002

303K 5.8K 1.1K
                                    

Chapter 2 The Bitch

Jewille's POV

"Ouch! Bitiwan mo nga ako William! Nasasaktan na ako!" Sabi ni Kathrine kay monster dahil sa higpit ng pagkahawak nya dito. Makikita mo kung gaano kahigpit yung pagkahawak. Binitawan naman nya yung wrist ni Kathrine at makikita mo na namumula yung wrist nya.

Nagulat ako sa mga inaasal ni monster.

"Bakit naman na sakanya yung Wallet mo?"

"Napulot ko sa harap ng gate kanina." Dahilan ko.

"Tinatanong ba kita?" Tanong nya sa'kin.

"Hindi. Baka kasi hindi ka nya sagutin diba? Para naman hindi ka mag mukhang tanga dyan kakahintay ng sagot." Sabi ko.

"Argh! Iniinis mo talaga ako, humanda ka, hindi pa tayo tapos!" Sabi nya at umalis na. Yun lang yun? Okay.

Wala na din yung mga tao. tapos lumapit sila sa'kin. Syempre except ulit kay monster na naka poker face.

"Okay ka lang Sis?" Tanong nila Cass.

"Medyo masakit mga pisnge ko. Ngayon lang ako nasampal ng magkabilang pisnge 'no!" Sabi ko.

"Namumula nga yang pisnge mo eh. Punta tayong clinic gusto mo?" Tanong ni Nicole.

"Hindi, wag na. Mawawala din 'to." Sabi ko.

"Papasuspend ko yung Kathrine na yun!" Sabi ni Aly.

"Bahala ka. Haha," Sabi ko.

Naglakad na kami palabas.

"Sis! Sleep over kami sa Bahay nyo, pwede ba? Friday naman ngayon eh." Sabi ni Cass.

"Sama kami!" Sabi nung mga Boys.

"Sure, why not? Pero paalam din kayo dyan kay William, baka magalit eh." Sabi ko sakanila. Tapos nag sipuntahan naman sila kay Monster.

Kinulit nila si monster hanggang sa napapayag nila.

"Halika na! Uwi na tayo." Aya ko sakanila.

"Sige, halika na! Ay wait, kay Harley nalang kami sasakay ah? Kay William ka nalang sumabay." Sabi ni Nicole

"Nicole! Adik ka ba? Remember, ayaw nya akong pasabayin. Ayaw nya akong papasukin sa kanyang kotseng ginto!"

"Bahala ka! Basta kami, doon kami kay Harley! Bye Bestfriend~ See you in your house!" Tapos kumaripas na sila ng takbo. At pumunta sa kotse ni Harley.

Yung totoo? Kaibigan ko ba talaga 'tong mga 'to? Walang support eh!

Kinulit ko si William na pasabayin nya ako sa kotse nya pero wala! Ayaw nya daw.

Aish, no choice. Maglalakad na naman ako.

Sinalpak ko nalang yung earphones ko. Nakakastress talaga si monster.

Habang nag lalakad ako sa medyo nakakatakot na daanan dahil walang masyadong taong dumadaan dito, may biglang umakbay sa'kin na lalaki. Actually, dalawa sila. Tapos nag salita yung isang lalaking nasa kanan ko, "Hey Miss, Mag isa ka ata." Sabi nya

"May kasama akong hindi nyo nakikita." Sabi ko. Pilit kong tinatanggal yung mga kamay nila sakin kaso ang lalakas talaga nila eh.

"Joker ka na pala ngayon, miss." Sabi naman nung isang lalaki.

"Malamang nasa Pilipinas tayo kaya may Joker." Sabi ko.

"No, miss. Bibitawan ka lang namin pag sumama ka samin." Sabi nung nasa kanan.

"Ano ako uto-uto? Mamamatay muna si Batman bago nyo ako mapasama!" Sabi ko.

"Ayaw mo nun miss, dadalhin ka namin sa langit! Masasarapan ka pa!" Sabi naman nung nasa kaliwang ungas.

"Langit? Sa ganito katirik na araw? Kuya, yung totoo?" Sabi ko pa.

"Tama na daldal, halika na." Tapos hinawakan na nila ako sa braso.

"Bitawan nyo ako!" Sigaw ko. Pero hindi parin nila ako binibitawan. Bwisit, bakit ba wala masyadong taong dumadaan dito?!

"Tulong!" sigaw ko.

"Kahit sumigaw ka pa dyan miss, wala pa ring makakarinig sayo!" Sabi nung nasa kanan ko tapos tumawa silang dalawa. Nag simula na akong maiyak. Putek naman, hapon na hapon mare-rape ako?! Hustisya naman!

Dinala nila ako sa isang iskenita at isinandal nila ako sa pader.

"Pre, Ikaw muna." Sabi nung lalaki.

Pinikit ko yung mga mata ko, ayokong makita ang mangyayari.

Nagulat ako ng may narinig akong boses.

"Back Off!" Narinig kong may nag sabi.

Kilala ko kung kaninong boses yan. Hindi ako pwedeng mag kamali, sakanya yang boses.

Hindi ko pa din binubuksan yung mga mata ko. Natatakot ako.

"Pre, kami ang nauna sakanya, walang agawan!"

"I don't fvcking care! She's my Wife! So, Back off!" Sabi nya.

Sya nga yun.

Nakarinig ako ng tawa mula sa mga lalaking nag dala sa'kin dito, "Nahihibang ka na ba, pre? Ang galing mong mag joke!"

"Hindi ako nakikipag biruan!" Tapos nakarinig akong parang may sinuntok.

Hindi ko pa 'din binubukasan ang mata ko.

The next thing i know, yakap na nya ako. Naiyak na naman ako.

"Please don't cry, this is all my fault. I'm sorry." Sabi nya habang hinihimas yung buhok ko.

Kinalma ko yung sarili ko bago ako mag salita.

"O-okay lang. Alis na tayo, natatakot ako." Sabi ko.

"Okay, let's go." Tapos hinubad nya yung jacket nya tapos nilagay nya sa balikat ko. Nag lakad na kami papuntang jotse nya. Nandito na kami sa kotse nya, pauwing bahay. Medyo dumidilim na din.

"Thank you William." Sabi ko sakanya.

Humarap sya sa'kin at ngumiti. Akalain mo yun Marunong pala 'tong Monster na 'to ngumiti.

"It's one my responsibilities as your husband." Sabi nya. Ngumiti din ako.

~~~

Hindi na namin nikwento sakanila yung nangyari kanina bago kami umuwi. Atsaka, wala namang ni isang galos akong nakuha. Kaya hindi din nila napansin. Nag mo-movie marathon kami. Katabi ko ngayon si Monster.

Ang pinapanood na namin ngayon ay The Conjuring.

Bwisit na 'yan! Nakakagulat naman oh! Buti nalang medyo malayo si Monster sakin. Kung hindi, mapapayakap talaga ako sakanya!

Napatili ako, sabay takip ng unan sa Mukha ko.

Sht, Nakakagulat!

"Tulog na tayo! 1 am na oh!" Sabi ko sakanila nung matapos yung The Conjuring. Pero hindi pa din sila natitinag kasi nag play ulit sila ng another movie. Patibayan sila.

Hindi ko alam yung tittle eh. Inaantok na kasi ako.

Inaantok na ako pero ayokong umakyat, natatakot ako! Lalo na ako lang mag isa aakyat, nako! Wag na! Dito nalang ako sa sofa matutulog.

Humanap ako ng komportableng pwesto para makatulog, bahala na bukas kung sumakit yung ulo ko basta ayoko talagang matulog ng mag isa ngayon!

Inaantok na talaga ako, pagod din kasi ako. Buti nalang hindi na masyadong mahapdi yung pisnge ko. At buti nga hindi nagkapasa.

Hay, ang dami lang ng nangyari ngayong araw.

~~~X

Date Posted: May 17, 2014

~ImKpopperInspirit

I Secretly Married The Campus Heartthrob [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon