chapter five

200 8 0
                                    


V a u g h a n

"Tulungan mo po ako!"

"Kuya tulungan nyo po ako!"

"Papatayin po nila ako! Tulong po!"

Paulit ulit na tawag ng isang boses ng bata; tila ba hirap na hirap na sya sa uri ng pag sigaw nya. Parang nasasaktan ito, at iyak ng iyak.

"Ano? Wala ka na naman bang gagawin para tulungan kame?"

Bigla nalang lumabas ang isang babaeng puno ng pasa sa katawan, may buka sa puso nito at kitang kitang hindi ito tumitibok, halos lumuwa na ang puso at may mga dugo pang tumatagas mula dito. Nakasimangot ang babae at mukhang galing sa iyak.

Bakas ang pag hihirap sa kanya.

Agad ko syang namukhaan.

Ang babaeng nakuha namin mula sa abandonadong bahay, agad akong kinilabutan ng lumapit sya, napagmasdan ko ng maigi ang nakakadiring kinahinatnan nya, at ng mga taong nabiktima'y kasama nya.

"Hindi mo na naman ba kame tutulungan?"

"Wala ka na naman bang gagawin para saamin?"

"Tulungan mo kame!"

"Hanapin mo sila!"

"HANAPIN MO SILA, O SILA ANG HAHANAP SAYO!"

Agad akong napabalikwas sa pagkakahiga. Ilang araw na akong binabagabag ng mga panaginip kong ito, paulit ulit. Hindi na nga ako halos matulog ng maayos sa gabi.

Hindi ko na alam ang gagawin ko sa sarili ko, tila ba linalamon ako ng konsensya ko, gusto ko mang gumawa ng paraan para tulungan sila at mabigyang hustisya ang mga pagkamatay nila.


Napailing nalang ako at isinawalang bahala ang mga panaginip ko gabi gabi. Hindi ko alam kung talaga bang binabagabag ako dahil sa konsensya na hindi ko sila nailigtas o dahil unang beses kong namatayan ng pasyente.

"Dude sigurado ka bang ok ka lang? Normal lang naman na mawalan ng pasyente-" tinignan ko sya ng masama.

"Palibhasa kase! Ikaw sanay na sanay ka ng nawawalan ng pasyente! Ayusin mo nga ang trabaho mo!" Hindi ko na naiwasan na mainis, alam ko naman na normal lang ito, pero nakakainis padin dahil hindi nya maisaksak sa kukote nya na hindi nga iyon ang pinuputok ng butsi ko!

Nakokonsesnya ako. Dahil hindi ko sila na ligtas. Tama. Isang factor nga yung hindi ko sya naligtas at namatay sya sa mga kamay ko, pero hindi ko sila natulungan.

Alam ko sa sarili ko na iyon ang dahilan, ayaw ko lang talaga aminin sa sarili ko.

"Dude naman. Oo tanggap ko na medyo palpak ako sa performance pero hindi naman ako ang may kasalanan, hindi tayo, dahil kung isinusugod nila ng masmaaga ang nga pasyente edi sana naliligtas natin ng maayos, e hindi e! Sinusugod nila kung kelan mamamatay na! Kita mo yung naisugod na babaeng yon na hindi mo nailigtas-- ay opps, sorry hehe. Wag ka mag alala, mapapatawad ka naman non." Napasimangot nalang ako sa sinabi nya. Nang aasar ba sya.

"Tarantado ka talaga kahit kelan Hernandez!" Iling iling na sabi ko habang nakasimangot sakanya. Ako'y binubugnot ng lalaking 'to. Tumayo na ako't nag tungo sa kusina para uminom ng tubig, sobrang napagod ako sa panaginip ko, para akong tumakbo ng marathon.

"Binangungot ka no?" Nakasunod pala sakin ang bwisit kong kaibigan. Napabuntong hininga nalang ako at hindi na pinansin pa ang mga pang aasar nya.

"Warren, please." Kalmado kong sabi at lumagok na ng sunod sunod sa basong iniinuman ko. God, my bestfriend is so good at making me mad.

"Sige Doc Vaughan the great, wag ka papakamatay jan ha?" I swear to god, I've held myself back, pero lord patawarin nyo po ako sa magagawa ko sa lalaking 'to!

Agad kong nahablot ang cutting board na gawa sa kahoy atsaka ibinato kay Warren, agad naman syang nakaiwas don. Hinabol ko sya at agad naman syang nag tatakbo sa takot saakin.

And the whole morning puro kame bugbugan ang ginawa hanggang sa kumalam ang tyan ng patay gutom kong kaibigan.

"Hindi ako nakapag grocery last week, nakalimutan ko. Sorry dude! You need to shop now or we would starve!" Napairap nalang ako sa kadramahan nya, I went upstairs and took a quick bath and grabbed my keys and wallet.

"Godbless sa pag bili ng grocery! Mwuaaa." Halos masuka ako sa ginawa nyang pag flying kiss, pero sanay na naman ako sa mga ganyang galawan ni Warren, may pagka-childish pero madalas na masresponsable sya saakin sa ilang mga gawain, hindi nga lang masyado sa ospital, pero sa mga gawain gaya ng pisikalan, pag gagawa ng kung ano ano, pag kukutingting ng mga tungkol sa computer, magaling sya sa mga ganon. Hindi ko nga alam kung bakit nag doktor sya e.

"I'll lock the door and the gate, hindi ko dala ang susi sa bahay. Kaya kapag tumawag ako lumabas ka kaagad, wag kang lalabas sa kahit na sino, alam mo naman ang sitwasyon sa bayan ngayon hindi ba? May nag gagala na mamamatay tao, wag ka papapasok ng kung sino sino, wag kang lalabas basta--"

"Hep! Inay? Ikaw ba yan? Mag iingat ako at kaya ko ang sarili ko manang vaughan! Ikaw ang mag ingat, ikaw ang lalabas dyan e. Remember don't talk to strangers! Sige na, gutom na ko! Bumili ka na!" Napailing nalang ako sa sinabi nya. Ganto talaga kame palagi, sobrang magkaiba kame, pero ewan ko ba, feeling ko parang itinakdang maging magkaibigan kame.

Lumabas na ako ng pintuan at gaya ng sabi ko, ilinock ko ang pintuan at gayon na din ang gate nang bahay matapos kong mailabas sa garahe ang kotse ko. Agad kong tinahak ang daan tungo sa pinakamalapit na supermarket pero napatigil ako ng makakita ako ng komosyon sa may gitna ng kalsada.

Bumaba kaagad ako ng sasakyan ko at siniguradong nakalock ito bago tumungo sa kumpol ng tao. Nang makalapit ako ay agad akong napasugod sa gitna, meroong isang lalaki na nakabulagta sa gitna at meroong tama sa bandang dibdib nya.

"Nakatawag na ba kayo sa paramedics at pulis?" Tanong ko habang pinapakiramdaman ang pulso nya sa leeg nagtaka ako ng may makapa akong peklat hugis ekis, isinawalang bahala ko na muna ang peklat at pinakiramdaman ang paghinga nya, mahina na ito pero meron padin. Lalo lamang akong nataranta sa mga nangyayare pero hindi yon dahilan para mablangko ako, kailangan ko syang tulungan para maging ligtas sya.

"Nakatawag na kame, paparating na sila." Tumango ako sa kanila at chineck ang katawan ng lalaki kung meron pa syang ibang natamo, mahirap na, hindi ko na uli gagawin ang pagkakamaling nagawa ko noon sa babaeng yon, hindi na ako magiging pabaya.

"Nandito na ang ambulansya."

Mabilis nilang binuhat ang lalaki at isinakay sa ambulansya habang ginagawa nila yon ay kinakausap ko sila at binigyan ng mga instructions ukol sa kailangan nilang gawin pagkapunta sa ospital, hindi na ako sumama pero binigay ko sakanila ang calling card ko para ibalita saakin ang nangyare sa katawan.

Matapos non ay dumeretso ako sa supermarket para bumili ng palagi naming binibili at kailangan sa pang araw araw.

Habang nag drdrive na ako pauwe ay nakatanggap ako ng tawag, agad ko itong sinagot ng makitang si Police Detective Montenegro pala ito, ang babaeng Pulis.

"What can I do for you Montenegro." Pormal na saad ko.

"I need you to cooperate with me this time. Alam kong alam mo na may nangyari na namang pag patay, kasama ka sa rumesponde, pero dead on arrival ang biktima. Nakalimutan ko sayong ibalita na nakita sa forensics na lahat ng biktima bukod sa tarak sa puso ay lahat din sila merong marka ng ekis sa katawan, ang lalaking nabaril din, merong ekis sa leeg nito."

Nangunot ang noo ko sa sinabi nya. Pero peklat nalang ang ekis na yon, may posibilidad ba na isang survivor ang lalaking 'yon?

ON GOING: SURGERY [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon