041

83.7K 1.6K 136
                                    

Chapter 41 Scholarship

Jewille's POV

Gumising ako ng maganda ang mood ko. Ewan ko ba, maaga akong nagising pero ang ganda pa din ng mood ko.

Tumayo na ako at naligo. Pagkatapos kong maligo ay nag bihis na ako ng school uniform at binlower yung buhok ko. Pagka-ayos ko lahat ng kailangan ko, bumaba na ako bitbit yung bag ko.

Nakita ko si manang na nag aayos ng mga magazine.

"Good morning po! Ano pong pagkain natin?" Tanong ko. Nagugutom na ako eh.

"Good morning, hija. Nandoon, nag luto ako ng pancakes. Hindi ba't sabi mo ayaw mong kumain ngayon ng kanin? Kaya ayun nalang yung niluto ko." Sabi ni manang.

"Ay thank you po! Diet po kasi ako. Hahaha. Sige po, kakain na ako." Sabi ko at pumunta ng dining table para kumain.

"Good morning, Jewille." Sabi ni William na nasa likuran ko. Nagulat naman ako kasi ang aga nya ding magising.

"Good morning!" Sabi ko naman at nag patuloy sa pag kain. Naupo si William sa tabi ko.

"Ganda ng mood mo, boss ha? Bakit ba?" Tanong ni William.

"Oo nga eh. Hindi ko din alam." Sabi ko.

"Alam ko na ang dahilan." Sabi ni William.

"Huh? Ano?" Tanong ko sakan'ya.

"Napanaginipan mo ako kaya ganyan ka ngayon." Proud na sabi nya. Galing din netong si William eh, 'no? Galing mag assume. Assuming masyado.

"Luh, joke na ba yan?" Pabiro kong tanong. Sumimangot naman sya.

"Pangit mo." Sabi ko. Natawa naman ako kasi sumimangot lalo sya. Para syang bata, i swear!

"Tara na, Jewille. Magpa-check up na tayo ng mata mo. Malabo na mata mo." Sabi nya. Laughtrip 'tong si William! Jusko!

"Ewan ko sa'yo, William. Kumain ka nalang dyan! Lakas ng trip mo eh." Sabi ko.

"Eto na nga, boss." Sabi nya. Napansin ko lang, nakasanayan na nya akong tawaging boss eh, 'no? Lakas ng tama, ano? Pero mahal ko yan. Hahaha.

Kumain lang kami habang naguusap. Madaldal din pala 'tong si William. Akalain mo yun? Tumatawa din sya. Parang ibang William Cuizon nga 'tong kasama ko ngayon habang kumakain. Iba yung nakasanayan kong tahimik, masungit, hindi ngumingiti o tumatawa at yung William na sobrang moody na dinaig pa ang babaeng may b'wanang dalaw.

May mga bagay talagang nakasanayan na natin tapos kapag biglang nag bago, hindi na tayo sanay. Pero sa sitwasyon namin ni William, nakakapag adjust pa ako sa pagbabago nya o hindi naman talaga sya nag bago kasi hindi nya lang talaga pinapakita sa ibang tao yung ganitong ugali nya.

"Bakit nakangiti ka dyan?" Tanong ko kay William na nakangiti.

"Nakangiti ka kasi." Sabi nya. At doon ko lang narealize na kanina pa pala ako nakangiti dahil na din sa ngiti ni William na kanina ko pa naiimagine.

"Halika na nga, pumasok na tayo sa school. Ma-late pa tayo." Sabi ko at tumayo na. Sumunod na din naman sya sa'kin. Nagpaalam kami kay manang bago sumakay ng kotse nya.

Maaamoy mo sa kotse ni William yung pabango nya. Pinapaliguan nya kaya 'to ng pabango nya? Ang bango eh.

"Fasten your seatbelt, boss." Sabi nya. Oo nga pala, hindi ko pa nalalagay yung seatbelt ko. Kukunin ko na sana yung seatbelt ko pero naunahan na ako ni William na kunin 'to. Ang lapit ng mukha nya sa'kin. Parang kaunti nalang, malapit ng mag dikit yung mga labi namin. Amoy na amoy ko din yung pabango nya. Ang bango nya, sobra. Hindi ko alam kung pinapaligo ba neto yung pabango nya o ano dahil sobrang amoy yung pabango nya. Gusto nyo bang maamoy din sya? Palit tayo, gusto nyo? Hahaha. Joke lang, akin lang sya.

I Secretly Married The Campus Heartthrob [EDITING]Where stories live. Discover now