047

73.5K 1.6K 164
                                    

Chapter 47 Outing

Jewille's POV

Pasukan na ulit. Tapos na ang new year. Masaya naman kami nung new year. Nag bonding ulit kaming lahat. Nasabi na din namin sa kanila yung tungkol sa pag propose ni William sa'kin. Sabi nila, dapat daw as soon as possible makasal na kami. Sabi naman namin, kapag nagka-trabaho na kami, atsaka kami ulit magpapakasal. Tinanong pa nga kami kung bakit ang tagal pa daw, kaya sabi namin, gusto muna naming magka-trabaho para kapag kinasal na kami, pwede ng kami yung gumastos sa kasal at hindi na yung mga magulang namin. Ang sweet nga daw namin, nakaka-touch daw. Haha. Pero may isa talagang nangyari na hindi ko pa rin makalimutan at hindi pa din ako maka-get over.

Flashback

10 minutes nalang at bagong taon na naman 'to. May timer kami dito para tignan kung anong oras na at para na din makapag countdown kami.

Nandito kami sa garden, kasama yung family namin. Umuwi na sila Cass dahil syempre, magce-celebrate sila ng new year nila with their families. Katabi ko ngayon si William.

Parang ang bilis ng oras dahil 5 minutes nalang bago mag bagong taon. Excited na ako.

Hindi ko namalayan ang oras dahil 1 minute nalang. At ng nag 10 seconds na, nag start na kaming mag countdown.

"10, 9, 8, 7, 6, 5, 4, 3, 2, 1! Happy new year!" Sigaw nila, sila lang kasi hindi na ako nakasigaw dahil hinalikan ako ni William sa labi sa harapan ng mga magulang namin.

Nahihiya ako at the same time, kinikilig ako. Ugh, William Cuizon! Lagi ka nalang ganyan!

End of flashback

Okay, tama na ang pagfa-flashback para maka-move na ako sa nangyari nung new year.

At dahil nga pasukan na, nandito na ulit ako sa school. Nakakamiss din palang pumasok sa school, ano? Kahit na minsan, ayaw na ayaw ko na talagang pumasok pero somehow, nakakamiss ding pumasok sa school.

Wala kaming first subject ngayon. Hindi pa daw kasi nakaka-uwi si ma'am dahil nasa bakasyon pa sila ng pamilya nya. As usual, ang ingay ng klase. Sobrang miss na ata nila yung isa't-isa. Haha.

Natahimik lang ang lahat ng pumasok na yung kasunod naming teacher which is yung adviser namin. Nagulat nga kami kasi hindi pa naman nya time tapos nandito na kaagad sya. Binati naman namin sya at nagsi-upo ulit.

"Hindi muna ako magka-klase ngayon. May gusto kasi akong pag usapan." Sabi ni ma'am. Hindi naman nakapag ingay yung mga classmates ko dahil mukhang seryoso si ma'am.

"Gusto ko sanang mag karoon tayo ng outing, yung tayo-tayo lang. Napag isipan ko kasi na since wala tayong field trip at dahil na din last year nyo na 'to bilang highschool, bakit hindi natin gawin itong memorable, right?" Sabi ni ma'am. Nag hiyawan naman yung mga classmates ko. Outing? Sounds cool.

"Eh, ma'am, saan naman po tayo mago-outing?" Tanong ng isa kong classmate.

"Naghahanap pa din ako ng place kung saan pwede tayong mag outing." Sabi ni ma'am.

"Ma'am, ano po kaya kung sa resort nalang namin sa Subic?" Suggest ni Cj. Ah, oo nga pala. Madami din namang resort sila Cj. Actually, ayun yung business nila. Magaganda ang ressorts nila.

I Secretly Married The Campus Heartthrob [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon