"But this one is failed," dismayadong komento nito.

"Pero tumaas naman ang score ko. Di ba dati out of fifty, ten lang ang score ko? At least ngayon tumaas na ng sampu!" masayang pahayag niya.

Sinauli sa kanya ng kausap ang papel at tila hindi pa rin ito natuwa sa katwiran niya. "This means you need to study even harder. By the way, you told me that you find mathematics more difficult than science. But why is it that you still dropped science yet you passed math? Does it mean I'm a bad tutor?" may bahid ng tampong tono nito.

Napalunok siya. How she wished she could tell him he's not a bad teacher. Di lang talaga siya makapagconcentrate kapag ito ang nagtuturo sa kanya. Kagaya ngayon para na naman siyang matutulala habang nakapako ang mga mata nito sa kanya. Haayy. Kahit ang dismayadong reaksiyon nito ay cute pa rin sa paningin niya.

Naalala niya ang sinabi ng ama na may karelasyon na ito. So what? She can still have crush on him eventhough he has a girlfriend, right? Sabi nga ni Wendy as long as it's not love, she has the freedom to tolerate this exciting feeling. It's just a secret admiration and never pa namang sumagi sa isip niya na gusto niya itong makarelasyon.

"Miisha!" pagbasag ng lalaki sa pag-iisip niya.

Agad siyang napakurap. "Ah-eh mas madali talaga ang science para sa akin. Nagkataon lang siguro na mas mahirap ang mga tanong sa exam nito kumpara dun sa math," mabilis na palusot niya.

Tinapik siya ni Kyle sa balikat. "Miisha I feel great about your quiz result. You're really improving a lot. At dahil diyan ititreat kita ng lunch ngayon."

Bigla siyang nakaramdam ng hiya. "Naku huwag na! Ako nga ang dapat magtreat sayo dahil ako ang tinutulungan mo."

"I feel like it's my achievement too. You made me proud as your teacher. So anong gusto mong kainin?" alok muli nito.

Nag-isip siya ng mabilisan. She can save one meal kaya bakit niya pa ito tatanggihan?

"Chicken at baked mac," nakangiting sagot niya.

"Okay I'll buy it for you."

"Samahan na kita," aniya.

"No. Just sit there and wait."

"O-Okay. Thank you."

Muli siyang tumingin kay Jacob and he's still giving her a slit-eyed looks. Naasiwang nginitian niya ito.

"G-Gusto mo ikaw na lang ilibre ko?" maamong alo niya sa lalaki.

"My tray is full. Girls here are giving me more than enough already. Kung gusto mo I'll share some with you." Sabay may dumaang isang babaeng estudyante at pasimpleng inilapag ang isang slice ng cake sa tabi ng tray ni Jacob.

"See?" he shrugged while looking at her.

"S-Salamat pero huwag na. That's for you. The girls who gave it to you will be offended kapag nakita nilang ipinamigay mo lang sa iba ang bigay nila."

She's A Bad GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon