chapter ten

123 6 0
                                    


H e r n a n d e z



"Do you really know the place of that assistant?"



Nasa loob kame ngayon ng isang van at patungo sa sentro ng bayan ng Crest, meron daw kasing kilala si Bella na dating naging assistant ni Loren sa Clinic nya, she thought that the person might help her and at the same time help us in  providing some things about the case we are secretly investigating, umaga na ngayon, exactly one o'clock in the morning. Iniwan na muna namin sa bahay si Lola pero sinigurado muna naming maayos na nakalock at secured ang bahay bago sya iwan. 



"So are you closely related to this person?" Tanong ni Kyle kay Bella na ngayon ay nag na-navigate ng GPS. Umiling ang babae at seryoso padin na nakatingin sa daan. Hindi ko alam pero parang meroong sikretong galit ang babaeng to kay Loren. 



"Since we're at it, we can also include you to the list na pede naming pag hingian ng impormasyon tungkol kay Loren... Ok lang ba sayo na ma-question ka namin tungkol sa mga ginawa nya or kahit anong nalalaman mo tungkol sakanya noong nabubuhay pa sya?" Malumanay kong tanong sakanya. Sandaling hindi sumagot si Bella para bang nag aalinlangan sya na sumagot ng oo saakin, pero maya maya unti unti din syang tumango atsaka lumingon saakin. 



"So since when did you know Loren?" simula ni Israel, and I guess its only right if she will start the interrogation since sya ang tunay na 'detective' dito.



"I met her noong High School, my Grandma is getting old, so my Mom told me to stay with Lola and take care of her, pabor din naman saakin ang pag lipat sa bahay ni Lola, wala akong kaagaw sa wifi, walang nag uutos, tas masmalapit pa sa school namin ng HS so pumayag kaagad ako. Pero I thought masmagandang lumipat nga ako, hindi pala. After I moved in, my world started to collapse. Nuong unang months ok pa e, I was settling in at naging close din kame ni Loren during that time, she was my neighbor after all, she told me stuffs about herself, her hobbies and others. I will never forget her sad face whenever she talked about her family so bihira lang namin napag uusapan ang pamilya nya, she's an adopted child and she felt like her family did not love her at all..."  tumigil sya saglit atsaka pumikit para bang mayroon syang alaala na iniisip. 



"Mahal na mahal ko si Lola, hindi ko ma-gets kung bakit kailangan nyang maranasan ang kung anomang naranasan nya na naging dahilan kung bakit ganyan na ang kilos nya, na-trauma sya and that is from a really horrible event, I assure you that, pero hindi ko pa alam kung anong certain event iyon. Nasa isa akong field trip when that happened, pagkauwi ko from that three day trip nadatnan ko nalamang na nasa likod ng bahay si Lola, maraming sugat sa katawan at hindi na sya nag sasalita, ni hindi nga sya nagpahawak saakin noon, she was so traumatized, I could not imagine what she'd been through." At the end of her words she started sobbing and temporarily hindi namin sya makausap, sobrang naging emotional sya, she must have love her Grandma so much. 



"I'm sorry about that... so what else do you want to know?" Tanong nito once na nakaget over sya sa pag iyak. Basa pa ang pisngi nya ng magsalita muli sya, medyo malat ang boses at tila ba nahihirapan na syang mag salita. Napailing nalamang ako sa sarili ko, I feel guilty making her replay that horrible past in her mind. 

ON GOING: SURGERY [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon