TWENTY TWO ♡

3.9K 157 3
                                    

Zed's Pov

4:30 na nang hapon ngayong sabado kaya napagpasiyahan ko ng maligo dahil 6:00 ang party ni Pat. Pumunta na ako sa cr para maligo

Natapos akong maligo mga 5:00 at nagbihis agad ako matapos kong maligo dahil susunduin ko pa si white. Masaya ako ngayon dahil lagi lang kaming masaya nila white at wala pang problema ang dumarating sa amin pero alam ko naman na may problemang susubok sa relasiyon namin kaya ang kailangan lang namin ay ang maging matatag

Pagkatapos kong magbihis ay bumaba na ako at ang naabutan ko doon ay si daddy

"Bye dad una na ako birthday po kasi ngayon ni Patrick" paalam ko

"Sige son, Have fun!" Sabi naman nito sa akin. Maayos na ang relasiyon namin ni papa dahil bumabawi naman siya sa mgapagkukulang niya sa akin, nakikita ko lahat ng mga efforts niya at nagugustuhan ko naman iyon

Pagkasakay ko sa kotse ko ay agad ko itong pinaandar papunta sa bahay nila white. Nang makarating ako doon ay bumaba agad ako sa kotse at pumasok sa loob ng bahay nila, nakita ko doon ang mama niya kaya binati ko ito

"Hi tita anjan po ba si white?" Tanong ko

"Ay oo anak nasa taas siya kaso mukhang masama ata ang pakiramdam niya" sabi ni tita kaya umakyat agad ako sa kwarto niya para tingnan ang lagay niya.

Nakita ko siya na nakahiga at nakakumot dahil siguro ay nilalamig siya kaya nilapitan ko ito

"Babe ayos ka lang ba?" Tanong ko dito

"Masama ang pakiramdam ko babe siguro hindi ako makakapunta sa birthday ni pat" sagot niya

" gusto mo ba dito na lang din ako para alagaan ka?" Tanong ko

"Naku babe hindi na anjan naman sila mama eh at isa pa nakakahiya naman kung wala ka sa birthday ng kaibigan mo diba?" Sabi niya

" pasabi na lang Happy birthday" dugtong pa nito

"Sige babe sasabihin, paano una na ako ha!" Sabi ko

"Bye i love you" sabi ni white

"I love you too" sagot ko at hinalikan ko siya sa noo. Lumabas na ako at sumakay ulit sa kotse ko, pinaandar ko nama ito papunta kila pat

Pagkarating ko doon ay dinig na dinig mo ang malakas na tugtugan at makikita mo yung mga disco lights

Pumasok ako sa loob ng bahay nila actually mansion din ito dahil malaki din ito katulad sa amin at sa garden nila ginaganap ngayon ang birthday party ni pat

Dumiretso ako sa loob at nakita ko doon si pat kaya lumapit agad ako sa kaniya para batiin siya at ibigay yung regalo namin ni white sa kaniya

"Pat Happy birthday" sabi ko sa kaniya

"Oh thankyou asan si white?" Tanong niya

"Ah masama ang pakiramdam kaya di nakasama" sabi ko

"Oh sayang naman pero ok na yun para makapagpahinga siya" sabi ni pat

"Oo nga eh, sige puntahan ko muna yung ibang tropa" sabi ko at pumunta ako sa table ng mga kaibigan ko

Oy kamusta pre wala ata si white ngayon ah" sabi ni rex

"Ah oo wala may sakit kasi siya" sabi ko

"Ah sige" sabi nila

Nagsimula na ang party at uminom lang kaming magkakaibigan buong magdamag. Sa kalagitnaan ng party ay nagsalita si pat sa gitna

"Guys gusto ko lang magthankyou sa lahat ng pumunta ngayon sa party, Ngayon Let's Party again!!" Sigaw na sabi niya

"Wooooahhhh!" Sigaw ng mga tao sabay patugtog ulit ng dj

Nagsimula ng magparty lahat ng mga kaibigan ko at ako na lang ang naiwan dito sa upuan kasi lahat sila andon sa dancefloor nagsasayaw kasama ng mga girlfriends nila

Habang umiinom ako dito ay lumapit bigla sa akin si chloe at tumabi sa akin

"Hi zed di mo ata kasama si white?" Sabi nito

"Ah oo may sakit kasi siya" sagot ko

"Oh i see" sabi niya sabay dikit sa akin at dinidikit niya ang dibdib niya sa braso ko pero di ko na lang ito pinansin

"Tara gusto mo bang sumayaw?" Alok niya sa akin

"Ah hindi na ok lang ako dito" sagot ko

"Ok pero samahan na lang kita dito" sabi niya sa akin. Di ko siya pinansin dahil iniisip ko ngayon ay si white sana magaling na siya

"Ahm sige cr lang ako" sabi ko para makaiwas sa kaniya pero naiihi naman na talaga ako

Pumasok ako sa cubicle at umihi pagkalabas ko ng cr ay nandon pa din si chloe pero di ko na lang pinansin at umupo malayo sa kaniya

"Tara shot" sabi niya saby alok ng isang baso ng wine.

"Uhm thankyou" sagot ko at inabot yung baso at ininom. Pagkainom ko ay parang bigla na lang ako nahilo at unti unti na akong nilamon ng kadiliman

******
Chloe's Pov

Andito kami ngayon ni zed sa bahay nila. Naipasoko ko siya dahil wala naman ang mga magulang nito at nasa vacation daw

Inakyat ko sa kwarto niya si zed at hiniga, tiningnan ko ang mukhaniya at gwapo nga talaga siya

"Humanda ka na white dahil di mo kakayanin ang makikita mo HA HA HA" Sabi ko

°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°
ANO KAYA ANG MANGYAYARI KAY ZED AT CHLOE?

ABANGAN SA NEXT CHAPTER!

PLEASE VOTE AND COMMENT!

FOLLOW ME GUYS!

~ALWIINAA

MY PLAYBOY BOYFRIEND (BOYXBOY) (COMPLETED)Where stories live. Discover now