SEVEN ♡

6K 290 2
                                    

White's Pov

Isang linggo na ang nakalipas nang magfriendly date kami ni zed at sinasabi ko na naging close na kami sa isa't isa nagsasagutan na nga kaming dalawa eh

Marami kaming nalaman sa isa't isa at naipakilala na rin namin ang isa't isa sa mga magulang namin. Wow magjowa lang ang peg haha

Natuwa nga ang mama ni zed ng nakilala ako dahil meron pala daw kaibigan si zed na mabait kasi daw halos lahat ng kaibigan ni zed ay puro pagcoconputer ang alam

Kampante na kami sa isa't isa at parang alam na namin kung may problema ang isa sa amin o wala

"Beks tara na recess na di mo ba narinig yung bell?" Takang tanong ni lester sa akin

"Ay sorry tara na" sabi ko at tinungo na namin ang canteen

Nang maka order na kami ay umupo na kami at sinimulang kumain at habang kumakain kami ay dumating na si zed kasama si pat na may dala ring pagkain. Oo kilala ko na si pat at ang iba niya pang mga kaibigan dahil pinakilala rin niya ako dito at masaya naman silang kasama mga loko loko haha

" hi white, hi les" bati sa akin ni pat

"Hello" sabi ko

"Hello fafa patrick" malanding sabi naman nitong baklang to, ngiti lang ang isinukli sa kaniya ni pat

"Pre anong oras pala yung tournament natin mamaya" tanong bigla ni zed kay pat habang kami ay kumakain

"Ah 3:00 pre" sagot naman ni Pat

"Ahh sige" ani naman ni zed

"Magco-computer ka na naman zed kung magreview ka dahil may test tayo bukas kay ma'am Jells" sabi ko kay zed. Ito lagi minsan yung pinagtatalunan namin ni zed kasi lagi na lang niya inuubos yung oras niya sa pagcocomputer

" sus kaya ko na yun kahit di magreview ako na bahala dun kung gusto mo pakopyahin pa kita eh" mayabang na sagot naman nito

"Nako di ko kailangan mangopya basta siguraduhin mo lang na makakapasa ka kundi malilintikan ka sa akin" sagot ko naman rito

"Sure kung gusto mo mag pustahan pa tayo eh"ani naman nito

"Ano namang ipupusta mo?"tanong ko dito

"Kapag nakapasa ako susundin mo iuutos ko sayo at bawal tumanggi kapag ikaw naman nanalo susundin ko iuutos mo sa akin kahit na ano pa yan, ano deal?" litanya nito

"Sure Deal!" Sabi ko naman sa kaniya at nagpatuloy na kami sa pagkain

Pagkatapos ng recess namin ay tinungo na namin ang daan papuntang classroom pero naramdaman ko na puputok na ang pantog ko kaya pinauna ko na si lester

Pagkarating ko naman sa cr ay pumasok na ako sa mga cubicle doon at umihi pagkatapos kong umihi naghugas na ako ng kamay at lalabas na sana ng may mabunggo akong lalaki napapasok sa loob ng cr

"Ay sorry di kita napansin" sabi ko at tiningnan siya at shit lang mga bes ang gwapo niya pero mas gwapo pa din si zed hehe

"Okay lang di rin naman ako nakatingin sa dinadaanan ko" sabi nito sabay ngiti

"Ako nga pala si Enzo and you?" Pagpapakilala nito sa akin sabay abot ng kamay para makipagshake hands

"Uhm I'm white" sagot ko at nagshake hands na kami

"Sige una na ako magsisimula na kasi yung klase ko" sabi ko sabay hiwalay sa pagkakahawak niya ng kamay ko

"Sige bye cutie" nagulat naman ako sa tinawag niya sa akin pero di ko na lang pinansin at nagtungo na sa classroom namin

"Bakit ang tagal mo?" Nakasimangot na tanong ni zed ng makapasok ako sa loob

"Wala madami kasing tao" pagsisinungaling ko di ko na sasabihin sa kaniya yung nangyari wala namang mahalaga

Umupo na ako at dumating na ang aming teacher at nagsimula na siyang magturo

Maya maya pa ay nagbell na hudyat na uwian na namin kaya lumabas na agad kami ni lester pero may pupuntahan pa daw siya kaya iba ang dinaanan niya lagi kong napapansin na napapadalas na ang pag uwi ko ng mag isa ano kaya ang ginagawa nun ni lester

Habang nag-aantay ako ng jeep na masasakyan ay may biglang humintong sasakyan sa harap ko kulay blue ito at maganda din mukhang mayaman ang may-ari

Nagulat ako ng bumaba ang may ari nito at walang iba kundi si enzo nagulat naman ako sa kaniya

"Hi white tara sabay ka na sa akin" sabi ni enzo sa akin pagkalapit niya sa akin

"Naku hindi na sasakay na lang ako ng jeep at isa pa malapit lang naman ang bahay namin jan" sagot ko rito

"Sige na tara na sabay ka na sa akin" pagpilit nito sa akin

"Hindi siya sasabay sayo" pagsingit naman bigla ni zed na ikinagulat ko

"At bakit naman" sagot ni enzo habang nakangisi

"Dahil sa akin siya sasabay" sagot ni zed na ikinagulat ko. Litong lito na ako sa mga nangyayari sa akin

°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°
Omy! Ano kaya ang mangyayari sa kanila? Abangan sa susunod na Chapter!

~ALWIINAA

MY PLAYBOY BOYFRIEND (BOYXBOY) (COMPLETED)Where stories live. Discover now