008.1

200K 3.8K 329
                                    

Chapter 8.1 Selos

Jewille's POV

"ANOOOO?!" Sabay sabay na sabi namin nila Nicole.

"Ang iingay nyo talaga! Nyeta!" Sabi naman ni Ian.

"Oh diba? Sabi ko sainyo eh." Proud na sabi ni Harley saamin.

"Si Kathrine? Ang number one bitch dito sa Reid University ay Gusto mo?" Tanong ni Nicole.

"O-Oo." Nahihiyang sagot naman ni Ian.

"Si Kathrine na nampal kay Jewille" Bago pa nya matuloy yung sasabihin nya ay tinakpan ko na yung bibig nya. Ang daldal talaga neto masyado. Ayan tuloy biglang naging awkward. Tanging ingay lang ng tao dito sa Cafeteria yung naririnig ko.

Buti nalang nag bell na. Hindi ko na kasi kaya ang katahimikan sa Table namin. Habang lumalakad kami papuntang doom ay lumapit saakin si Ian.

"Jewille, right?" Tanong nya saakin. Tumango nalang ako bilang sagot.

"Ako na humihingi ng tawad sayo doon sa ginawa ni Kathrine. Sorry talaga." Sabi nya. Natawa naman ako kaya kumunot yung noo nya. Hinampas ko naman sya sa braso pero yung mahina lang.

"Ano ka ba! Okay lang yun 'no! Past is past." Sabi ko sabay ngiti. Ngumiti naman sya pabalik saakin.

May narinig naman akong nag 'Tsk' sa likod namin kaya naman tumingin ako at nakita ko si Monster na ang sama ng tingin saamin. Ano problema neto? Ewan. Nung nakarating na kami sa classroom ay agad kaming umupo sa upuan namin kasi saktong dumating na yung teacher namin.

Mga ilang oras pa ay nag bell na ulit hudyat na uwian na! Yay! I'm so Happy! Tinatamad na kasi ako kanina pa. Nag unahan namang makalabas ang mga classmates ko. Akala mo hindi sila makakalabas.

Bago pa ako makalabas ng pinto ay tinawag ako ni Ian.

"So, Jewille, Friends?" Sabi ni Ian tapos nilahad nya yung kamay nya. Inabot ko naman yun at sinabing, "Sure. Friends." Sabi ko sabay ngiti. Bago pa namin mabitawan ang mga kamay namin ay dumaan si Monster sa harap namin kaya automatic na nahiwalay ang mga kamay namin. May sinabi pa si Monster, "Tumabi nga kayo sa daan. Nag lalandian nalang sa daanan pa. Psh." Sabi nya at tuluyan ng umalis. Ang laki talaga ng problema sa mundo nun.

Tinap naman ni Ian ang balikat ko at sinabing, "Sundan mo na. Nag seselos lang yun. Hahaha." Sabi nya.

"Eh? Paano naman yun mag seselos?" Tanong ko.

"Basta." Sabi nya sabay ngiti.

"Sige, una na ako. Bye!" Sabi nya at lumakad na palayo saakin pero bago pa sya tuluyang lumayo ay may sinabi ulit sya saakin, "Suyuin mo! Goodluck!"

Eh? Weird. Ay, ewan. Susundan ko na si Monster at baka iwan pa ako nun, mahirap na.

Alyssandra's POV

Nandito ako ngayon nakatayo sa waiting shed dito sa tapat ng school.

Hinihintay ko kasi si Harley. Mag papractice kasi kami para doon sa Activity, remember?

Hindi ko kasabay sila Nicole at Cass dahil may practice pa sila ng Volleyball. Volleyball player kasi sila. Kung tatanungin nyo ako kung bakit hindi ako kasali, hindi ko kasi hilig ang Volleyball kaya ganun. Kawawa nga yung dalawang yun eh. Kasi naman, pag katapos nila mag practice para sa Volleyball, may practice din sila para sa Activity.

Okay. Tama na ang daldal. Aish! ang tagal naman ni Harley. Kahit kelan talaga yun!

Maya-maya ay may kumalabit sa likod ko akala ko si Harley na pero si Ian lang pala.

"Sino inaantay mo?" Tanong nya.

"Ah, si Harley. Mag papractice kasi kami para dun sa Activity sa MAPEH." Sabi ko tumango naman sya pero nagulat ako nung bigla nya akong yakapin.

"A-Ano ba Ian. Bakit ka ba nang ya-yakap?" Tanong ko sakan'ya nung nakahiwalay na sya sa yakap namin.

"Ah, eh...sorry. Meron kasing dumaan na mabilis na umaandar na kotse, mahahagip ka kasi." Sabi nya.

"Ah, ganun ba? Salamat ah. Hehe." Sabi ko at tumalikod sakan'ya.

Maya-maya ay nag text saakin si Harley. Hindi daw sya makakasama dahil masama ang pakiramdam nya. Ang sabi ko naman ay mag paggaling sya dahil malapit na yung Activity. Tapos hindi na sya nag reply.

"Ian, Sige ah. Uwi na ako. Hindi na daw tuloy yung practice namin kasi masama daw yung pakiramdam nya. Bye!" Sabi ko sabay para doon sa Taxi na dumaan. Nag babye na din naman sya saakin.

Sana maayos lang si Harley.

Oo, nag aalala ako sakanya hindi dahil kaibigan ko sya kundi dahil mahal ko sya.

Harley's POV

Hala, patay! Mamaya magalit saakin si Aly dahil late ako!

Nako naman oh! Bwisit kasi yung mga babae eh. Hindi ako nakawala kaagad sakanila. Ugh!

Nag lalakad na ako papunta sa meeting place namin pero iba ang nakita ko.

Nakita ko lang naman kasi si Aly at si Ian na magkayakap.

Bakit sila mag kayakap?! Argh! Nag seselos ako! Oo, nagseselos ako! Kahapon ko lang napag tanto na mahal ko na pala sya! Sh*t! Kung kelan napag tanto ko na mahal ko sya atsaka may ganyan? F*ck you Destiny!

Umalis na ako doon dahil mukhang hindi naman nila ako kailangan doon.

Tinext ko nalang si Aly na masama ang pakiramdam ko at hindi kami makakapag practice. Nag reply namam sya na mag pagaling daw ako.

Hindi naman talaga masama ang pakiramdam ko. Ayoko lang talaga muna makita si Aly. Nakikita ko pa din kasi ang posisyon nila kanina.

Pupunta nalang akong bar. Doon naman ang tambayan ko kapag may problema.

~~~

Lasing na lasing na ako pero kaya ko pa namang mag lakad at makausap ng matino.

Uuwi nalang ako sa condo. Ayoko muna sa Bahay.

Gusto ko munang mapag isa.

~~~

Nandito ako ngayon sa condo ko at nakaupo lang sa sahig ng kwarto ko at umiiyak.

Bakit masama bang umiyak?

Kapag umiiyak ang lalaki, bakla na kaagad?

Hindi ba pwedeng nasasaktan lang dahil sa taong mahal nya?

Iniyak ko lang lahat hanggang sa makatulog ako.

Mahal kita Alyssandra.

~~~X

Date Posted: July 21, 2014

~ImKpopperInspirit

I Secretly Married The Campus Heartthrob [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon