024.3

140K 2.8K 104
                                    

Chapter 24.3 Vacation

~Jewille's POV~

Ang ingay nila! Omygod!

"YAH! HUWAG NGA KAYONG MAINGAY! NAKITA NYO NG NAGCO-CONCENTRATE AKO SA PAGKAIN EH!" Sigaw ko sakanila.

"Tama na nga yang pagkain mo kasi! Halika na dito! Mag swimming na tayo!" Sigaw ni Cass. Opo. Si Cass talaga. Paano nangyari yun at nandito sila? Ganito yun

*Flashback*

Nandito ako sa kwarto. Magkatabi kami ni monster ngayon. Ganun pa din yung setup namin sa pag tulog. May nakaharang na unan. Hindi naman sya natatanggal at mas lalong hindi naman kami nagkakadikit tuwing pag tulog. Iniiwasan ko kasi maging malikot sa pag tulog ko dahil baka mamaya, malaglag ako. Nung minsan kasi na i-try kong dantayan si monster ng paa ko, aba tinabig ba naman! Ang sakit kaya sa pwet kasi nalaglag ako. Oh diba? Sinong gugustuhin na maging malikot kung katabi mo 'tong monster na 'to. TT^TT

Ayun nga. Magkatabi kami. Parehas kaming nagce-cellphone. Nagtu-twitter lang ako. Sya? Ewan ko kung anong ginagawa sa cellphone nya. Sa kalagitnaan ng pagce-cellphone namin ay biglang may kumatok. Sabi ko ay pasok kaya pumasok yung kumakatok. Hindi ko inabalang tignan yung kumakatok. Baka sila Aly lang yan.

"Omg! Sissy! Bakit iisa lang yung kwarto nyo?!" Patanong na sigaw nung kumatok. Napatigil ako sa pagtu-twitter. Teka! Kilala ko kung kaninong boses yun. Kay Cassandra Ramirez yung boses na yun! At dahil doon tinignan ko yung nag salita at footspa.

"Bakit kayo nandito?!" Tanong ko sakanila. Hindi lang pala si Cass ang nandito. Lahat ng barkada!

"Why? Tita invited us!" Sabi ni Kathryn at ngumiti. My my my! Huhuhu.

"Kanina pa kayo nandyan?" Tanong ko.

"Hindi naman sissy. Kakarating lang namin. Hihi." Sabi ni Cass. I rolled my eyes.

"Sige na! Shupi! Doon na kayo sa nga kwarto nyo!" Sabi ko. Isa-isa naman silang lumabas pero bago lumabas si CJ nag salita sya.

"Nice one pre!" Sabi nya at sinarado pa. Narinig ko pa ang pag tawa nila sa labas ng kwarto. Narinig ko namang nag mura si monster.

"Mga gago talaga. Tss." Sabi ni monster ng pabulong at tinuloy na yung pagce-cellphone nya.

*End of Flashback*

Ganun ang nangyari. Dalawang araw na din silang nandito. At dalawang araw na din akong nagtitiis sa ingay nila. Kung nag tataka kayo kung bakit wala sila mommy pati si Halley at sila Jessica, ayun. Sinama nilang mag mall. Gusto daw kasi nilang maka-bonding sila Halley at Jessica.

"Jewille! Halika na kasi dito!" Tawag ni CJ saakin.

"Okay fine! Magswi-swimming na. Pero pwede bang patapusin nyo muna ako ng pag kain ko?" Tanong ko. Um-oo naman sila. I rolled my eyes again for heaven knows how many times i rolled it. Tss.

Inubos ko na yung kinakain ko. Ang sarap-sarap ng pag kain ko sa ice cream at barbeque eh! Bwisit lang. Argh! Pagkatapos kong ubusin ay tinapon ko na yung stick ng barbeque sa basurahan at tinali yung buhok ko. Nilublob ko muna yung mga paa ko sa tubig para tignan kung malamig yung tubig. Bababa na sana ako sa pool kaso biglang hinila ni monster yung paa ko. Syet lang.

"Ano ba monster!" Saway ko sakaniya. Nyeta. Hindi pa nakuntento sa pag hila nya saakin sa pool at sinasabuyan pa talaga ako ng tubig! At 'tong monster na 'to tumatawa pa! Aba't tuwang tuwa pa!

"Argh! Monster!" Saway ko. Sinabuyan ko din sya ng tubig. At ayun na nga po, nag sabuyan na kami ng tubig. Tawa ako ng tawa kasi ang epic ng mukha ni monster. Hahahahahaha. Syete.

I Secretly Married The Campus Heartthrob [EDITING]Where stories live. Discover now