"Grabe lang Ayes, Sinasapian ka ba? Kanina dumaan na tayo dito tapos di mo man lang naalalang pupunta ka pala dito."

"Dami mo pang reklamo Boy Antipatiko. Andito na kaya tayo oh. Manahimik ka na. Para kang babae kakadakdak eh" Hayy na ko. Pasalamat ka ano. Tsss. Wala. Napalunok ako nung binubuksan na niya yung locker niya.

"Ano Miss T, matagal ka pa ba dyan? Baka naman natutulala ka na naman."

"Teka. Alam mo yung salitang wait you know." Sabi niya nung humarap siya sakin tapos ang laki laki ng ngiti. Lakas topak talaga nito.

Ayesha's POV

Napangiti na naman ako nitong letter sender na to kung sino man to. Grabe first day na first day meron agad. I mean consistent niya ha. Akala ko nung first sem lang yun aba eto na naman siya nagsisimula na naman.

Alam ko sobrang curious ka na kung sino ako. Pero di muna ako magpapakilala sa ngayon. Okayy na kong nakikita kang nakangiti kada nakakatanggap ka ng sulat ko. I hope you'll have a good semester ahead. Thankyou for everything :)

Smile. Possitive Outlook will bring Positive Outcome.

                                                                                                            LessthanThree Ü

Buti alam niyang curious na curious na ko. Sana naman soon magpakilala na siya. hihihi. 

"Ano Miss T, matagal ka pa ba dyan? Baka naman natutulala ka na naman." Ayyy may kasama nga pala ko wahahah. Napasarap sa pagtitig sa sulat eh.

"Teka. Alam mo yung salitang wait you know." Sabi ko sabay harap na may malaking ngiti. Bat ba e di ko mapigilan eh. hahaha!

Tinago ko sa bag ko yung sulat tas pinuntahan na siya dun sa inuupuan nya na di naman kalayuan sakin.

"Tara!"

"Sabi na natulala ka na naman dun. Hahaha. Tagal mo Ayes."

"Hahaha. sarreh nemen. May sulat na naman kase sa locker ko."

"O eh sulat lang grabe kelangan nakangiti?"

"eh kase ganto yun."

*flashback*

Pagbukas ko ng locker, sobrang nagtaka ko kasi may papel eh. Sino naman kayang naglagay nito dito? Mabasa na nga lang.

Huwag ka ng laging apurado. Mas maganda ka kung laging nakangiti.

                                                                                                                 LessthanThree Ü

Kanino kaya to galing. Infairness napangiti ako pero nagtataka ko. Ano yung lessthanthree Ü? Errr. Jusmeyo math pa yata yun. Matanong nga kay bestfriend mamaya.

***

"Nga pala Ayin, maiba tayo eto pala yung itatanong ko sayo." pinakita ko yung letter.

A/N: sa mga di tanda eto po yun

Huwag ka ng laging apurado. Mas maganda ka kung laging nakangiti.

                                                                                                            LessthanThree Ü

"Ayan best, ano bigsabihin nung LessthanThree Ü ?"

"Buwahahaha. Seriously best? Di mo alam yan? Abno ka ba? Manhid? Timang or something?hahaha."

"Eh itatanong ko ba sayo kung alam ko?"

"hahahaha. Di nga best? Yung totoo? Baka naman tintrip mo ko?" Hay nako kainis naman tong si Ayin. Ang tino tino ng tanong ko eh.

"OO NGA! DI KO NGA ALAM. KAINIS NAMAN TO EH. TINATAWANAN MO KO."

"Whoa! Best chill. Eh kasi naman di kapani paniwala. Okayy yan kasi ibig sabihin niyan eh ganto : <3."

"O e anong meron dyan?"

"Tungaks Ayes. Tignan mo kaya maigi. Dinorowing ko na nga"

"Ayy haha alam ko na. Heart pala. XDD so ibig sabihin parang heart you or love you ibig sabihin nun?"

"Yun! Natumbok mo bestfriend."

***

Pagkabukas ko na naman ng locker ko may napansin akong sulat. Yun na naman yung nagpadala.

I'm not a photographer but I can picture us together. 

                                                                                                            LessthanThree Ü

Napangiti ako ng bahagya sa totoo lang. Kahit di ko siya kilala kung sino siya natutuwa pa rin ako kasi uso pa pala tong ganto. Hello 20th century na tapos may tao pa palang ganto na marunong pa din magpakilig kahit sa simpleng pasulat sulat lang. Natutuwa ako kasi may lalaki pang ganto. Bihira na lang kasi talaga yung ganto.

*end of flashback*

"Basta ayun. madami pang sumunod na letters eh." Tawa ng tawa si Kyle. Parang sira. Batukan ko nga.

"Aray ha. HAHAHAHA Ang brutal mo kahit kelan." Natawa pa rin para talagang sira eh

"Eh bat ka ba kase tawa ng tawa nagkwento lang ako eh."

"HAHAHAHAHA. Bakit ikaw lang pwede tumawa? Grabe naman kase Ayes, yung totoo di mo talaga alam nung una yung LessthanThree Ü? HAHAHA."

"Eh di naman talaga alam eh bat ba."

"Oo na OO! Slow hahaha! Tara na nga. Punta tayo dun sa field. Gusto ko matulog. Pinatawa mo ko hahaha!"

"Ganon tutulugan mo lang ako dun?"

"Sya hindi na. Tara nga."

***

A/N : HELLO! :)) Natutuwa ako kase biglang dumami readers naging 600+ kaya nag update ako kahit may quiz pa kami sa major ko bukas. Comment kayo ha :3 Salamat! :)) Di ko mapopromise na makakapag update ako every week ha. Malapit na kasi finals namin. Hope you all understand. 

Naisip kong gumawa ng FB Page kaso parang wala naman yatang papansin. eh eto nga lang eh. :/  Ano kaya magandang gawin? hmmmm.

Ayy isa pa pala. Kung gusto nyo ng dedication. PM me lang :)) Usap usap na rin tayo!

Eto last na talaga, Sino ba bagay na gawin kong characters? Suggestions naman dyan. Thanks ulit ng madaming madami lalo sa mag aabalang basahin tong note ko. Minsan lang ako magnote ng mahaba. hehehe. Pagbigyan nyo na ^^

ciao :3

-Tine

Less Than ThreeWhere stories live. Discover now