TWENTY FIVE ♡

4.2K 154 2
                                    

White's Pov

Lumipas ang isang linggo at ngayon nga ay sembreak na namin kaya meron kaming isang linggo na pahinga, mabuti nga at wala masiyadong project na pinagawa sa amin para maenjoy naman namin yung sembreak. Di ko kasi maintindihan sa ibang teacher sembreak na nga ang dami pang pinapagawa eh paano maeenjoy ng studyante yung sembreak? Sana di na lang kayo nagpasembreak! Kaloka!

Andito ako sa bahay nila zed ngayon dahil wala naman  masiyadong ginagawa sa bahay nakabalik na rin kasi sila mama galing sa probinsiya kaya dito muna ako kila zed tumambay para maglibang

"Babe di ka ata nakikinig eh" sabi ni zed na nagpabalik sa akin sa ulirat

"Ay sorry babe may naisip lang ako, ano ba yun?" Tanong ko dito

"Sabi ko anong gusto mong panoorin natin Harry Potter o X-men?" Taning nito sa akin

"X-men na lang babe" well kahit bakla ako mahilig pa rin ako sa x-men gusto ko kasi yung mga palabas na may kapangyarihan ganon

"Ok" sabi niya at pinlay niya na yung x-men na palabas habang kami nakaupo sa sofa dito sa kwarto niya. Magkahawak ang mga kamay namin habang nanonood oh diba ang landi? Charot hahaha

Nakaupo siya sa sofa at ako din pero pinatong ko yung ulo ko sa dibdib niya sh*t lang kasi ang sarap sa pakiramdam kapag nasa ganitong posisyon kami nakakakilig kaloka!

Maganda naman yung x-men na pinili niyang panuorin ito yung x-men the last stand ang ganda talaga niya try niyo ring panuorin mga bes di kayo magsisisi

Habang nanonood kami ay may kumatok sa pinto niya at agad niya naman itong pinagbuksan at si tita labg pala ito na may dalang mga pagkain

"Oh son sorry to disturb you pero ito oh kumain kayo habang nanonood kayo jan para di kayo magutom" nakangiting sabi ni tita. Napakabait talaga ni tita at halatang suportado niya kaming dalawa

"Thankyou mom!" Sabi ni zed

"Thankyou tita" sabi ko. Ngumiti lang siya at umalis na kaya sinarado na ni zed yung pinto at dinala dito yung mga pagkain na binigay ni tita

Pinagpatuloy na namin yung panunuod habang kami ay kumakain ng meryendang dala ni tita

Naging masaya naman kaming dalawa habang nanonood at nang matapos ang palabas doon ko lang napansin na malapit na maggabi kaya nagpasiya na akong umuwi

Hinatid ako siyempre ni zes sa bahay namin lumabas kaming dalawa sa kotse niya at nagtitigan lang sa labas

"Bye na babe" sabi ko sabay kiss sa labi niya pero smack lang

"Sige babe ingat ka palagi ah" sabi niya sabay kiss din sa aking labi

*********
Someone's Pov

Todo ang galit na nararamdaman ko habang nakatingin ako kay zed at kay white at masayang masaya silang dalawa

"Hindi ka dapat maging masaya zed kaya kukunin ko lahat ng nagpapasaya sayo kabilang na si White!" Galit na sabi ko

********
White's Pov

Kinabukasan

Umaga ngayon ay namalengke sila mama at papa dahil parehas naman silang walang pasok ngayong araw kaya naman dalawa na sila ang namalengke. Kaming dalawa lang ni ate ang nasa bahay at nanunuod ng tv

Habang nanunuod kami ng tv ay may kumatok sa bahay

"White buksan mo baka sila mama na yan" sabi ni ate kaya nagpunta ako sa pinto pero pagkabukas ko ay lalaking may takip sa mukha ang nakita ko kaya labis akong kinabahan

Nagulat ako ng pinipilit niya akong kuhain kaya naman nagsusumigaw ako

"Ate tulo-" naputol ang aking pagsigaw ng may pinaamoy sila sa aking kung ano na dahilan para ako ay mawalan ng malay

"Anong ginagawa niyo sa kapatid ko? Tulong!" Rinig kong sigaw ni ate bago ako tuluyang mawalan ng malay

Zed' Pov

Nagtitimpla ako ng kape dito sa sala at pupunta na san ako sa lamesa para ilapag itong tasa ko namay lamang kape pero bigla akong napatid dahilan para bumagsak ang baso at ito ay nabasag

Hindi ko alam pero bigla akong kinabahan di ko alam kung bakit. Nagulat ako ng magvibrate yung cellphone ko sa bulsa ko kaya agad ko itong kinuha at tiningnan kung sino yung tumatawag nagtaka ako kung bakit tumatawag ying ate ni white pero agad ko naman itong sinagot

"Hello at-" di natuloy yung saaabihin ko ng marinig ko siyang sumisigaw

"Zed tulungan mo ako si white!" Umiiyak na sabi nito sa akin. Biglang lumakas yung kaba ko ng marinig ko yung pangalan ni white

"Anong nangyari kay white ate?" Kinakabahan kong tanong sa ate ni white

"DINUKOT SI WHITE!" Sigaw na sabi sa akin ni ate. Doon na nanghina ang katawan ko at nabitawan ko yung cellphone ko

°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°
Sino kaya ang dumukot kay white?

Masalba pa kaya siya ni zed? Abangan sa next chapter

PLEASE VOTE AND COMMENT!

FOLLOW ME GUYS!

~ALWIINAA

MY PLAYBOY BOYFRIEND (BOYXBOY) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon