"Take your bombs with you" nagulat ang lahat dahil sa sinabi ng queen.

"What bomb?" nakakalokong tanong ng lalake. Hindi ko man nakikita ang mukha niya pero sa tono palang ng pananalita niya ay naka ngisi ito.

"Nevermind, you're already taking it" sa tono ng boses ng queen, alam kong naka ngisi rin siya.

Nagulat ang lalake at tinignan ang loob ng tshirt niya.

"What the?! Pano mo--?!"

"G.E.T.O.U.T" mahinahon pero may awtoridad na pagkakasabi ng queen. Walang nagawa yung lalake kundi ang tumakbo papalayo, pero bago siya tuluyang makaalis ay tinutukan niya ng baril ang queen at pinaputukan ito.

Pero pinaputukan din ito ng Queen at tumama iyon sa bala na papunta sa kaniya. Kaya tumalbog ang bala sa gilid.

"How did they know this place?" tanong ng queen kay Lily, ang right hand niya.

"Hindi din po namin alam queen, nasa kwarto po ako nang may narinig akong putukan sa labas. Pagbaba ko po ay may mga sugatan na po ang ilan sa ating mga miyembro at ang ilan sa mga kalaban ay sugatan din po--"

"That's enough" putol ng queen sa sasabihin ni Lily.

"Take the injured to the clinic" utos niya sa mga miyembro niyang nasa likod. Tumango sila sa kaniya at sinunod na ang kaniyang utos.

Pagbaling ko ng tingin kay queen ay nasa akin na rin pala ang kaniyang mga paningin.

"Why are they here?"

"Tinawagan po sila upang tumulong sa amin. Hindi po kasi kami ganun kadami kanina kasi nasa ibaba po ng bundok ang ibang miyembro upang bumili ng mga stocks ng pagkain"

Tumitig ng matagal ang queen sa akin. Sa akin lang talaga! Hindi niya inaalis ang tingin niya sa kin kanina pa.

Napalunok ako dahil sa tingin niya pa lang ay nakakatakot na.

Siniko ako ni Josh sa tagiliran ko "Trip ka ata ng queen bro? Hindi niya maalis yung tingin niya sa'yo eh" bulong niya sa kin.

Hindi ko na siya pinansin at nakipag laban nalang ako ng titig sa queen. "He's the leader but he's late? Tsk! Pathetic!" Naka kunot na pala ang noo ko ng di ko man lang namamalayan.

"You may now leave"

Utos nito kaya bago kami umalis ay nag bow kami ng bahagya sa kaniya at sabay sabay na kaming lumabas. Bago kami makalabas ng tuluyan ay may nahagip ang paningin ko.

Motor yun ni El ah?

Nang makalabas kami ay nilapitan ko iyon at tinignan kung kay El ba talaga yun. Baka kaparehas lang? Bat naman siya pupunta sa isang pribadong lugar? Ang mas malala pa, lugar ng mga gangsters.

Binalewala ko nalang iyun at pumasok na sa kotse ko. Bago ako umalis ng tuluyan ay sinulyapan ko ulit ang motor. Bumisina ako ng dalawang beses hudyat na aalis na ako.

Bumisina na rin sina Zack.

*******

Elizabeth's POV:

*kring*kring*

Tinignan ko kung sino ang tumatawag at si Ate Joy lang pala kaya sinagot ko na ito.

[[Asan ka?!]]

"Bakit ba? Busy ako kaya wag kang istorbo"

[[Bwiset ka! Umuwi ka na kung gusto mo pang makita ng buhay ang mga regalo mo!]]

Fake BoyfriendWhere stories live. Discover now