Chapter 6 - The Lady's

16 1 0
                                    

"Wait. Baka yung kambal ko yung sinsabi mo." I said.

"That's impossible Lady. Alam kong ikaw yun."

"Kambal nga e. Tanga lang? Pwede ba. Hindi ako aattend sa ganung party. Believe me. May kambal ako. Si Lady Ice. And I'm Lady Fire."

He looked at me unbelievably pero I just shrugged at him.

"That night nung party sa school? Nandun si Ice. Wala ako nun. Yung kakambal ko ang andun. Pero after the party she went to America to handle our business. Kaya ayun. Ako ang inabot mo dito. Tsaka oh. Golden Brown ang kulay ng buhok ni Lady Ice. Red ang akin. Kung kabisado mo ang features ng kambal ko bakit di mo napansin?"

But he just laughed at me. "No. You're kidding me."

"Kidding? Ako? Aba gago pala to. Wala kong mapapala sayo. Lumayas ka dito." I said and I crossed my arms.

Lumapit ako sakanya at umupo sa tabi niya. Nailing lang siyang tumingin sakin.

"Look at my eyes. That party was a masquerade right? Look at my eyes. Tell me if I'm the Lady you are talking about." I said.

"Brown. Hers is Hazelnut brown." Then nakita ko ang lungkot sa mga mata niya.

"Diyan mo kami madidistinguish ng kambal ko. I have this Balinese brown eyes at yung sakanya e hazel nut brown. Kung di ako nagpakulay ng buhok sa unang tingin mo iisipin mo talaga na ako si Ice."

He just nod at me. "Can you help me to get in touch with her?" He asked.

"Ayoko nga. Isa pa sabihin mo nga sakin. May gusto ka ba kay Ice ha?"

"Yes. I like Lady. So much." At proud na proud pa siya nung sinabi niya yun.

"Pwede ba. Wag mo ngang matawag tawag na Lady si Ice. She is Ice. Kasi kung Lady yan, parehas kami na may Lady. Naiintindihan mo ba?"

Pero tinarayan lang ako ng mokong na to. Aba. Maldita si koya.

"Kanya kanyang trip lang yan pwede ba? E ganun gusto ko itawag sakanya e!"

"Ah ganern? Osige. Bahala ka ha? Hinding hindi ka makikilala ni Ice!"

"Oo na. Oo na. Ice na! Tch. At ikaw apoy----"

"Anong tinawag mo sakin ha Dahon?" His eyes widened pero nginitian ko lang siya.

Di naman siya mahirap pakisamahan. Kaya alam kong makaasundo ko to agad. Halata nang mabait siya kaso may halong mayaman talaga kaya siguro ganyan.

"Sa Empire ka din ba nagaaral?" He suddenly asked me. Tumayo ako at tinuloy ang pagaayos ng bahay.

"Oo. 3rd year ako doon. Tourism. Si Ice din 3rd year. Nasa college of engineering and technology siya. Major in I.T. naman."

"Hm. Kaya pala hindi kami nagkikita. Kasi I.T. siya ang layo ng building niya samin. Ako kasi Civil e."

"Di ko tinatanong." I said smiling.

"Napaka mo alam mo yun?" He said nang masungit pero nagulat ako nung tumayo siya para ayusin din ang mga kalat dito.

"She left her Glass Slipper." He suddenly said ng hindi tumitingin sakin. Tinuloy niya lang yung pag aayos ng mga gamit sa baba.

"We both love Cinderella. Alam mo ba yun?"

"Ano tingin mo sakin? Walang alam sa fairytale?"

"Ahhh. Nagtatanong lang. Oo o hindi lang isasagot mo ang dami mo pang pinagsasasabi. Ang daldal mo."

Pero pinanlakihan niya lang ako ng mata na para bang hindi makapaniwala sa mga sinasabi ko. "I always knew that fairytales are real." I started. "But I never knew na kapatid ko makakaranas nun." I giggled. "I'm not expecting that fairytales can happen to real life you know."

The Glass Slipper (Short-Story)Where stories live. Discover now