Chapter 17:

5.6K 209 6
                                    

Euclid Astral Gemini

Paulit-ulit na paglunok ang aking iginawad kay Loki. Mahal? Hindi ako makapaniwalang tiningnan ito.

"Paano mo malalamang mahal mo ang isang tao?" Kunot-noo kong tanong na dahilan ng pagkibit-balikat niya.

"I don't know. Nararamdaman mo lang?" Nararamdaman? Naalala ko naman ang mga nangyari ng mga nakalipas na araw.

'Yung mga nararamdaman kong bagay na sobrang kakaiba, bago at hindi ko minsan nakikilala. 'Yung kaba na grabe kung umusbong pero ramdam mong masiya ka dahil sa sarap ng sensasyong dulot nito pagkatapos?

"Edi mahal din kita?" Deklara ko kahit na medyo nalilito. Ngunit imbes na oo at hindi ang marinig kong sagot ay isang batok na malakas ang sumalubong saakin. "Pag ba mahal mo ang isang tao kaylangan mong batukan?" Inis kong sabi at umiwas ng tingin. Niyakap ko ang aking mga hita. Siguro ay niloloko lamang ako ngayon nito.

"It's not like that Astral." Huminga ito. "Hindi porket sinabi kong mahal kita, mahal mo na din ako. You should assess yourself first. Feel." Tumango-tango ako sa sinabi n'ya. Then I suddenly remembered my name.

"Diba ikaw ang nagpangalan saakin?" Kulit ko dito.

"Yep."

"Edi bakit hindi mo ako nakilala noong nagpakilala ako sa hari?" Napansin ko naman ang pamumula ng tenga nitong muli. He hissed.

"Paano ko aalalahanin e mukha kang paa? Anyway, naalala ko but you looked like a guy. Kaya naman iwinaksi ko nalang sa utak ko. And then, I saw you na... Nevermind." Napakibit balikat nalang uli ako. Napansin ko ang repleksyon ng buwan sa tubig kaya't naantig akong ilublob doon ang aking paa. Tinanggal ko muna ang aking tsinelas. Mamaya kasi ay magpapalit na ako ng buta na sinusuot ng mga Elra. "Look, this might be the last time na makakausap kita ng ganto." Napatingin ako kay Loki. He eyed me. Isinipit naman nito ang buhok sa gilid ng aking tenga. "And I want you to remember that no matter what, ikaw lang ang babaeng mamahalin ko." Naramdaman ko ang muling pamumula ng aking pisngi sa sinabi n'ya. Nakipagpanday ako ng tingin dito. "Shit. This is crazy embarrassing!" Bulong pa nito na nagpatawa saakin.

I laughed a bit and touched his face. "Ikaw din. Hindi ko man sigurado kung mahal kita, pero ipapangako kong sa'yo ko lang 'to naramdaman, nararamdaman at mararamdaman." Napangisi naman s'ya. I don't like that smirk though, iyon kasi ang ngisi n'yang may bahid ng yabang.

"Patay na patay ka siguro saakin sa pagdating ng panahon." Pangaasar n'ya na dahilan kaya ko s'ya binatukan.

"Ang yabang."

"Pero h'wag kang magsalita ng tapos. Ayaw kong mabuhay ka ng nagiisa." Natatawa n'yang sambit na ikinatango ko nalang. Kahit alam ko sa sarili kong hindi ko na ito mararamdaman pa kahit kanino. "Pero totoo 'yun. Ikaw lang ang mamahalin ko. Even though this confession thing is so cheezy and stuff, I swear, kahit hanggang saan man ako makarating mamahalin at mamahalin padin kita." Seryoso n'yang saad at hinawakan ang magkabilaan kong pisngi. Muli ko namang natitigan ang magaganda n'yang mga matang asul. Kung kanina ay may bahid ito ng lungkot, ngayon ay pagasa at kasiyahan nalang ang mababakas doon. "Masaya akong nasabi ko sa'yo ang nilalaman ng puso ko Astral." Ngiting-ngiti n'yang sabi. Isang ekspresyon na hindi ko inaasahang magmumula sa kanya. Napansin ko ang unti-unting pagliwanag ng mukha nito ng dahil sumesentro na ang buwan sa lugar.

"Arkal..." Bulong ko naman sa hangin. Lalo pang lumapit ang kanyang mukha at kusang pumikit ang aking mga mata sa mga susunod na pangyayari. Naramdaman ko ang pagdikit noon sa aking noo kasabay ng isang napaka-lamig na sensasyon. Naramdaman ko ang sarili kong lumulutang sa ulap, hanggang sa mawala na ang init ng kanyang mga labi doon pati nadin ang hawak n'ya saaking pisngi.

The Elven Round (COMPLETED)Where stories live. Discover now