chapter twenty three

84 7 0
                                    

M o n t e n e g r o

"Nawa'y patnubayan kayo sa inyong paglalakbay at pag iimbestiga. Kasama ninyo ang diyos tandaan nyo yan. Bumisita muli kayo minsan, matutuwa ang iba pang madre kapag nakitang maayos ang kalagayan mo ngayon Ismeralda o Isra, tibayan mo ang loob mo anak.."


Kanina pa kame nasa byahe at patungo na kame sa apartment nila Kyle, naandon din kase ang kotse ko. Pero agad din akong napa-iling.

Hindi. Kailangan ko ng makausap ang mga magulang ko. Liningon ko si Kyle na ngayon ay nakatingin lamang ng deretso sa daan habang nag mamaneho ng kotse nya. May pakiramdam ako na maaaring makatulong ang mga alaala ko tungkol kay Loren noong nasa ampunan pa kame, sigurado akong may mga bagay akong nakalimutan na maaaring maging isang malaking clue sa pagkatao ni Loren at gayon na din sa pagkatao ko.


At kailangan ko si Kyle. Hindi ko alam kung bakit pero basta kailangan kong kasama sya sa pagharap ng mga ito.


"Kyle. Pede mo ba ako samahan sa bahay namin?" Mahina kong sabi, nangunot ang noo nya sa sinabi ko. Naguguluhan marahil kung bakit ko bigla sinabi iyon.


"I'm gonna ask them about me. And I need you there, so please." Tumango sya saakin kaagad ng walang pag aalinlangan, na napagpangiti saakin ng malawak.


"Ren. I'm gonna drop you off our house, hindi na muna ako uuwi, may pupuntahan pa kame ni Isra."  Malakas na sabi ni Kyle sapat para marinig ni Warren. Nang lingonin ko naman si Warren ay napangiwi ako ng makita ang malapad na ngising nakapaskil sa mukha nya.


Iba nga pala ang takbo ng utak ng gagong 'to.



"Basta always remember! Use protection. Ayokong magkaron kaagad ako ng inaanak! Wala pa akong napupundar na sariling bahay, gusto ko saakin muna ang pera ko--" di na nya natapos ang sasabihin nya ng biglang may tumama sakanyang kung ano. Kahit ako hindi ko napansin  na itinigil pala ni Kyle ng saglit ang kotse at binato sya ng kung ano.


"Gago." Mahinang bulong ni Kyle bago pinaandar uli ang kotse nya.


"Honey... sobrang sadista mo talaga, pasalamat ka mahal kitaaaa. Mwuaaaah." Since nasa likod na upuan ng kotse si Warren nayakap nya mula sa likod si Kyle atsaka ito hinampas hampas sa braso at mukha.


Eto pala yung sinasabi saakin ni Warren na lambingan nila. Patayan. Hindi ko maimagine si Kyle na talagang nakikipag away since hindii naman sya mukhang yung type ng lalaki na makikipag away kaagad.



"Bumaba ka na ngalang Warren. Wag mo na akong hintayin makauwi, mamaya pa ako makakauwi! I-lock mo lahat ng pedeng ilock! Wag ka magpapapasok!" Bumaba na si Warren at nag flying kiss kay Kyle. Nakakatuwa naman ang friendship nila. Para na silang pedeng ikumpara sa mag asawa e.



"Alam ko ang weird namin. Pero it just turned out that way." Nakangiti sya habang sinasabi yon. Isang malawak na ngiti. Nakakahawa kaya napangiti nalang din ako.



"You're so protective over him, like a brother." Malumanay na sabi ko. Alam ko, alam ko yung kilos nyang yon, dahil ganon din ako kay Carl noong nabubuhay pa sya.



"Hmmm. I treat him more than a bestfriend. Isa na sya sa mga taong pinahahalagahan ko ng sobra, aside from my Mom, si Warren ang taong laging nasa tabi ko."  Hindi nawawala ang malawak na ngiti sakanyang mga labi, mukhang napamahal na nga talaga sakanya si Warren. Ako kaya?

ON GOING: SURGERY [ COMPLETED ]Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz