ELEVEN ♡

5.4K 261 5
                                    

White's Pov

So ayun ang bilis lumipas ng panahon at ngayon ay isang buwan na makalipas ang pagpunta ni zed sa aking bahay

Masasabi ko na sa isang buwan ay SOBRANG DAMING NANGYARI (ayan capslock para damang dama niyo hehe) marami talagang nangyari sinabi na rin sa akin ni lester na kaya pala lagi niya akong pinapauwi ay ginawa siya slave ni rusty dahil may nagawa siyang kasalanan dito

Sa amin naman ni zed ayun mas lalo kaming naging close sa isa't isa  nakakaloka kasi minsan nagiging sweet siya sa akin na gustong gusto ko naman hehe siyempre maharot ako charot!

"Ok so i was saying magkakaroon kayo ng project sa akin siyempre by pair ito bumunot kayo ng number dito at kung sino ang kaparehas niyong number ay siyang magiging kapartner niyo" sabi ng teacher namin na nagpabalik sa akin sa realidad

Nagsimula na kaming bumunot at ako ang huling bumunot at ang nabunot kong number is number 21 kaya hinanap ko na ang kapareho ko

Narinig kong may sumigaw ng 21 at parang pamilyar ang boses na yun kaya hinahanap ko kung kanino ito galing at laking gulat ng si zed ang kapartner ko naku mukhang tinadhana talaga kami haha

"Tingnan mo nga naman di talaga tayo pinaghihiwalay ng tadhana" pabirong sabi ni zed na ikinatawa ko

"Hahaha loko ka" sabi ko sabay mahinang hampas sa braso niya

"Ok class dismiss at sa lunes niyo na pala ipapasa yung project niyo" sabi ng teacher namin at umalis na

*KRIINGGGGGG!!*

Maya maya pa ay nag bell at recess na namin kaya lumabas na kami ni lester para kumain sa canteen

Pagka-order namin ng pagkain ay naghanap na kami ng vacant table at nagsimula ng kumain

"Bes buti ka pa si zed yung kapartner mo sa project natin alam mong tutulong siya sa paggawa" sabi bigla ni lester habang kumakain kami

"Bakit te sino ba kapartner mo" tanong ko rito kasi parang problemado siya sa naging kapartner niya

"Walang iba lang naman kundi yung asungot na si rusty" inis niyang sagot sa akin natawa naman ako dahil doon

"Ay naku bes malaking problema nga yan" sabi ko sa kaniya

"Ano ka ba naman bes yun lang talaga sasabihin mo sa akin wala man lang GOODLUCK jan?" Sarcastic na sabi sa akin ni lester

Natawa na lang ako sa sinabi niya at habang kami ay kumakain ay dumating si zed kasama si rusty

"Hi white, Hi there lesty" nakangising bati ni rust habang nakatingin kay lester

"Oh bakit kayo nandito" tanong ko kay zed

"Gusto ko lang sabihin na bukas tayo gagawa ng project sa bahay na lang" sabi nito sa akin

"Okay anong oras ba?" Tanong ko

"Mga 1:00 sunduin kita ha?" Tanong niya ulit

"Naku wag na hinahatid mo na nga ako pauwi eh tsaka kaya ko namang magcommute" sagot ko sa kaniya

"Ok ikaw bahala" sagot niya at tango lang ang isinagit ko

"Ikaw ano namang pinunta mo dito" mataray na sabi ni lester kay rusty

"Ang taray mo naman gusto ko lang ipaalam sayo na bukas din tayo gagawa ng project 2:00 pm sharp ayoko na late" may pagkaboss na sabi ni rusty

"Yes Master" sarcastic na sagot nitong baklang to

"Tara na pre" pag aya ni rusty kay zed at agad na silang lumisan

"Nakita mo yun bes kung makaasta yung asungot na yun ay parang siya ang boss" inis na sabi ni les sa akin

" hahaha isang malaking GOODLUCK sayo te" natatawa kong sabi sa kaniya at nagpatuloy na pagkain

Nang matapos kaming kumain ay umakyat na kami ni bakla sa taas at maya maya pa ay dumating na yung teacher namin at nagsimula na siyang magdiscuss

Mabilis na lumipas ang oras at uwian na namin at siyempre dumiretso na doon si bakla jay rusty para sa pagiging slave niya

Hay nako pagdadasal ko na lang si bakla kasi kilala si rusty sa pagiging babaero at pagiging jerk niya marami na siyang napaiyak na mga babae

Pagkatapos niya kasing maikama yung babae ay iiwanan niya agad ito na para bang walang nangyari sa kanilang dalawa

Pero kilala ko si lester palaban yun at di niya hahayaan na maapi yung sarili niya kaya alam kong kayaniya na yung sarili niya

Nang may jeep na huminto sa sa harapan ko ay sumakay na agad ako dito para makauwi na ako

Mabilis lang ang biyahe at maya maya pa ay nakarating na agad ako sa bahay namin

Umakyat na ako sa kwarto ko at nagbihis na, di pa naman ako inaantok kaya nag open muna ako ng facebook ko at nakita kong may bagong friend request ako at galig iyon kay zed, sa mga kaibigan niya at kay enzo. Inaccept ko na silang lahat at maya maya pa ay nagchat sa akin si enzo

"Hi musta tagal din nating di nagkita ah" chat ni enzo sa akin

"Oo nga eh busy masiyado sa school" reply ko naman

"Ok see you soon bye goodnight" sagot nito sa akin

"Goodnight din" reply ko at nag-out na ako at natulog na

°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°
THIS CHAPTER IS OUT SO PLEASE VOTE AND COMMENT NAMAN JAN BILANG PAGSUPORTA

WAG NIYO RIN KALIMUTAN NA IFOLLOW AKO  LAVYAH!

~ALWIINAA

MY PLAYBOY BOYFRIEND (BOYXBOY) (COMPLETED)Where stories live. Discover now