epilogue - chapter thirty

274 5 0
                                    

M o n t e n e g r o

Isa isa kaming nag stand by at tumungo sa mga lugar na dapat na kinaroroonan namin, may kanya kanya kame pwesto, ang buong police force ay pinasama sa special mission para mahuli ang matagal ng tinutuligsang serial killers.

"Isra. You're on stand by, after ten minutes sisignal ako para pumasok kayo ng team mo. You go for that Warren guy at pagkakuha nyo sakanya ay dalhin nyo na sya sa ospital kaagad, kame na ang bahala dito." Tumango ako't hinayaan na pumasok isa isa ang mga kapwa pulis ko na pinangungunahan ng Daddy ko. Dahan dahan akong nag antanda at ipinagdasal na sana'y walang masamang mangyare.

Pinagmasdan ko ang paligid at nakita ang kalmang pagihip ng hangin. Ang bahagyang pagkabasa ng buhok ko ng dahil sa onting pag ambon. Magiging maayos ang operasyon, ito lamang dapat ang iniisip ko. Walang masasaktan, walang mapapahamak. Sisiguraduhin ko yan.

Isinaayos ko ang baril ko at panandaliang chineck ang cellphone ko. Iniwan ko ang cellphone ni Kyle sakanya, at tinawagan ko sya kanina para ipaalam na papunta na kame. Should I call him before I go?

Maybe I should. I pressed call and almost immediately sinagot nya ang tawag ko. Bumungad kaagad sakin ang taranta na boses nya.

"Why? What happened?"

"Papasok na kame. You take care in there. I just called to inform you that, ibaba ko na--"

"About the thing you said to me earlier.."

"Ha?"

"I love you."

*toot toot*

Walangya. May makire kang dugo Kyle. Nakita ko nalamang ang sarili ko na nakangiti sa sarili ko habang pinagmamasdan ang bahay na nasa harapan ko. Abnormal na ba ako neto? Well... nasa dugo ko na din siguro ang pagiging baliw. At nababaliw na ako ng tuluyan dahil kay Vaughan.

"Isra... you go in. We've got our eyes on Isaac and Jasmine. Go and find Warren."

"Copy."

Sinenyasan ko ang mga kasamahan ko na pumasok na. Sa pangunguna ko ay mabilis pero tahimik ang bawat galaw namin na nakapasok sa bahay. Kagaya noong unang punta namin, nangangamoy padin dito ang nakakasulasok na amoy ng nabubulok na laman. Amoy palengke, masangsang ang amoy at hindi mo ito maiwawakli sa pang amoy mo.

We passed by doors pero wala padin kameng nakikita ni isang senyales na nandito si Warren. Nadaanan namin ang lugar kung saan naandon sila Dad at tinanguan nya ako't itinuro ang taas na bahagi ng bahay. I nod at him and motioned my team to go up to the second floor of the house. We spread out at nag kanya kanya, malaki ang bahay, hindi kakayanin kapag magkakasama kami mag hanap.

Madilim, halos wala akong makita, nakakatakot ang lugar na ito, para bang nasa isa akong suspense thriller ngayong umuulan na din ng bahagya. Nakarinig ako ng static na tunog sa ear piece ko, na sinyales na merong nag papasa ng mensahe. Probably Dad.

"Isaac.. alam mo ba na nasa pangangalaga namin ang anak mo. Ismeralda ang ipinangalan mo sakanya hindi ba? Inampon namin sya noong mga panahong busy kayo sa pagpatay nang angkan ng mga Lopez." Nakarinig ako ng mahinang paghalakhak, boses ng isang lalaki; maya maya'y sinamahan sya sa pagtawa ng isang babae. Para silang nababaliw.

Ang mga magulang ko.

"My daughter died years ago. We are just avenging her, making the people who made us this way understand the despair we felt! The things we did were all necessary para makapag higanti kame, para maibalik ang sakit na naibigay nila saaming wala namang ginagawa sakanila." Malalim at tila ba si kamatayan. Mas malamig pa sa yelo at tila walang kaluluwa na sambit ng lalaki. Ang totoo kong Ama.

ON GOING: SURGERY [ COMPLETED ]Where stories live. Discover now