Nag laro kami ng nag laro sa tubig hanggang sa mapagod kami. Umupo kami sa gatter nung swimming pool.

"Ang saya noh? Parang wala tayong mga porblema?" Tanong ni Kathryn.

"Oo nga eh. Parang naging bata ulit tayo. Yung walang iniisip kundi pag lalaro lang." Sabi naman ni Aly.

"Sana bata nalang tayo." Sabi naman ni Cass. Napangiti ako. Kahit ganito yung mga kaibigan kong 'to, marunong din silang mag seryoso.

"Tama! Tama na yang kadramahan nyo! Kahit anong drama nyo, hindi na babalik yang kabataan natin kasi nasa past na yan. Nasa memories nalang natin. Isa kasi sa mga expirience natin sa buhay natin ang pagkabata." Sabi ni monster na nasa tabi ko. Napanga-nga naman kami. Taeness. Seryoso? Nag salita si monster ng madrama?

"Wow! Mag drama pa nga kayo! Para naman marinig ko ulit mag salita ng whogoat lines si monster! Bilis!" Sabi ko. Ginulo naman ni monster yung buhok ko at tumawa ng mahina.

"Infairness pare ah? Nakakapag salita ka na ngayon! Akala namin pipe ka eh!" Sabi ni CJ.

"Madalang ka lang mag salita kapag mag kakasama tayo noon eh!" Sabi ni Ian.

"Hahahaha! Oo nga dude! Naman kasi hindi ka nag sasalita. Ang ganda pala ng boses mo. Nakakainlove!" Sabi ni James. Nagtawanan naman kami.

"Alam nyo, kaya hindi yan nagsasalita si kuya kasi nahihiya sya. Ang gwa-gwapo daw kasi natin! Lalo na ako! Ang gwapo ko daw kasi!" Sabi ni Harley. Nag tawanan naman kami. Binatukan naman siya ni monster.

"Gago ka talaga! Magtino ka na nga! May anak ka na't lahat eh hindi ka pa din nagtitino." Sabi ni Monster.

"Alam mo kuya, oo may anak na ako. Pero syempre kailangan ko pa ding mag enjoy! Ngayon na nga lang ako nage-enjoy eh. Bawal na kasi kapag lumaki na si Halley. Alam mo na, pag lumaki yang anak ko, lintik nalang ang walang latay! Paktay tayo dyan. Maganda pa naman ang lahi natin kaya maganda yan panigurado. Syempre kapag maganda, madami yang manliligaw. Kailan nating bantayan." Sabi ni Harley.

"Kahit na noh. Kailangan tumino-tino ka na din." Sabi naman ni Monster.

"Haaay! Ang da-drama nyo talaga! Bahala kayo dyan! Kakain nalang ako! Pero wait lang, nasan sila Serys? Ha monster?" Tanong ko kay monster.

"Nakita mo ba? Tss." Sabi ni monster at tumayo na.

"Hala. Anong nangyari dun?" Tanong ko habang kinakamot yung noo ko.

"Bakit ka kasi naghahanap ng iba!" Sabi ni CJ.

"Eh? Hindi ko kayo maintindihan promise." Sabi ko.

"Tsk tsk! Patay ka! Nag selos yun sis!" Sabi ni Aly.

"Selos?" Tanong ko. Naguguluhan talaga ako promise!

"Oo nga. Paulit-ulit naman. Sister, nag selos si William dahil hinahanap mo sila Serys." Sabi ni Kathryn habang umiiling.

"Syempre hahanapin ko sila kasi wala sila dito. Magulat ka hinanap ko sya diba? Eh nandito naman sya." Sagot ko.

"Ewan ko sayo sis. Sundan mo nalang yun!" Sabi ni Cass. Tinulak-tulak naman nila ako.

"Oo na! Saglit lang naman. Hindi makapag hintay eh." Sabi ko at tumayo na. Kumuha muna ako ng damit ko sa kwarto. May CR naman sa kwarto pero alam kong ginagamit yun ni monster kaya sa labas nalang ako magc-cr. Kinuha ko lang yung maluwag kong t-shirt at yubg short-shorts ko.

Nag punta ako sa CR sa labas. Nag banlaw lang ako. Nag conditioner ako para mawala yung tigas ng buhok ko. Pagkatapos kong mag banlaw ay nag bihis na ako. Lumabas na ako ng CR at nakita ko sila mommy na nandun na. Ni-kiss ko naman sila sa cheeks. Sinabi ko naman na pupunta lang ako ng kwarto.

Pumunta nga ako ng kwarto at nag patuyo ng buhok. Nandun nga si monster eh. Nakahiga sa kama at nagce-cellphone na naman. Syet lang. Wet look. Omg. Ang gwapo nya lalo.

Hindi Jewille! Bawal yan! Malaking pagkakasala yan! Itinuloy ko nalang yung pag tutuyo ko sa buhok ko at ng natuyo na sya ay lumabas na ako ng kwarto. Baka ma-rape ko pa si monster eh. Hahaha joke lang naman.

Pagkadating ko ay nag hahanda na ng dinner sila mommy. Pinatawag naman nila si monster kay Harley dahil tinanggihan ko talaga sila nung sinabi nilang ako yung magtawag kay monster sa kwarto. No way! Hindi nga ako pinapansin eh.

Habang kumakain ay tahimik lang ako. Habang sila nagu-usap usap.

"Listen everyone! Mamayang madaling araw ay uuwi na tayo. May biglaang meeting kasi sa company. Dapat ay hanggang sa isang araw pa tayo kaso tumawag yung secretary na may meeting daw na biglaan. Kaya sorry kids. Babalik na tayo sa manila mamayang madaling araw." Sabi ng mommy ni monster. Aww. Sayang naman! Ang bilis lang namin dito!

Pagkatapos kong kumain ay pumunta na ako sa kwarto. Hindi nalang ako matutulog. Tutal naman eh madaling araw kami aalis. Susulitin ko na 'to. Hahaha.

~~~

Tulad nga ng sinabi ko, hindi ako matutulog. Hahahaha. 11 pm na pero gising pa din ako. Si monster naman eh lumabas. Kakalabas lang. Hindi ko alam kung saan sya pupunta.

Dahil wala akong magawa dahil ang cellphone ko ay naka-charge, lumabas ako papuntang garden. Nakita ko naman doon si monster. Tinabihan ko sya at tumingin sa langit. Ang ganda naman. Ang daming stars!

"Bakit gising ka pa?" Tanong ni monster.

"Wala lang. Hindi pa ako inaantok eh. Ikaw? Bakit hindi ka pa natutulog?" Tanong ko kay monster. Tumingin naman ako sakaniya at nag shurg lang sya ng mga balikat nya. Eh? Hindi ko nalang inintindi yung sagot nya. Okay fine.

Mahabang katahimikan ang bumalot saamin bago ako nag salita.

"Sorry." Sabi ko. Nagulat ako nung inakbayan nya ako.

"Bakit ka nagso-sorry?" Tanong nya at tumingin ng saglit saakin.

"Yung sa kanina." Sabi ko.

"Ah. Don't mind it." Sabi nya.

"Bati na tayo ah?" Sabi ko sakaniya.

"Oo na." Sabi naman nya.

Napangiti ako. Yes. Bati na kami! Haha. Ang babaw ng kaligayahan ko noh? Pero syempre masaya ako kasi alam kong hindi na galit saakin yung taong mahal ko. Syet. Ang corny ko. Omg lang. Huehue.

"Pasok na tayo. Malamig na." Sabi nya saakin at tumayo. Tumayo din ako kasi naka akbay pa din sya saakin. Tumalikod na ako at mag lalakad na sana ng bigla nya akong hinila at niyakap.

"Give me five minutes Jewille. Just a five minutes." Sabi ni Monster kaya hindi na ako gumalaw. Parang may kung ano sa tyan ko habang yakap ako ni monster. Kumalas naman si monster sa pagkakayakap at hinawakan yung kamay ko at hinila ako papasok. Nagpatianod naman ako sakaniya dahil hindi ko mabawi yung mga kamay ko. Nakarating naman kami sa kwarto. Pinatay na nya yung ilaw at humiga na kami. Ganun pa din yung pwesto namin. Matutulog na sana ako ng hinalikan ni monster yung noo ko.

"Good night Jewille. Sleep tight." Sabi ni Monster.

"Good night din monster." Sabi ko at pumikit na. Sabi ko hindi ako matutulog pero ano 'to? Bakit ako nakapikit at handa ng matulog?

Ay Ewan. Matutulog nalang ako.

~Third Person's POV~

Habang mahimbing na natutulog si Jewille ay naka-tungkod naman yung mga kamay ni William sa kanyang ulo. Hindi sya makatulog kaya naman tinititigan nalang nya si Jewille. Baka sakaling makatulog sya.

"Para ka talagang lason." Sabi ni William sa tulog na si Jewille at umayos na ng higa. Pumikit na si William at mga ilang minuto lamang ay nakatulog na sya.

Anong ibig sabihin nya sa parang lason si Jewille?

~~~X

A/N: Sipag kong mag sulat. Hahaha. XD Happy new year again! ^^

Twitter/Instagram: @imkpopperinspirit.wp & @ismtchwp_iki

Date Posted: January 1, 2014

~ImKpopperInspirit

I Secretly Married The Campus Heartthrob [EDITING]Where stories live. Discover now