Chapter 7 - Psyche and Caste

23 2 0
                                    

                        LADY ICE'S POV

"Asterion Psyche Ecalla. From Olympus University."

"Wala talaga kong kilala Ice e."

"Pero madami kang barkada dun Fire, baka kilala mo? E kasi 19 lang kaya siya. Ang pogi niya Fire. Nakaka-stress, kaya lang iba makatingin sakin e. Parang inlove sa ganda ko. HAHAHAHA!"

"Hoy ikaw umayos ka ha? Walang Asterion-Ice dito. Caste-Ice lang meron." Naalala ko nanaman ang kwento sakin ng kapatid ko. Totoo kaya yun? May tendency kaya na may gusto  agad siya sakin e kakakita lang naman namin nung gabing yun?

E bakit ikaw? Crush mo din naman agad siya ha? My mind says. Tch. I just like him. Kasi ang bait niya. Yun lang yun. Tsaka ano, basta I like him.

"Oh natahimik ka? Kinikilig? Hahahaha! Mabait yung tao Ice. Hinanapan nga ko ng trabaho e. Tapos tinulungan pa niya ko sa pagkuha ko ng scholarship. Nakakatuwa kaya."

"Edi sayo na siya." I rolled my eyes. 

"He's your Prince Ice, wag mo ko isali dito. Tatlong bagay lang nasa isip ko ngayon. Ikaw. Yung trabaho ko. at yung pizza ko. Hahahaha! uy ano na? Ichichika kita kay Dahon. Alam mo kasi hinahanap ka talaga nung tao. Nakakaawa naman." Here we go again. Ang kulit talaga ng kapatid ko noh?

"I said No na diba? Tsaka I really want to see na kung talagang desidid siya sakin kaya niyang mag-antay. Don't tell him please na nasa States ako. Wag mo din sabihin na nagkakausap tayo."

"Ang taray naman kasi ng love story niyo e. Cinderella ang peg! Hahaha! Nako tutuloy ka ba sa France? E pano yung schooling mo diyan Ice?"

"I got no problem with it Fire. Edi sa Frnace ko itutuloy. Isa pa kelangan kong antabayanan ang Lion's sa France. E ang iniisip ko kasama kong pupunta si Psyche dun." Hindi naman sa pinagiisipan ko ng masama yung tao. Sa totoo lang mabait siya sakin kaya lang hindi ako komportable. Medyo awkward kasi e. Tapos pupunta pa ko sa France nang siya ang kasama ko. Akalain mong partners pala kami dito sa new software na gagawin ng mga Glass.

"Mukha bang mamamatay tao yang Asterion Psyche na yan? Aba't nakaka-curious na siya ha? I can't wait to see him na tuloy. Hahahaha." At sa kabaliwan ng kakambal ko. nagawa pa niyang magbiro ng ganito? napailing nalang ako.

"Pumunta ka sa France, wala sila dad dun. kahit dun ka na magbakasyon sa summer. I promise hindi ka nila mahuhuli dito." I assure her. Miss ko na din kasi talaga kakambal ko e."

"Ay oo sige! Isasama ko si Dahon!" Napailing ako.

"Ayoko nga! hindi pwede! No Fire. No."

"Hoy bakit? Isusuggest ko lang naman na maganda bakasyunan ang France ha? May masama ba dun? Feeling mo naman ikaw pupuntahan niya dun? Hoy hindi ha. Yung Eiffel Tower kaya!" Tinawanan pa niya ko ng pagkalakas lakas. Nilayo ko yung phone ko sa tenga ko. Ganyan kaingay si Fire. Pag hindi mo siya kilala iisipin mong bad girl siya. Though medyo bad girl naman talaga ang kakambal ko. Madaming natatakot sakanya. Pero pag nahanap mo kiliti niyan? Para ka nang may kasama na pasyente ng mental. -_______-

"Hindi ako feeling ha. Naisip ko lang naman na ano, syempre kasama ka. Baka magkita kami?" napailing ako sa sinabi ko. I just saw myself on the mirror na nasa harap ko at lalong napailing nung nakitang namumula ako. Namumula ko. Namumula ko Sht. 

The Glass Slipper (Short-Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon