29

780 37 7
                                    

Claire

Pagtapos ng aming klase ay iniligpit ko na mga gamit ko. Pagtapos ay dumiretso na agad ako sa labas at nagulat ako ng makita kong inaabangan ako nila Jeongin at Chan na pinapaligiran ng mga babae.

Agad ko sila tinawag at ng makita nila ako ay naglakad na silang dalawa papalapit sa akin.

"Kinuha nyo talaga lahat ng atensyon ng mga babae eh, no?"

Sabi ko at natawa naman si Jeongin samantalang napangisi naman si Chan at parang proud pa ang kupal.

"Of course, we're handsome!"

Sabi nya at nag-pose pa. Natawa ulit si Jeongin at napailing-iling nalang ako sa lalaking to. Mabuti nalang hindi ganyan si Jeongin.

Sabay na kaming tatlo naglakad palabas ng school. Ng makarating na kami sa may gate ay meron akong nakita mga grupo ng lalaki na naghaharutan. Baka mga kaibigan nila Jeongin.

"Uy! Tagal nyong dalawa ah!"

Sabi nung isa at di nga ako nagkamali na mga kaibigan nga sila nitong dalawang to. Agad sila naglapitan kayla Jeongin at Chan. At ako naman tumayo sa gilid na parang tanga.

"Oo nga pala, sya nga pala si Claire."

Rinig kong sabi ni Chan at lahat sila napatingin sa akin. Naramdaman ko ang pagbilis ng tibok ko dahil sa kaba. Pilit akong ngumiti sa kanilang lahat.

"H-hi.."

Bati ko. At nagulat ako ng ngumiti silang lahat sa akin at kumaway-kaway na parang mga bata.

"Hala hyung, diba sya yung sinasabi mo–"

Bago pa matapos yung sasabihin ng kaibigan nila ay agad naman tinakpan ni Chan bibig nya at inakbayan sya.

"Ok lang naman sa inyo na sumama sya sa atin, diba?"

Tanong ni Chan at tumango naman silang lahat. Mukhang mababait sila. Di ko namalayan na tumayo sa tabi ko si Jeongin.

"Oo naman hyung!"

"Tara na guys! Let's goooo!"

Sigaw nung isa na medyo singkit yung mata. Naglakad na sila at nakisabay naman ng lakad sa akin si Jeongin.

• • •

Habang naglalakad kami papunta sa basketball court ay nag-uusap naman kami ni Jeongin. Isa-isa nyang pinakilala yung mga kaibigan nya at meron iba naman na nakikisali sa amin. Napapatawa nalang ako dahil sa kakulitan nila. Pero napansin ko na kanina pa lingon ng lingon sa amin si Chan. Parang gusto nyang lumapit sa amin pero hinihila sya ng mga kaibigan nya.

"Pagpasensyahan mo na sila kung ang kukulit nila. Sadyang ganyan yang mga yan eh."

Biro ni Jeongin. Napangiti naman ako tsaka tumango.

"Okay lang. Ang cute nga nila eh."

Sabi ko at napatingin kay Jeongin. Bigla naman syang ngumiti sa akin at nagsilabasan nanaman yung mga dimples nya. Di ko alam pero weakness ko na ata yung dimples ni Jeongin.

"Mas cute ka, Claire."

Bigla nyang sabi. Napakurap naman ako at kaagad umiwas ng tingin. Naramdaman ko nanaman muli ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Pota Jeongin??

DIARY. Where stories live. Discover now