005

261K 4.5K 360
                                    

Chapter 5 First Kiss

Jewille's POV

"Hoy Jewille!" Sabi nung umuuyog sa'kin.

Aish! Inaantok pa ako eh.

"Ano ba! Mamaya na! 5 Minutes!" Sabi ko dun sa umuuyog sa'kin.

"Jewille, gumising ka na nga! Tulog mantika naman 'to oh! Tsk." Sabi nya.

"5 Minutes sabi eh!" Sabi ko at nag takip nung kumot ko.

"Kapag hindi ka pa bumangon dyan, hahalikan kita!" Sigaw nya, kaya napa dilat naman ako tapos tinanggal yung kumot sa mukha ko. Pero mas nagulat ako nung malapit yung mukha nya sa mukha ko! Yung tipong konti nalang magkikiss na kami! Naramdaman ko naman yung bilis ng tibok ng puso ko.

Bakit ba ang bilis ng puso ko? Tapos nag iinit pa yung mukha ko! Sht! Anong nangyayari sa'kin? Ano ba yan!

'In love ka lang kaya ganyan!' Sabi ng maliit na boses sa utak ko.

Ano ba yan! Hindi naman eh! Ako maiinlove kay Monster!? No way! Mamamatay muna si Barney bago ako magkagusto kay Monster!

'Ang denial naman neto!' Sabi ulit nya.

Aish! Manahimik ka nga dyan! Ang dami mong alam! Hindi ako in love dyan sa Monster na yan!

Nabalik nalang sa reyalidad ako nung may narinig akong malakas na tawa. And guest what? Si Monster, tumatawa!

"Hoy! Anong tinatawatawa mo dyan huh?" Sabi ko. Kaya lalong lumakas yung tawa nya. Grabe! Nakahawak yung kamay nya sa tyan tapos nag he-head bang sya at mayiyak-iyak na! Hala! Nababaliw na si Monster!

"Pakshet Monster! Nababaliw ka na ba? Hala! Kailangan kong tawagan si Harley para dalhin ka sa mental hospital!" Sabi ko sabay kuha ng cellphone ko at tatawagan si Harley nag riring na kaso biglang kinuha ni Monster yung cellphone ko. Hindi ko nga alam kung nasagot yun ni Harley eh.

"Pffft. Hahahahahaha! Jewille.. Hahahahaha! Kuha.. Hahahahaha! mo.. Hahahahaha! ako.. Hahahahaha! ng.. Hahahaha! T-tubig!" Sabi nya.

What? Ano daw?!

"Anong sabi mo Monster?" Sabi ko at tumingin sakanya ng may pag tatanong.

"Sabi ko Pfffffttt. Ang sabi ko kuha mo ako ng tubig! Bwahahahaha!" sabi nya at tumawa nanaman! Napa poker Face nalang akong kumuha ng tubig.

"Oh! Letche ka Monster! Bakit ka ba tumatawa?" Sigaw ko sakan'ya. Sya naman kinakalma yung sarili nya at pinupunasan yung luha nya. Nung kumalma na sya nag salita na sya ulit yung naiintindihan ko na, "Kasi kanina namumula ka! As in pulang pula yung mukha mo nung sinabi kong hahalikan kita!" Sabi nya.

"Psh, nabigla lang naman ako eh! Atsaka, hindi naman ako namula! Alam ko naman na hindi mo ako mahahalikan eh! Bleh!" Sabi ko.

"Talaga? Hindi kita kayang halikan? Sure ka ba?" Sabi nya at nag smirk.

Nag crossed arms at chin up pa ako. Naka indian sit kasi ako tapos si Monster naman nandun sa lapag naka indian sit din.

"Oo naman 'no! One hundred percent sure ata 'to!" Proud na sabi ko. Kaya tumayo sya at lumapit sakin. Sht! Ang lapit nya sakin kaya naman paatras ako ng paatras!

"H-Hoy! A-Ano ba M-Monster! Wag ka ngang lumapit sakin!" Sabi ko habang patuloy pa din sa pag atras. Pero wala syang sinabi sa'kin at nag smirk lang tapos patuloy pa din sa pag lapit sakin. Hanggang sa naramdaman ko nalang na nasa may head board na yung likod ko at nilagay ni Monster yung dalawang kamay nya. Kaya natrap ako! Bwisit! Ang lakas talaga ng tibok ng puso ko!

I Secretly Married The Campus Heartthrob [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon