025

157K 3K 224
                                    

Chapter 25 Under the stars

~Jewille's POV~

Dalawang araw na akong walang ginagawa kundi tumunganga dito. Nakakabagot na dito sa bahay. Argh! Dahil sa nabo-boring na talaga ako ay naisipan kong pumunta sa park. Malapit lang naman sya dito sa village.

Umakyat na ako sa kwarto at nag bihis ng pantalon at simpleng white shirt lang at nag doll shoes lang ako. Inipit ko yung buhok ko at kinuha yung cellphone ko pati yung sling bag ko. Nag paalam naman ako kay manang na pupunta muna ako sa park. Wala si monster ngayon. Nakila Serys. Sinundo nila Serys dito kaninang tanghali.

3 pm palang naman ngayon kaya lumabas muna ako. Dahil nga malapit lang yung park dito, sa labas lang sya ng village ay mabilis lang akong nakapunta dito. Ang daming mga batang nag lalaro. Umupo ako sa isang bench at tinignan yung mga batang naglalaro. Mas nakakaaliw ito kesa tumunganga sa bahay. May nakita naman akong nag titinda ng ice cream kaya bumili ako.

"Strawberry Ice cream nga po." Sabi ko kay manong sorbetero.

May nakita naman akong batang babae na umiiyak. Kaya pinadalawa ko na yung Ice cream. Binayaran ko na yung ice cream at pinuntahan yung bata na umiiyak.

"Bata, bakit ka umiiyak?" Tanong ko. Tinignan naman nya ako at pinunasan yung luha nya.

"Kasi po s-si kuya n-niiwan ako d-dito." Sabi nung bata. Pinunasan ko naman yung luha nya ng tissue na dala ko.

"Huwag ka ng umiyak ah? Baka may kinausap lang si kuya mo kaya ka iniwan. Eto oh, Ice cream. Kainin mo nalang habang wala si kuya mo okay ba yun?" Tanong ko.

"S-sige po." Sabi nya at kinuha yung Ice cream sa kamay ko. Dinala ko naman sya sa bench na kanina ay inuupuan ko at doon kami umupo. Ubos na yung ice cream namin nung dumating yung kuya nya.

"Kuya! Bakit mo ako niiwan dito?" Sabi nung bata at yumakap sa kuya nya.

"Sorry, Belle. May pinuntahan lang si kuya." Sabi nung kuya nya.

"Okay po kuya." Sabi ni Belle.

Nakilala ko naman yung kuya ni Belle na kakilala ko pala.

"Oy Bryan! Ikaw pala!" Sabi ko sakaniya. Si Bryan Carbonel ay classmate ko last year. May nililigawan yan. Si Daniella Castro.

"Jewille! Nandito ka pala." Sabi nya.

"Oo. Kapatid mo sya?" Tanong ko kahit halata naman. Tss.

"Oo. Sinamahan ko lang. Wala sila mommy eh." Sabi nya.

"Ahh. Kamusta na kayo ni Daniella? Kayo na ba? Wala na akong balita sainyo eh." Sabi ko. Umupo muna kami sa bench.

"Kami? Ganun pa din. Nililigawan ko pa din sya. Mukha ngang wala na talaga akong pag asa eh." Sabi nya. Tinignan ko naman sya at mukhang nanghihinayang na malungkot yung mukha nya. Tinapik ko naman yung mga balikat nya.

"May pagasa ka pa dun. Syempre kailangan mo munang patunayan sakaniya na mahal mo talaga sya. Hindi yung ganiyan, susuko ka na kaagad." Sabi ko. Parang nagiging love guru na ako dito. Haha.

"May pagasa pa? Eh kanina nga kaya ko naiwan si Belle dahil nakita ko sya na may kasamang lalaki at sinundan sya. Hindi man 'to yung isang beses na makita ko sya na may kasama na ibang lalaki pero masakit parin eh. Parang pinipiga parin yung puso ko. Ang torture talaga ng pag-ibig noh? Kung sino pa yung hindi ka kayang mahalin, doon ka pa nahuhulog." Sabi ni Bryan.

"Wala eh. Pag-ibig yan. Wala kang laban dyan. Sabi nga sa kanta, kapag tumibok ang puso wala ka ng magagawa kundi sundin ito. Pero hindi sa lahat ng oras ay dapat sundin mo yung puso mo, kailangan sundin mo din yung utak mo. Parang dalawang timbangan na tinalian lang yan at nilagay sa isang kahoy, kailangan pantay yung nakalagay sa mga timbangan para maging balance. Para maganda ang kalabasan. Ganiyanang pag gamit ngutakatpuso. Kailangan, parehas mo silang papaganahin at iba-balance mo sila para hindi ka talo. Para hindi ka maging tanga sa huli." Sabi ko. Syet. Saan ko nakuha yung mga salitang yun?

I Secretly Married The Campus Heartthrob [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon