Chapter 12:

6K 229 14
                                    

A/N: Cringe-y chapter ahead. Limot ko na kung paano gumawa ng romance? Heheheheh. But then, I promise that I put my heart into writing this one ^_^

THIS IS DEDICATED TO:

xBlackEnchantressx

Thanks for your support and votes on my stories😊

~•~•~•~•~•~•~

Euclid Astral Gemini

Walang imikan naming lahat pinakawalan ang isa't-isa sa mga natitira pang baging ni Hera. Napahinga ako ng malalim ng unti-unting bumalik ang tunay kong anyo.

Hindi ko alam na magagamit ko pa pala ang kapangyarihang ito. Ng hindi nasasaktan at walang namamatay.

Nakita ko sa sulok ng aking mga mata si Loki na nakaupo lamang sa isang bato. Napalingon ito saakin ng siguro'y maramdaman ang aking mga titig, kaya naman agad kong inilihis ang aking mga mata at umiwas ng tingin.

Hanggang ngayon kasi ay hindi ako makapaniwalang s'ya si Arkal. Si Arkal na wala akong ginawa kundi ang iyakan ng walong taon. Si Arkal na labis ang kahilingan kong mayakap at makausap. Ngunit paano kung ayaw n'ya?

Dahil hindi naman s'ya iiwas at magtatago kung gusto n'yang makilala at makausap ko s'ya hindi ba?

Napansin ko ang isang dalagitang tinatawag nila kanina bilang Yura. Lumapit ito kay Arkal at tumabi. 'Saka ipinatong ang ulo sa balikat nito. Naalala ko naman ang mukha ng babaeng nakasalubong ko sa kastilyo.

Hindi ba't s'ya din iyon?

Pero bakit napaka-pamilyar ng mukha nito?

"*ehem*" Napalingon ako kay Khan na nasa aking tabi na pala kaya napatigil ako sa pagmamasid kay Yura at Arkal. Piagsiklop n'ya ang kanyang mga palad. "Mahal mo na ba?" ani nito at sumulyap sa gawi ng dalawang tao na kanina lamang ay ako ang tumitingin-tingin.

Walang pagaatubiling tinanguan ko si Khan. "S'ya lang ang taong kinilalang kong pamilya simula ng mawala si Mama. S'yempre mahal na mahal ko s'ya." Damdam at masaya kong sagot sa kanyang tanong. Si Arkal ay tila naging kuya, ate, nanay at tatay ko sa aking paglaki. Isa s'ya sa mga taong may malaki nang puwang saaking puso.

"Hindi bilang pamilya." Napakunot na ang noo ko sa kanyang sinabi. Bilang kaibigan ba ang tukoy ni Khan?

"Oo naman, mahal ko s'ya. Pati ikaw, si Kris, at ang iba pa. Mahal na mahal ko kayong lahat!" Naka-thumbs up kong sabi. Napahilamos naman bigla si Khan sa kanyang mukha. He clicked his tongue.

"Ang hirap mong kausap." Parang napipikon nitong sabi. Napakunot nalang naman ako at sumunod ng umalis na ito. Napansin namin ang paparating nang liwanag. Unti-unting nawala ang hamog na bumabalot sa aming paligid.

Nabuhay ang mga tila patay at naghihingalo sa tubig damo, at sumikat ang araw. Namangha ako sa nakita.

Gantong-ganto din kasi ang aking nasaksihan kasama ang ina ko noon. Ang ina kong hindi ko na din tanda ang mukha. Pero kahit ganoon pa man ay kilalang-kilala parin s'ya ng aking puso.

Napatigil ako sa paglalakad at sinulyapan ang unti-unting pagbabagong anyo ng lugar. Ang kanina at ahapong madilim at nakakatakot ay unti-unting nabigayan ng kulay.

Napangiti naman ako ng makakita ng isang bahagharing unti-unting lumalabas. Bumuhos ang kaunting ambon na dahilan ng mabilis na pagdami nito.

Hanggang sa lumipas ang ilan pang minuto at tumirik na ang araw. Tuluyang nawala ang makakapal na kumpol ng ulap kaya naman mula sa aking kinatatayuan ay tanaw ko ang ibabang bahagi ng bangin.

The Elven Round (COMPLETED)Where stories live. Discover now