ONE ♡

15K 488 34
                                    

Nandito ako ngayon sa aming classroom at kunwaring nakikinig sa aming guro na nagdi-discuss ng kung anu-ano

May isa pa kaming subject kasunod nito bago mag-uwian pero iniisip ko na agad na sana bumilis ang takbo ng oras at mag uwian na

"Pre mamaya ah makikipag-tournament tayo sa kabilang section huwag mo kalimutan ah" pabulong na sabi nitong kaibigan ko na si Pat, Patrick ang totoo niyang pangalan pero mas gusto ko tawagin siyang Pat

"Oo naman pre ako pa ba, basta dating gawi ah pagkatapos ng uwian diretso agad tayo dun ah" sagot ko dito ng pabulong kasi baka marinig kami ng teacher namin na nasa harapan, tumango naman siya bilang sagot

Ako pala si Zed Delos Santos isang gwapo well alam ng lahat yan ako ay may maputing balat mataas na height, 6 footer ako na namana ko sa tatay ko na matangkad din, meron din akong magagandang kilay in short HEARTTHROB.

Wala akong ibang hilig kundi ang mag laro ng mga computer games kasama itong si Pat. Mamaya nga ay makikipag-tournament kami sa kabilang section, LOL o League of Legends ang madalas kong nilalaro

Marami na kaming naka-tournament nitong si Pat at ng iba pa naming mga kagrupo at masasabi ko na kaming grupo ay isa sa mga magagaling na grupo pagdating sa paglalaro ng LOL

Hindi ko alam pero bata pa lang ako ay nakahiligan ko na talaga ang paglalaro ng mga computer games dahil dito ko ibinubuhos lahat ng oras ko

Wala naman kasi akong ginagawa sa bahay, si Daddy ay laging nasa business trip sa iba't-ibang bansa kaya wala na siyang oras para man lang kamustahin ang anak niya

Aaminin ko na malayo ang pakikitungo ko sa daddy ko kumpara kay mommy dahil si mommy ang lagi kong nakakasama sa bahay ay siya lang ang pinahahalagahan ko

Si mommy na ang lagi kong kasama sa buhay ko dahil pag-umuuwi dito si daddy ay puro paper works naman ang hawak niya imbes na pagtuunan ako ng pansin

"Ok goodbye class" nabalik ako sa realidad ng magsalita ang aming guro

"Goodbye Ma'am Lee" sabay sabay naming sabi sabay tayo upang magbigay galang

May isa pa kaming subject bago mag-uwian pero put* di na ako makapaghintay mag-uwian at gusto ko ng mag-computer pero tiis tiis na lang muna

Dumating na ang susunod na teacher namin at ito ang pinaka terror naming science teacher kaya halos lahat ay walang nagawa kundi ang makinig

*kriiinnggggg*

At maya pa ay nagbell na hudyat na uwian na namin, nagsilabasan na ang iba habang ako ay nag-aayos pa ng mga gamit

Palabas na kami ni Pat ng mapansin kong may di pa lumalabas sa room namin kaya sinilip ko ito at napamangha ako ng makita ko ang maamo niyang mukha bigla naman bumilis ang tibok ng puso ko sa di ko malamang dahilan.

Lalaki siya pero di naman talaga siya lalaki dahil bakla siya pero di ko alam kung bakit nagkakaganito ako tuwing nakikita ko siya at para bang gusto ko na mapalapit siya sa akin

Kaya naman nabuo sa aking isipan na kaibiganin siya pero di pa ngayon maghintay ka lang mapapasa akin ka din at napangiti na lang ako sa naiisip ko

"Uy pre tara na para kang baliw jan ngumingiti ka ng walang dahilan, tara na baka mahuli pa tayo sa tournament" sita ni Pat sa akin

"May naisip lang pre pero tara na nga" sabi ko sabay patuloy sa paglalakad papunta sa computer shop na lagi naming pinupuntahan

Pagpasok namin sa computeran ay agad kong nadama ang lamig na dala ng aircon, maganda itong computeran na ito dahil malaki at marami silang computer set na magagamit ng lahat sikat kasi ito kaya marami ang nagpupunta dito para maglaro

Nag-umpisa na kami maglaro at kalaban namin ang kabilang section masasabi kong magaling sila pero siyempre mas magaling kami kaya naman natalo namin sila at masaya ang buong tropa namin na kami ang nanalo

"Wooooh! Paano ba yan pre kami ang panalo bigay niyo na samin yung premyo namin" sabi ko sa leader nila na si Tom

"Maswerte kayo ngayon Zed pero makakabawi din kami sa inyo" sabi ni Tom sabay abot sa akin ng pera bago tuluyang umalis

5,000 ang pera na premyo namin at paghahatian namin to nang tig iisang libo kasi lima kami sa grupo sanay na kami na ganiyan kalaki ang pera dahil mayayaman naman kami at kayang kaya namin yan bayaran

A/N: Parang humangin bigla? HAHA

"Oh ano pre anong balak niyo shot muna tayo para naman ma-celebrate natin itong pagkapanalo natin" wika naman ni drei isa sa mga kaibigan ko

"Tara pre shot muna tayo bago umuwi may bagong bukas na bar jan lang sa malapit at balita ko maraming chicks dun" wika naman ng babaero kong kaibigan na si Rusty

"Oh ano pang hinihintay natin tara na!" Masayang sabi naman ni Rex ang brainy naming kaibigan mahahalata mo naman sa kaniya na matalino siya sa suot niya palang na salamin nasabi ko na ba sa inyo na kaming lima ay may itsura o gwapo kami ang tinaguriang Campus Hearthrob ng aming school

Sa tuwing mapapadaan kami sa harap ng mga babae ay puro tilian lang ang maririnig niyo. Tama na nga at baka sabihin niyo pang mayabang ako haha

Naglakad na kami at bago pa man kami makalabas ay may nakita kaming lalaki na nabunggo ang isang lalaki na may dalang mga papel na ipinaprint niya ata at siraulo yung lalaki dahil hindi man lang niya ito tinulungan

Dali dali ako tumakbo at pinulot ang mga nalaglag na papel at nang makita ko ang may ari ng mga ito ay biglang bumilis na naman ang tibok ng puso ko

"Ah-eh tulungan na kita siraulong lalaki yun di man lang tumitingin sa dinaanan niya at nabunggo ka tuloy" sabi ko sabay abot ng mga papel sa kaniya kaya tumayo na kami

" Sa-salamat pala sa tulong mo" nauutal niyang sabi

" Zed nga pala" ani ko sabay abot ng kamay para makipag shake hands

" Uhmm White " sabi niya at inabot ang kamay ko para makipagshake hands, nang magdikit ang mga kamay ay parang may boltaheng dumaloy sa katawan ko sa di ko malamang dahilan

"Uhm pwede mo na akong bitawan" nahihiyang sabi niya kaya naman agad ko siyang binitawan

"Ah-eh sorry"

"Sige una na ako baka hinahanap na ako ng kaibigan ko sa labas" sabi niya bago tuluyang umalis napangiti na lang ako habang pinagmamasdan siyang umalis

"Ayiiee dumadamoves si Zed" Kantyaw sa akin ng mga kaibigan ko

" Mga siraulo tara na nga umalis na tayo" sabi ko at tuluyan na naming nilisan ang computeran

°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°
Nagustuhan niyo po ba yung 1st chapter please vote and comment po para malaman ko kung nagustuhan niyo

Sana po suportahan niyo po itong pangalawa kong kwento katulad po ng pagsuporta niyo sa una kong kwento THANKYAH!

~ALWIINAA

MY PLAYBOY BOYFRIEND (BOYXBOY) (COMPLETED)Where stories live. Discover now