chapter twenty nine

131 4 0
                                    

H e r n a n d e z

"Hoy. Yung Israel na yon ha! Napakapakielamera! Kung hindi sya nakielam edi sana nasa kamay ko na ngayon si Kyle! Wala talaga kayong mga mabubuting nagagawa! Mga wala kayong kwenta!" Napadaing ako ng bigla nya na naman akong hampasin ng isang bakal na pahaba. Nararamdaman ko na ang pamamanhid ng katawan ko dahil sa ginagawa nyang pag hampas saakin.

Simula kagabi na narinig kong nabulyaso daw ng isang pulis ang plano nila, na aparrently si Isra, sinimulan nya akong bugbugin ng dahil sa galit at paghahampasin ng bakal.

"Mabuti nalang talaga at nakatakas si Papa sa mga pulis. Walang kwenta talaga ang mga pulis hano? Ang daling maisahan." Tumawa sya ng parang isang baliw.

"Mga magulang mo sila, dapat itinatama mo ang mga mali nilang ginagawa!" Sigaw ko sakanya at hinintay ko ang paglapat ng malakas na hampas sa katawan ko pero walang dumating, ang narinig ko nalang ay ang mumunti nyang hikbi.

"Minahal ko si Kyle. Pero kahit kailan di manlang  nya ako natapunan ng pansin o ni katiting na atensyon. N-Naging biktima ako ni Papa at Mama, isa ako sa mga kamag anak ni Loren, sa katunayan pinsan ko sya sa nanay kong namatay kasunod ng pagkamatay ng mga magulang ni Loren... nakatakas ako pero natagpuan nila ako noong kolehiyo at dinakip." Saglit syang tumigil atsaka tumawa ng tila ba isang baliw na tao. Isa din syang biktima, malamang ay nabrain wash lang sya o naimpluwensyahan na gumawa ng mga gantong bagay!

"Pero nagmakaawa ako sakanilang wag patayin dahil kay Kyle, hindi ko alam kung bakit pero pinayagan nila akong mabuhay sa puder nila, pero tinanaw kong utang na loob 'yon... t-they killed my adoptive parents infront of me.. they made me realize na hindi naman talaga ako totoong mahal ng mga mahal ko! And they promised me they will love me like a real daughter! Sila lang ang nagmamahal saakin! At kapag hindi ko sila nabigo sa pagpatay sainyong mga pakielamero kayo! Ibibigay nya saakin ang puso ni Kyle!" Isa lang ang tumakbo sa utak ko matapos marinig ang mga sinabi nya saakin. Nababaliw na sya. Nabaliw sya. Hindi nya kinaya ang mga ipinaranas sakanya, minapula ang panahong sobrang hina nya at pinaisip sakanya na hindi sila ang masasama kundi ang tao sa paligid nila.

"Mali ang ipinaniwala nila sayo! Anak tayo ng diyos! Mahal tayo ng diyos! Sigurado akong minahal ka din ng mga umampon sayo-- argh! Sht." Napasigaw ako sa sakit ng biglang tumama ang bakal na sa gilid ng ulo ko.

Nahilo ako sa sobrang lakas ng pagkakahampas saakin at di ko napigilan ang luhang tumulo sa mga mata ko, naramdaman kong nabasa ang piring sa mga mata ko. Naghalo ang luha at dugo ko na tumulo sa piring ng mata ko. Napapikit nalamang ako at mahinang ipinagdasal ang pagdating ng tulong kahit na medyo imposible.

Sana may makaalam kung nasaan ang kinaroroonan ko. Alam kong hindi ako pababayaan ni Kyle. Alam kong gagawa sya ng paraan para mahanap ako, kahit maliit na hakbang lamang alam kong gagawa sya kahit ano basta makatulong saakin. Kahit na hindi nya ipinapakitang mahal nya ako, alam kong itinuturing nya ako bilang isa sa mga taong mahalaga sakanya. Hindi nya ako papayagan. Alam ko.

"Alam mo ba kung bakit naging ganyan ang Mama at Papa? Kase nahirapan sila, kase pinagmalupitan sila! Wala silang ginawang masama! Pero tignan mo ang ginawa sakanila! Ginawa silang mga halimaw ng mga baliw na psychiatrist na mag asawang yon! Tama lang na nag hihiganti sila! At anong diyos? Si Mama at Papa lang ang ituturing kong batas at ganon na din ang diyos ko! Sila ang bumuhay at nag mahal saakin, hindi kayong mga hampas lupang mga tao! Wag na wag mong aakusahan na sinungaling at mapagmanipula ang mga magulang ko! Papatayin kita!" I clenched my teeth as hard as I can, hinanda ko na ang sarili ko sa malakas na impact ng paghampas nya at ng dumating ito naramdaman ko ang mahinang pagkabali ng buto ko sa braso.

"AHHHHH" ang daing ko lang ang naririnig sa tahimik na lugar na ito. Ang munting pag palahaw at pag mamakaawa ko para mabuhay. Ang mga iyak ko ng tulong. Pero walang nakarinig at walang makakarinig.

Ilang minuto akong sigaw ng sigaw, namamaluktot na ako sa sakit at nagpupumiglas kahit na mahirap gumalaw. Ang hirap na huminga, ang hirap na gumalaw. Namamanhid na ang buong katawan ko, nawawalan na ako ng lakas.

Maya maya'y bigla nalang hindi ako makagalaw. Para bang naparalisa nalang ang buo kong katawan, wala akong maramdaman at hindi ako makagalaw, tanging ang isip ko nalang ang gumagana.

"I injected you something para hindi ka na makagalaw. Masyadong maingay ang pagkilos mo, magigising si Mama at Papa. Wag ka maingay kung gusto mong masagot ang mga tanong mo, alam kong madami kang gustong malaman. Dahil may bait pa ako sa katawan, sige sasagutin ko ang tanong mo bago ka namin patayin sa harap ni Kyle mamaya." Nangilabot ako sa sinabi nya. P-patayin ako? Sa harap pa talaga ni k-kyle? Kung tutuusin hindi nga talaga kakayanin ng isang tao na makita ang mga mahal mo sa buhay na mamatay sa harap mo, you will relive the incident like a broken cd on repeat, hindi ka tatantanan ng konsensya mo, how you can't do anything but watch them as they die.

I can't blame them for turning into monsters. But revenge is not the right thing to do, killing is not the right thing to get the revenge you want for ruining your life.

"B-Bakit... bakit buhay pa si Loren noong nakuha sya? Bakit kailangan pang konsensyahin ni Kyle ang sarili nya dahil hindi naligtas si Loren? At paano sya nakapag text kung nasa kamay nyo na sya!"  Nakarinig ako ng tunog ng bakal na tila ba kinakaladkad sa sahig. Ang lagaslas nito ay nakapagpakilabot sa akin at nagparamdam ng takot, baka hampasin nya na naman ako, kahit na hindi ako makakaramdam sa mga oras na ito, baka dahil sa paghampas nya saakin talagang mabaldado na ako.

"Simple lang. Torture. Kagaya ng sabi ko sayo kahapon at kanina, Papa and Mama just wanted some pay back, lahat ng ginawa nila kay Mama at Papa, ginawa nila kay Loren. To make her lose her sanity, and since wala na namang natitirang kamag anak ang bruhang yon, yung mga taong nakapalibot nalang sakanya ang pinatay namin sa harap nya, her patients and some of her colleagues.. matalinong pokpok kase si Loren, nanakaw nya ang cellphone ko. E si Kyle my loves lang naman ang nasa contacts ko malamang yun ang tatawagan nya. O ano pang tanong mo?" Pinakiramdaman ko ang sarili ko kung may kontrol pa ba ako sa katawan ko para makapag salita pa.

"Ang matandang nag alaga kay Loren, tas yung boyfriend nya.. bakit hindi nyo sila pinatay kaagad, pati na ang madre bakit ngayon nyo lang sila naisipang patayin?" Mamamatay na din naman ata ako, gusto kong masagot lahat ng katanungan ko sa isip ko. Hindi naman sa negatibo ako mag isip, pero inihahanda ko na ang sarili ko sa maaaring mangyari.

"Para pahirapan si Loren. Para sisihin nya ang sarili nya, na nangyari ang mga bagay na iyon sa mga taong minamahal nya, para masira ang ulo nya kakaisip. Tinuluyan lang namin yung boyfriend nya kase mag susumbong sa pulis, matapang na bobo. At yung madre? Nabored lang siguro si Mama noon. Well, wala naman ding silbi ang matandang 'yon, lumaking sutil si Loren ng dahil sakanya, hindi marunong sumunod sa mga magulang, buti nga inampon pa sya ng Mama at Papa e... maarteng pokpok."  Bakas sa boses nya ang panggagalaiti kay Loren. Mukhang naipasa na din sakanya ang galit ng mga itinuring nyang Mama at Papa.

"M-Mag babago pa kaya ang isip mo kung sabihin ko sayong hindi kagaya ng iba mamahalin kita bilang sarili kong pamilya?" Kailangan nya lang ng pagmamahal. Naging ganyan sya sa paniniwalang walang nag papahalaga sakanya, sa paniniwalang walang nag mamahal sakanya.

"May pamilya na ako.. mahal nila ako."

"P-pero..."

"Salamat kung iniisip mong maililigtas mo pa ako. Pero madami nadin akong napatay, ibinigay  ko na ang pangalawang buhay ko kay Mama at Papa, alam kong hindi nila ako papabayaan dahil mahal nila ako." Bakas sa boses nya ang saya. Eto yung parating tono ng boses nya kapag kasama nya si Kyle. Masaya ang tono at malumanay.

"Ang intindihin mo nalamang ay ang sarili mo." At sa isang segundo lang, nagbago ng kaagad ang kanyang tono. Nanindig ang balahibo ko sa kilabot ng tonong ginamit nya, para bang ilang sandali lang ay mamamatay na ako sa mga kamay nya.

ON GOING: SURGERY [ COMPLETED ]Where stories live. Discover now