EIGHTEEN ♡

4.3K 206 1
                                    

White's Pov 

Napakabilis ng panahon mahigit isang buwan na kami ni zed. Siyempre cinelebrate namin yung first monthsary namin simple lang naman kumain kami sa labas at yun history na yung iba haha

Sobra sobra ang pasasalamat ko kay lord kasi binigyan niya ako ng isang lalaking mamahalin ako ng totoo, siguro maraming beses ko ng nasabi ito sa inyo pero ganon lang talaga ako kasaya kaya ganon na lamang ang aking pasasalamat

"Babe tara na?" Sabi sa akin ni zed. Uwian na namin ngayon at pauwi na kami siyempre ihahatid niya ako

"Sige tara na" sabi ko. Naglakad na kami palabas papunta sa parking lot nitong school kung saan nakaparada ang kotse niya

Nang makasakay kami sa kotse niya ay biglang nagring ang cellphone ni zed kaya sinagot niya ito

"Hello mom?" Sabi ni zed

"Hello anak pumunta ka dito sa bahay isama mo si white may surprise ako sayo" rinig kong sabi ni tita kay zed

"Ok mom, we're on our way" sabi ni zed at pinaandar niya na ang kotse niya papunta sa bahay nila. Maya maya pa ay nakarating sila sa bahay nila

Bumaba na sila sa kotse at pumasok sa loob ng sala naabutan namin doon si tita na naghahanda ng mga pagkain. Wow parang may mahalagang okasyon ngayon ah

"Hi mom"

"Hi tita" bati namin ni zed sa kaniya

"Oh hello sweetie" bati sa amin ni tita

"Mom ano po ba yung surprise na sinasabi niyo?" Tanong ni zed

"Anak umuwi na yung pa-" naputol yung pagsasalita ni tita ng may magsalita sa likod namin

"Oh son andito ka na pala" nilingon namin ito at nakita ko ang isang lalaki na mga 40 yrs old na at tinawag niya si zed na son so tatay siya ni zed? Magkamukha naman sila kaya siguro nga tatay niya to.

"Da-dad?" Utal na sabi ni zed

"Ako nga anak di ka ba masaya na nandito ako" tanong nito

"Paano ako magiging masaya eh bihira nga lang kayo umuwi dito dad halos di mo na nga nasasaksihan yung paglaki ko diba?" Galit na sabi ni zed pati ako nagulat sa inasta niya ganon ba kalaki ang galit niya sa tatay niya?

"Anak patawarin mo ako busy lang ako sa business natin at isa pa ginaga-" naputol sa pagsasalita yung tatay ni zed nang magsalita siya

"Ginagawa mo to para sa amin, oo na dad matagal ko ng narinig yan sa inyo dapat di nalang kayo umuwi dito eh" sabi ni zed sabay takbo papunta sa kwarto niya

"Zed!" Sigaw ni tita pero patuloy pa rin siya sa pagtakbo at pumasok na sa kwarto niya

"Uhm tita ako na po ang kakausap kay zed" sabi ko sabay tungo sa harap ng kwarto niya sa taas

"Zed?" Kinatok ko ang pinto pero hindi naman pala ito nakasara kaya pumasok na ako at nakita ko siya na nakaupo sa kama habang nakatingin sa bintana

"Babe ok ka lang ba?" Tanong ko sabay upo sa tabi niya. Hinaplos ko yung likod niya

"Hindi ko lang kasi maintindihan kung bakit bumalik pa siya eh ok na naman kami ni mommy na wala siya" malungkot na sabi ni zed

"Babe maaaring marami siyang pagkukulang sayo pero sa tingin ko gusto niya ng bumawi sayo ngayon at isa pa di naman siya nagkulang sayo o sa inyo kasi sa tingin mo ba yung mga meron ka ngayon ay makukuha mo kung wala ang daddy mo?" Sabi ko kay zed

"Pero babe" sagot niya

"Wala ng pero pero, pasalamat ka babe kasi may tatay ka pa yung iba nga jan wala ng tatay eh" sabi ko at napabuntong hininga na lang siya

"Babe salamat sayo at pinaalala mo sa akin kung ano ang dapat kong gawin sa tingin ko nga ay dapat ko siyang pagbigyan na makabawi sa amin ni mommy" sabi ni zed na ikinatuwa ko

"So tara na bumaba na tayo at humingi ka ng tawad sa daddy mo" sabi ko

"Sige tara" sabi niya. Bumaba na kami at nandoon pa rin sa sala sina tita at tito

" daddy sorry po sa inasal ko kanina dapat po hindi ko kaya ginanun hayaan niyo po pagbibigyan ko po kayo na makabawi sa amin ni mommy" paghingi ng tawad ni zed. Nakita ko naman ang paglawak ng mga ngiti ng mga magulang niya

"It's ok son ang mahalaga ngayon ay napatawad mo na ako" sabi ng daddy niya

"What's your name iho?" Tanong sa akin ng daddy niya

"White po" sagot ko

"Nasabi na sa akin ni Vina kung ano ang namamagitan sa inyo ni zed at hindi ako tutol doon" natuwa ako sa sinabi ng daddy niya

"Thankyou po sir" pormal na pasasalamat ko

"Naku tito na lang ang itawag mo sa akin tutal boyfriend mo naman ang anak ko" sabi niya

"At isa pa thankyou sa pagkumbinsi mo sa anak ko kilala ko yan mahirap yan kumbinsihin siguro nga ganon ka niya kamahal kaya mo siya nakumbinsi" dugtong pa nito

"Walang anuman sir este tito" sabi ko na ikinatawa naing lahat

Naging masaya ang gabing iyon at nagsalu salo kami sa pagkain na inihinda ni tita. Marami pa kaming napagkwentuhan at ang mahalaga lang ngayon ay masaya kaming lahat

°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°
PLEASE VOTE AND COMMENT!

FOLLOW ME GUYS!

~ALWIINAA

MY PLAYBOY BOYFRIEND (BOYXBOY) (COMPLETED)Where stories live. Discover now