Chapter 20:

6K 181 9
                                    

Euclid Astral Gemini

"Ma'am?" Napatingin ako sa isang healer sa aking tabihan at sunod-sunod na napakurap, bakit parang ang liwanag masyado? Ang sakit-sakit sa ulo! "Wait lang po ma'am!!!" Sigaw ng manggagamot na 'tila ba ay tarantang-taranta, lumayo ito agad saakin at lumabas ng kwarto, ngunit kahit sa kanyang pagtakbo ay rinig na rinig ko padin ang sunod-sunod n'yang sigaw.

Napakunot nalang ako ng noo at sinubukang umupo sa kama ngunit hindi ko nagaawa. Nanlalambot ang aking likod ganoon nadin ang aking mga hita, binti, at paa. Pati ang aking mga braso at kamay ay hindi ko maigalaw.

Maya-maya ay bumalik na ang healer sa loob, may kasama pa s'yang isang tao na sa tingin ko ay ang doktor. Napanipis ako ng mata ng tingnan ako ng doktor, naharangan n'ya ang liwanag dahilan upang mas maaninag ko ang maaliwalas na mukha nito.

Mahaba at nakatali ang asul n'yang buhok, mapula ang maninipis na labi at mapusyaw ang balat.

Napangiti ako ng makilala kung sino ang lalaki. "Khan...?" Saad ko sa isang paos na boses. Lumawak ang ngiti nito at tumango.

"Euclid!" Tila ba masayang-masaya nitong bati. "Portia, call all Elvens. As well as the royal family!" Aligaga nadin nitong saad habang may pinipindot sa tabi ng aking kama, sa tingin ko ay remote iyon upang maitaas ang upper part ng kamang hinihigaan ko. Khan smiled at me. "May gusto ka ba?"

"Tubig." Tumango ito saakin at lumayo muna. Iniabot n'ya saakin ang tubig, pero sadyang hindi ko maigalaw ang aking braso. "K-Khan, hindi ako makagalaw." Nahihiya ko ditong sabi. Kaya naman s'ya nalang ang nagpainom saaking malugod kong tinanggap.

"Well that is normal, considering how long you were asleep." Natatawa nalang nitong sabi. Nalito naman ako. Considering how long you were asleep.

"Parang ang tagal kong natulog a—" Napatigil ako ng mapansin kung gaano kahaba ang buhok ko. Umaabot ang dulo noon sa aking mga binti at parang mga baging na nakapulupot. "Don't tell me...."

"Yep Euclid. Four years. We've waited for you for four years." Pagkumpirma nito sa gusto ko sanang sabihin. Eksakto namang bumukas ang pinto na kanina'y pinagdaanan palabas ng nurse, linuwa noon si Kris, maikli na ang kanyang buhok at parang mas nagmature ang kanyang katawan at mukha, bumalatay agad ang kasiyahan sa mukha nito. Hindi naman mapawi ang tingin ko sa hawak nitong sanggol.

"Oh my god!!!" Sigaw n'ya. "Leo!!!" Dagdag pa nito at agad na ibinigay ang bata kay Leo ng umiyak ito. "Euclid?" Sambit n'ya ng makalapit saakin. "Euclidddd!!!" Niyakap ako ni Kris.

Hindi ko naman mapigilang mapatigil at mapabuka ng bibig.

Apat na taon? Apat na taon akong tulog?

"Anak!!!" Sigaw naman ng isa pang tao na kakapasok lang. Si mama... Kasunod nito si Papa at si Yura. Lumapit agad sila saakin ni Papa at yumakap, tumabi naman si Kris upang makalapit ang dalawa. "How I missed you."

"Wow! Totoo nga!" Saad pa ng isang boses. Mas malagong na ito kesa sa dati ngunit sigurado akong iyon ay si Tauro, unti-unting umingay ang paligid, naghalo-halo na ang mga boses, at lahat iyon ay natigil ng kumalam ng malakas ang aking t'yan.

"It's a good thing na kakadaan ko lang kanina ng McVee, I've got pizza." Presenta naman ni Kuya Irie at pinatong sa aking hita ang isang kahon ng pizza. Para namang nabuhay ang lahat ng kaluluwa saaking t'yan ng malanghap iyon.

But then... I can't eat.

"Poor A, halika, susubuan ka ni mommy." Pangba-baby saakin ng nanay ko na ikinatawa ng lahat. Lumapit naman saamin si Khan.

"Let me handle this Tita, I'll make sure that Euclid will feel well." Sambit n'ya at inihawak sa ulo ko ang isang palad. May sinabi pa s'yang hindi mga pamilyar na salita. Mula sa kanyang kamay ay dumaloy ang isang malamig na enerhiya patungo sa aking ulo, hindi tumagal ay naigalaw ko ang aking isang daliri pagkatapos nitong uminit, dumaloy din ang lamig saaking mga binti at naramdaman ko ang mga ito.

The Elven Round (COMPLETED)Where stories live. Discover now