Hinanap ko ang cellphone ko sa bag pero wala dun. Tsk! Naiwan ko yata sa bahay. Tsk! Nakaka inis ka Elizabeth! Makakalimutin ka na!

Nag cra-crave na din ako ng chicken tas naubusan pa dito. Tsk! Napaka malas ko ngayong araw!

"Labas lang ako guys" paalam ko sa kanila.

"Why?" tanong ni Karl pero di ko ito pinansin.

"Samahan na kita men"

"Wag na men, mabilis lang toh" pagkasabi ko nun ay lumabas na ako ng school at naghanap ng chicken. Ayun! May nahanap ako! Mabuti naman!

Ilabas mo ang malas sa loob ko chicken!

Lalapit na sana ako dun nang nay narinig akong impit sa sakit na sigaw. Tinignan ko kung saang parte yun at nakita ko sa isang parte kung saan walang masyadong tao.

Lumapit ako dun sa parteng iyun at may nakita akong tatlong lalake na naka black mask at si Leigh. Tsk!

Nanood lang ako sa kanila mula sa likod.

Sinusugod sugod nila si Leigh. Si Leigh naman laban din ng laban pero mas malaki ang pangangatawan ng tatlong lalaki. Tsk! Walang wala ka dyan Leigh! Ang payat payat mo eh! Pano kaya naging gangster ang ganyan ka payat?! Tsk! Leader pa kamo ng gang!

May mga pasa na rin sa katawan si Leigh. Kanina pa ata sila nag aaway kasi mas marami ang pasa ni Leigh, or ganun lang talaga siya kahina? May mga pawis na ring tumutulo sa kaniyang ulo. At may putok na siya sa gilid ng kaniyang labi.

Pero bakit ganun? Ang pogi niya pa rin?

Luh! Anong pinagsasabi mo Elizabeth?! Erase! Erase!

Sinuntok ni Leigh ang lalake sa panga kaya tumalbog ito. Woah! Lakas ni payatot ah! Sumugod naman yung isang lalake sa kaniya kaya sinipa ni Leigh ang sikmura niya, sinipa sa paa, sinuntok sa mukha... Ayun! K.O! Charot!

Nagulat ako ng naglabas ng patalim ang ikatlong lalake at sinugod si Leigh. Hindi din napansin ni Leigh na naka tayo na pala ang dalawang lalake at hinawakan siya sa magkabilang braso.

Mamamatay na ang hari! Tapos andito lang ako nanonood ng live action HAHAHA!

Hindi makawala ang hari at patuloy pa rin sa pag sugod ang may hawak ng patalim.

*******

Leigh's POV:

Dito na ba ang katapusan ko?! No! No! No!

Sheyt!

Nanghihina na rin kasi ako... Kanina pa tong mga lalakeng toh na suntok ng suntok, sinikmurahan at nasipa na ako kanina pa tsk!

Nawawala ang pride ng pagiging leader ko sa isang gang.

Malapit na sa akin ang lalakeng may hawak ng patalim nang may tumama sa patalim na malaking bato kaya tumalsik ito.

Napatingin kami lahat kung saan nanggaling yun. Laking gulat ko nang makita si Elizabeth dun na chill lang.

"Anong tinitignan niyo dyan?" kunot noo niyang tanong.

Tsk!

Magpapakamatay ba tong babaeng toh? Akala ba niya ay kaya niya sila? Ako nga nahirapan ako, gang leader pa ako, siya pa kayang babae?!

"Magpapakamatay ka ba?!" inis na sigaw ko sa kaniya. Ngumiwi naman siya.

"Bat ko naman gagawin ko yun?"

"Umalis ka na!"

"Tsk! Mamaya na! Kung saan nasa climax na ako ng live action dun mo pa ako paaali--"

Fake BoyfriendWhere stories live. Discover now