030

150K 2.9K 203
                                    

Chapter 30 Endearment

~Kathrine's POV~

"Baby?"

"Ayoko. It's very common."

"Bae? Babe?"

"Ang common din."

"Sweety pie? Honey?"

"Too sweet and it's corny."

"Jagi? Yeobo?"

"Pwede. It's up to you."

"Edi jagi nalang! Ano? Angal pa?"

"Hindi na nga eh."

Tinignan ko sila William at Jewille na nag tatalo. Oh sheez. Kanina pa sila nagta-talo. Psh. Buti nalang nandito kami sa secret room nila Hope kundi nadumog na kami ng fangirls netong mga 'to. Sheez.

"Naiinggit ka? Sabi kasi saiyo eh. Dapat sagutin mo na ako, babe." Sabi netong Ian na 'to. Tumingin ako sakaniya at tinaasan sya ng kilay.

"Babe what? Yuck!" Pagsu-sungit ko sakaniya. Sumimangot naman sya.

"Sagutin mo na kasi ako, babe. Para naman hindi ka na naiinggit sakanila." Sabi nya.

"Duh! Nanliligaw ka pala?" I said then he frown.

"Oo kaya. Hindi mo ba alam?" Tanong nya. Umiling ako, "Hindi." Sabi ko.

"Tae. Wala lang pala saiyo yung mga efforts na ginagawa ko? Wala lang pala yun. Hahahaha. Nice. Very nice!" Sarcastic na sabi nya at umalis dito sa secret room. Ang lakas nga ng pagka-sara nya kaya napatingin sakaniya lahat. Even Jewille and William na kanina pa nagta-talo. Pagkatapos mag walk-out ni Ian, tumingin sila saakin. As if naman na may ginawa akong kasalanan. Duh.

"What?" Tanong ko sakanila at tinaasan sila ng kilay.

Nag salita si Aly, "Bakit lumabas si Ian?" Tanong nya.

"Malay ko." Sagot ko sakaniya.

"Bakit nga? Ikaw yung katabi dyan eh." Tanong nya ulit. Ugh! Bwisit talaga 'tong Aly na 'to. Masyadong matanong eh.

"A very long story. Whatever. Psh. Alis lang ako. Pupuntahan ko lang yung kapreng yun. Ge." Sabi ko at hindi na sila hinintay mag salita. Lumabas ako at hinanap si kapreng Ian. Sa totoo lang, nanliligaw naman talaga yang si Ian saakin at ramdam ko naman pero duh! Queen Bee ako, dapat laging may poise kahit kinikilig na! Oo na. Kinikilig talaga ako kanina. Hindi lang halata. Hindi ako marunong mag express nun. Don't expect too much. Psh. -,-

Hinanap ko si Ian sa favorite tambayan nya. Ang music room. Sana nandoon sya. Tengene nya lang 'no! Paghanapin daw ba ako? Hindi ko sya sagutin dyan eh. Pero syempre, joke lang! 'Di pwedeng mag joke ha? 'Di pwede? Bato ko saiyo 'tong heals ko eh. Joke lang. -,-

Hindi pa ako nakaka-pasok sa music room, naririnig ko na yung boses nya pati yung pag tunog ng piano. Ay teka, may naririnig din akong boses ng babae! Tengene! Lagas buhok nyang babaeng yan sa'kin! Tss. Pumasok na ako sa loob ng music room. Mukhang hindi nila ako napansin. Aba deputs! Ang sa-saya pa nila ha? Pumalakpak ako kaya naman napatingin sila sa'kin. Tinignan ko yung babae. Maganda naman sya. Angelic face. Pero mas maganda ako. Dyosa ako ng mga dyosa, sya? Ewan ko nalang. Tss.

"Nice! Ohmygod! Super nice! Bravo! Ang galing nyo din pala eh 'no? Hahaha. Ya!" Pinutol ko yung sasabihin ko at tinuro si Ian.

"Galing mo talaga! Tss. Ganyan pala ang ugali ng mga manliligaw? Ha? How sweet. Nakikipag-landian sa iba samantalang ang nililigawan nya ay hinahanap sya? Wow! Idol na kita! Hahaha." Sarcastic kong sabi. Tinignan ko naman yung babae at tinignan sya ng masama bago ako mag salita.

I Secretly Married The Campus Heartthrob [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon