SEVENTEEN ♡

4.7K 207 3
                                    

White's Pov

"Kayong dalawa pumasok kayo sa loob" sabi ni mama na nagpakaba sa amin ni zed

Nang pumasok kami sa loob ay dumiretso kami sa sala dahil nandoon si mama pati si papa

"Magpaliwanag kayong dalawa" matigas na sabi ni papa siguro nasabi na sa kaniya ni mama ang nangyari

"Ma, pa kami na po ni zed" sabi ko na ikinagulat nila

"Ay jusko kang bata ka" gulat na sabi ni mama

"Tita, Tito mahal ko po si white at mahal niya din po ako, handa ko po siyang panagutan at sana po pumayag po kayo na maging boyfriend ako ni white aalagaan ko po siyang mabuti" sabi ni zed. Labis naman akong natuwa sa sinabi niya

"Opo ma mahal po namin ang isa't-isa kaya sana po ay matanggap niyo kami" sabi ko

"Hay naku kayo talagang mga bata kayo, tanggap ko kayong dalawa nagulat lang kami ng papa mo" sabi ni mama na ikinatuwa ko

"Oo anak masaya ako sa inyong dalawa, ikaw iho alagaan mong mabuti yung anak namin ha kung ayaw mong malagot sa akin" pananakot ni papa kay zed

"Pa!" Sita ko kay papa

"Opo ako po ang bahala sa anak niyo aalagaan ko po siyang mabuti" sabi ni zed

Nagkwentuhan pa kami ng kung anu ano at sinabi ko rin kay mama kung kailan ko siya sinagot. Nang matapos makipagkwentuhan ay nagpasiya na si zed na umuwi kaya hinatid ko na siya sa labas ng bahay namin

"Bye zed" sabi ko

"Bye white, goodnight dream of me" nakangising sabi ni zed

"Loko sige na bye na" sabi ko kaya't umalis na siya

Dumiretso na ako sa kwarto ko para magpahinga at natulog akong masaya

Masaya ako dahil tanggap kami ng mga pamilya namin

***********
KINABUKASAN

" babe punta tayo MOA mamaya gusto ko mamasiyal kasama ka" sabi ni zed sa kin. Nandito kami ngayon sa canteen at kasalukuyang kumakain

"Sige babe" sagot ko at nagpatuloy na kami sa pagkain. Nang matapos na kami sa pagkain ay bumalik na kami sa taas para sa susunod na klase namin

Mabilis na tumakbo ang oras at nandito na kami ngayon ni zed sa MOA, diba ang bilis? Haha

"Tara babe doon tayo oh" sabi ko sabay turo doon sa computer shop sa moa

"Talaga babe marunong ka ba maglaro ng mga laro diyan?" Tanong niya

"Oo nama ako pa ba, best pick ko si lux kaya wag kang loloko loko tara laro na tayo matagal na din akong di nakakapaglaro ng LOL" Sabi ko

"Tara babe excited na akong makalaro ka" masayang sabi ni zed at pumasok na kami sa loob ng computer shop, maganda ito at maraming computer sets. Oo marunong ako maglaro ng LOL di ko lang nasabi sa inyo pero marunong talaga ako

Paborito kong gamitin jan ay si lux siya ay babae at kapag ginagamit ko siya talaga namang pulbos ang kalaban haha

Nagsimula na kaming maglaro ni zed masasabi kong magaling siyang maglaro ang paborito naman niyang gamitin ay si ZED, Oo tama kayo may character doon na zed ang pangalan, sabi niya sa akin mahilig daw ang papa niya dati sa LOL at doon nila nakuha ang pangalan niya

Natapos kami sa paglalaro at siyempre VICTORY kami mas maraming kill sa amin si zed at sumunod naman ako. Hindi ko maitatanggi na magaling talaga siya

"Ang galing mo din pala babe maglaro" sabi nito sa akin pagkalabas namin sa computershop dito sa Moa

"Mas magaling ka pa rin babe haha" sabi ko na ikinatawa naming dalawa ni zed

"Tara babe may masarap na Milk tea sa thirdfloor tara try natin" yaya sa akin ni zed

"Tara babe favorite ko pa naman yung milk tea" masaya kong sabi sa kaniya. Umakyat na kami sa thirdfloor para makabili na kami ng milk tea nagulat naman ako dahil sobrang haba ng pila, totoo ngang pinipilahan itong milk tea na to

Matapos ang 2000 years ay nakabili na kami kaya napagpasiyahan na naming pumunta sa sea side dahil malapit na mag sun set

Naglakad kami papunta sa sea side habang umiinom ng milk tea. Masasabi kong masarap talaga ito lao na yung mga sago talaga namang napakasarap

Nang makarating kami sa sea side ay umakyat agad kami sa bato at umupo dito habang nakaharap kami sa dagat at pinapanood ang Sun Set.

Maya maya pa ay sinandal ko ang ulo ko sa balikat ni zed at sobrang sarap sa pakiramdam ng ganito

"Babe sana lagi tayong ganito" sabi ni zed

"Laging ano babe" tanong ko

"Lagi tayong masaya yung walang iniisip na iba yung tangig iniisip lang natin ay yung tayong dalawa" sabi niya. Sobrang sarap sa feeling na naririnig ko ito mula mismo sa taong mahal ko

"Sana nga babe" sabi ko sa kaniya

Tiningnan namin ang Sun set at sobra nitong ganda. Masaya ako ngayong araw dahil magkasama kami ni zed

"I love you zed" sabi ko sa kaniya

"I love you too white" sabi niya sabay halik sa labi ko habang nakaharap sa sun set

°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°
GUYS FOLLOW NIYO AKO!

PLEASE VOTE AND COMMENT!

LAVYAH!

-ALWIINAA

 




MY PLAYBOY BOYFRIEND (BOYXBOY) (COMPLETED)Where stories live. Discover now