Chapter 7:

6.4K 219 2
                                    

Euclid Astral Gemini

Tahimik akong naglalakad sa may garden ng eskwelahan. Kaakibat noon ay ang pangisang-libo't isang-daan kong paghalinghing. Lumipas na kasi ang tatlong linggo at ganoon padin si Loki. Pati si Kris at Leo ay iwas sa isa't-isa kaya masasabi kong napakatahimik ngayon ng Elra.

Walang naghaharutan, walang nagaaway at walang naguusap.

Kung si Arkal kaya ang nasa pwesto ko ngayon. Anong gagawin n'ya?

Napamulat ako ng maalala ang pangalan at mukha ni Arkal.

Si Arkal!! Lumipas na ang aking kaarawan ngunit hindi ko s'ya nabisita!

Agad akong tumayo mula sa kinauupuan kong bench sa may garden at tumakbo patungo sa aking kwarto. Nang nasa hallway na ako ay bigla akong napaupo ng ako'y may nabangga. Tumayo ako at tinulungan ang babae.

Medyo pamilyar ang kanyang mukha, pero hindi ko na iyon pinansin. "Sorry!" paumanhin ko dito at muling tumakbo.

Sunod namang nakasalubong ko si Loki at Kris na naglalakad. Pareho silang napalingon pero ng dahil sa pagmamadali ay hindi ko na sila nabati.

Agad akong naghubad at nagpalit ng damit ng marating ko ang aking kwarto kahit na hinihingal. I wore a modern black hooded tunic, jeans and boots.

(A/N: I do not own the picture :) just found it @ google for imagination purposes

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

(A/N: I do not own the picture :) just found it @ google for imagination purposes. ctto.)

Tinali ko ang humahaba kong buhok at kinuha sa isang drawer ang armas ko noong karayom na naibalik na saakin ni Leo. Sinuot ko iyon.

Marahan akong naglakad patungo sa labas ng eskwelahan. Medyo malayo pa ang lalakarin ngunit dahil walang nadaan na karwahe ng gantong oras ay napilitan akong lakarin iyon. 8:00AM pa naman kaya siguradong makakauwi parin ako sa tamang oras.

Nang makarating ako sa malaking gate palabas ng eskwelahan ay agad akong kumaway sa Moon Elves. nang makita ako ng isa ay binuksan nito ang maliit na gate palabas. Napangiti nalang ako at muling sinarahan ang gate ng ako'y makalabas.

Agad naman akong binati ng pamilyar na daan na tinahak namin noon nina Kris patungo dito sa may kastilyo ng Altaria.

Biglang humangin ng malakas kaya napatigil ako sa unang paghakbang. Nagdala ito saakin ng kakaibang pakiramdam. Isang pakiramdam na akala ko ay hindi ko na muli pang mapagdadaanan. Ang kilabot. Napailing nalang naman ako at napatingin sa liwanag na nagmumula sa langit at sinuot ang hood ng aking damit.

Anong maaaring mangayari ng katanghalian? hmm...

Crescent Frendall Altair

"Kris?" Napalingon ako sa tumawag saaking si Loki. Napatigil kasi ako ng lagpasan lamang kami ni Euclid.

Di kaya ay galit s'ya?

Napahinga na lamang ako at sumabay ng lakad muli kay Loki.

Sising-sisi naman ako ng dahil sa pinaggagagawa ko dati. Dapat pala ay hindi ko na lamang sila pinaglapit noon. Ngayon tuloy ay pareho silang nasasaktan. At lahat ng iyon ay dahil saakin. Muli namang tila bumagal ang ikot ng aking mundo ng makasalubong ko ang isang taong akala ko ay hindi ko na muling makikita.

The Elven Round (COMPLETED)Where stories live. Discover now