.

"Ay, sorry. Akala ko kasi kayo na eh ang close nyong tignan kanina.."

Sabi nya at tumango-tango nalang ako. Muli namin pinagmasdan si Chan. At naisipan ko naman na magtanong rin kay Leila.

"Um, kayo na ba ni Chan?"

Tanong at napatingin naman sya sa akin. Nagtaka nalang ako ng bigla syang tumawa.

"What? No. Parang kuya ko na si Chan. At may boyfriend na ako eh."

Sabi nya at di ko nanaman maiwasan magulat. Teka, seryoso?? Akala ko sila na pero yun pala hindi?? Alam ba ni Chan to??

"Pero, nagugustuhan ka ni Chan..."

"Oo, pero dati lang yun. At tsaka, iba na nagugustuhan nya no."

Sabi nya at nagtaka ako ng bigla nya akong kinindatan. Pinanood nya na ulit sila habang ako di pa rin makapaniwala dun sa sinabi nya. Naalala ko na sinabi sa akin ni Chan na matagal nya ng nagugustuhan tong si Leila. At ngayon sinabi na ni Leila lahat, medyo naguguluhan na ako.

"Teka lang, mag-ccr lang ako."

Sabi nya at tumayo na. Pero bigla nalang sya nawalan ng balanse kaya agad ko syang sinalo. Napangiti naman sya tsaka nagpasalamat sa akin.

"Ok ka lang? Gusto mo samahan kita?"

"Ok lang ako. Kaya ko to.."

Sabi nya. Tumango nalang ako at dahan-dahan syang binitawan. Pagtapos ay naglakad na sya papunta sa cr. Ng makaalis na sya ay pinanood ko nalang ulit sila maglaro. Pero di ko pa rin maiwasan mag-alala kay Leila. Medyo namumutla rin sya. Ok lang kaya sya?

Nakalipas na ang ilang minuto at hanggang ngayon hindi pa din nakakabalik si Leila. Mas lalo tuloy ako nag-alala. Dahil dun, naisipan kong puntahan sya. Dapat pala sinamahan ko na sya. Tumayo na ako at dumiretso na ako sa cr.

"Leila?"

Tawag ko habang naglalakad ako papunta sa cr.

"Leil–"

Pagpasok ko ng cr ay natigilan ako ng makita kong nakahandusay sa sahig si Leila. Nanlaki tong mga mata ko at agad ko sya pinuntahan.

"LEILA?? ANONG NANGYARI SAYO??"

Sabi ko at binuhat sya sa bisig ko. Fudge! Anong nangyari sa kanya?! Naramdaman ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko at agad ako humingi ng tulong.

"TULONG! JEONGIN! CHAN!"

Sigaw ko at umalingawngaw sa buong paligid ang aking boses. Maya-maya ay dumating sila Chan na medyo hingal na hingal pa. Gulat na gulat rin sya ng makita ang walang malay na si Leila at kaagad sya lumapit sa amin.

"ANONG NANGYARI SA KANYA?!"

Halos pasigaw nyang tanong. Kinuha nya si Leila at agad naman ako umiling.

"H-hindi ko alam. Nagpaalam sya na mag-ccr lang sya at ng mapuntahan ko sya dito–"

"Bakit hindi mo man lang sinamahan, ha?!"

Natigilan ako ng bigla nya akong sigawan. Tinignan nya ako diretso sa aking mata at nagsidatingan na rin yung mga kaibigan nya.

"S-sasamahan ko dapat sya e-eh s-sabi nya na–"

"Kahit na! Kung nakikita mo naman pala na hindi sya ok edi sana sinamahan mo na!"

Sigaw nya sa akin at di naman agad ako nakapagsalita. Sobrang sama ng tingin nya sa akin at parang ako ang sinisisi nya sa nangyari kay Leila. Na parang kasalanan ko ito. Naramdaman kong may mga luhang namumuo sa gilid ng mata ko.

"S-sorry–"

"Sa tingin mo ba, may magagawa yang sorry mo?!"

Sigaw nya at halos nadudurog na tong puso ko. Maya-maya ay tumayo na sya habang buhat-buhat si Leila.

"Kailangan natin sya madala sa hospital!"

Sabi ni Chan at naglakad na palabas. Nagsialisan na sila habang ako naiwan naman nakaupo dito sa sahig. Maya-maya ay may lumapit sa akin at pagtingala ko ay nakita ko si Jeongin.

"Claire, ok ka lang?"

Nag-aalala nyang tanong sa akin. Napayuko naman ako at tuluyan ng bumuhos tong luha mula sa aking mata. Di ko na mapigilan pang mapaiyak. Agad naman ako niyakap ni Jeongin at dahan-dahan hinimas ang aking ulo.

"K-kasalanan ko to, Jeongin..."

"Shh, wag mong sabihin yan. Hindi mo kasalanan yung nangyari kay Leila..."

Sabi ni Jeongin habang pinapatahan ako. Wala na akong nagawa kundi maiyak nalang ng maiyak habang inaalala ko mga sinabi sa akin ni Chan kanina.




DIARY. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon