[ 70 ] That Guy

40.7K 653 85
                                    

Chapter 70: That Guy

Naglalakad na sina Steffi at ang mommy niya papasok sa restaurant kung saan ipapakilala nito ang lalaki na gusto nito para sa kanya. She's not interested at all pero pinagbigyan niya na lang ito dahil parte ng deal nila iyon.

Ni wala pang alam si ZAC tungkol sa pinag-usapan nila ng Mommy niya noong nakaraan tungkol sa pagpapa-opera niya at ang tungkol sa pagka-ayaw nito kay ZAC dahil may gusto itong iba para sa kanya. Ang alam lang ni ZAC ay kasama niya ang mommy niya at lalabas sila ngayong araw.

"Can you see that guy over there? It's him," sabi ng mommy niya sa kanya.

Nakita niya ang isang maputing lalaki, pormal ang suot pero nakatalikod mula sa kanya. Sa nakikita niya ngayon, business person ang lalaking ipapakilala sa kanya.

"Are you ready to meet him? I'm sure you will like him and get along with him like we do. Kasama din natin siya na aalis bukas papunta sa US,"

"Puntahan na natin siya. Baka kanina niya pa tayo hinihintay," sagot niya.

She wants this day to end. Kung p'wede lang na pabilisin ang oras ay gagawin niya para hindi niya na kailangan pang makisama sa iba. Unti-unti silang lumapit doon at habang papalapit sila ay unti-unti niya rin na nakikilala ang lalaki na nandoon. Agad itong tumayo para i-welcome sila at humalik sa pisngi ng mommy niya. Nginitian rin siya nito ng mala-anghel na ngiti na ikinainis niya dahil sa likod ng ngiti na 'yon, alam niya na may masama itong binabalak.

"Good afternoon, tita. It's nice seeing you again," bati niya dito.

"It's nice seeing you too looking as handsome as before. Now, let me introduce my daughter so I can take my leave at kayo na ang magdate. This is Allysa, and Allysa, meet Jico," pagpapakilala nito.

"It's nice to meet you, Allysa," nakangitingi sinabi nito saka nakipagkamay sa kanya na parang ngayon lang talaga sila nagkakilala.

"Now that you have your introductions, I'll leave her to you, Jico. Ikaw na ang bahala sa anak ko, ah? Allysa, take care. Siya na ang bahala sa'yo."

Iniwan na sila ng mommy niya kaya naman umupo na siya sa harapan nito at tiningnan ito ng masama. Hindi niya gusto kung paano ito tumingin sa kanya. Parang may masama na naman itong binabalak.

"Are you hungry? Iseserve na nila maya maya ang pagkain natin," tanong nito.

"Stop acting, Jico. Wala na si Mommy dito kaya tapos na ang palabas. I'm warning you, kung ano man ang binabalak mo, itigil mo na dahil hindi kita papatulan kagaya ng gusto niya,"

"Wow, that's harsh! H'wag ka mag-alala, wala akong plano sa ngayon but I might came up with a good one soon."

Tumayo na siya doon at nagtangkang umalis pero pinigilan siya ni Jico at muling pinaupo.

"Baka nakakalimutan mo? Hindi ka na si Steffi kung hindi si Allysa. Just in case na hindi mo alam, may mga bodyguards ka na nag-aabang sa'yo sa labas. Lahat ng gagawin mo, irereport nila kay tita kaya dapat mag-ingat ka. For now, samahan mo muna akong kumain at mamaya, sumabay ka na paalis sa'kin at ako na ang bahala sa mga asungot na nakabantay sa'yo. Deal?"

She finally give up. May sense nga ang sinasabi ni Jico. Pagtyatyagaan niya na lang muna na kasama ito sa ngayon.

Nang dumating ang pagkain, nagmadali siya na kainin iyon para makaalis sila kaagad. Ayaw niya na magtagal pa sa lugar na 'yon na kasama si Jico. Hindi maganda ang kutob niya sa tuwing kasama niya ito.

"Dahan dahan lang sa pagkain. Baka mabulunan ka niyan at atakihin ka pa," sita nito.

Hindi niya ito pinansin at nagpatuloy lang sa pagkain. Wala siyang oras na makipaglokohan pa dito. Alam niya naman na nagtetake advantage lang ito sa sitwasyon niya ngayon.

An Orphan's First Love: Love or Revenge Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon