[ 10 ] Mean

64.3K 872 29
                                    

Chapter 10: Mean

Napaaga ang balik ni Zavier galing sa pag-aasikaso ng negosyo ng pamilya nila at agad siyang pumunta sa tinitirhan ni ZAC dahil sa hinahanap siya ng Tatay nila. Hindi niya rin naman inaasahan na makikita niya doon si Steffi na kasama nina Kurt at ZAC dahil base sa pagkakaalam niya, hindi ito magkasundo.

"Ano'ng kailangan mo sa 'kin?" tanong ni ZAC.

"Dad is looking for you," sagot ni Zavier.

"Pupunta ako doon mamaya. Pwede ka ng umalis."

"Grabe ka naman, Master! Bakit mo naman pinapaalis kaagad si Zavier?" sita ni Steffi.

"Manahimik ka, hindi ka namin kausap. May sasabihin ka pa ba, Zavier?" masungit na sabi ni ZAC.

"Wala na. Hindi mo man lang ba ako yayayain kumain? Mukhang kakain na kayo, eh."

"Ge. Dito ka na kumain."

Nagsipwesto sila sa harap ng hapag kainan habang si Steffi naman ay dumistansya muna sa kanila.

"Sumabay ka na sa 'min sa pagkain, Steffi," pagyaya ni Zavier.

Napangiti doon si Steffi. Sadyang mabait talaga si Zavier kumpara sa kakambal nito na si ZAC. Umupo si Steffi sa tabi nila.

"Sino ang may sabi sa 'yo na pwede kang sumabay sa 'min? Ako ang boss mo dito, hindi sila," pasigaw na tanong ni ZAC.

"Hayaan mo na siya sumabay, pre," sabi ni Kurt sa kaibigan.

"Katulong lang siya dito kaya wala siyang karapatan na sumabay sa 'tin. Matuto siyang lumugar," pagmamatigas ni ZAC.

"Pasensya na at nakalimutan ko kung saan ako dapat lumugar, Sir ZAC. Sana magustuhan niyo 'yong pagkain."

Kahit labag sa loob niya ay tumayo doon si Steffi at pumasok sa kwarto niya. Hindi pa man siya nakakatagal doon ay tinawag na ni ZAC ang pangalan niya.

"Bakit po? May problema ba sa pagkain?" tanong niya.

"Pagkain ba ang tawag mo dito?! Ayusin mo naman ang trabaho mo!" reklamo nito.

"Okay naman ang pagkain, ah?" pagkontra ni Kurt.

"Ginagawa ko ng maayos ang trabaho ko. Kung ayaw mo sa pagtatrabaho ko, sabihin mo lang at aalis ako kaagad. Hindi ko ipagsisiksikan ang sarili ko dito."

"Kumain ka na dito. Wala na akong gana kumain," sagot ni ZAC.

Tumayo si ZAC at pumunta sa kwarto niya. Para siyang napagkakaisahan doon ng mga kasama kaya gusto niya na pauwiin ang mga ito kaagad.

"Sumabay ka na sa 'min, Steffi," pagyayaya ni Zavier.

"Sige, kumain na lang kayo dyan. Hindi ako pwedeng sumabay sa inyo."

Pumunta si Steffi sa kusina at doon siya kumain. Ayaw niya na sumabay sa kanila dahil alam niya na hindi siya dapat lumugar kasama nila. Iba nga naman ang estado niya sa kanila. Isa lamang siyang katulong doon at sila ang mga amo niya.

Pagkatapos niyang kumain ay nagligpit siya kaagad ng mga kalat, naghugas ng mga pinagkainan at saka siya dumeretso sa kwarto niya para makapagpahinga.

Umalis naman na doon si Kurt at naghahanda na din na umalis sina Zavier at ZAC para umuwi sa bahay nila. Gusto pang makausap ni Zavier si Steffi kaya pinuntahan niya ito sa kwarto nito. Kumatok muna siya sa pinto at saka pumasok doon dahil walang nagbubukas ng pinto at hindi rin naman iyon naka-lock. Nakita niya si Steffi na natutulog na kaya naman inayos niya na lang ang kumot nito. Aalis na din sana siya doon pero napansin niya ang pasa sa braso at sa gilid ng labi ni Steffi.

Saan galing ang mga pasa niya? Hindi kaya sinasaktan siya ni ZAC?

Lumabas na si Zavier sa kwarto ni Steffi at saka na sila umalis. Sumakay na lang din si ZAC sa sasakyan ni Zavier papunta sa bahay nila.

"Ang bagal mo naman magpatakbo," reklamo ni ZAC.

"Ayoko lang maaksidente kagaya ng nangyari sa inyo ni Monique," sagot nito.

Nainis doon si ZAC. Ayaw na ayaw niya na nababanggit si Monique pati na din ang aksidente na kinasangkutan nila noon.

Bakit ba kailangan pang ipaalala si Monique sa 'kin? Tang*nang buhay 'to, oh.

Magdadalawang taon na mula nang maaksidente sina ZAC at Monique pero hanggang ngayon, nananatili pa din na bago sa kanya ang memorya na 'yon. Hindi pa din niya magawang kalimutan ang yumaong nobya at galit siya sa sarili niya dahil doon. Pinipilit niya man na kalimutan ito pero hindi niya magawa.

"'Wag na 'wag mong babanggitin ang pangalan niya sa harap ko."

"Ang init ng ulo mo bro, ah? Maiba lang, bakit nga pala sa 'yo na nagtatrabaho si Steffi?"

"Umalis siya sa coffee shop mo, 'di mo ba alam? Kailangan niya din ng trabaho kaya binigyan ko. May problema ba doon?"

"'Wag mo siyang pahirapan. Ano ba ang ginawa niya sa 'yo para tratuhin mo siya ng ganun?"

"Ano naman kung ganun ang trato ko sa kanya? Ako na ang amo niya kaya wala ka ng pakialam puwera na lang kung may gusto ka sa kanya."

"Gusto ko lang siyang protektahan sa 'yo. Alam ko na hindi mo siya papakawalan ng basta basta kaya hihilingin ko na lang na 'wag mo siyang pahirapan."

"Wala ka ng magagawa sa gusto kong gawin. She's beyond your league now."

Nanahimik na lang si Zavier dahil ayaw niya ng makipagtalo pa kay ZAC. Palagi na lang kasi sila nitong nagtatalo at hindi sila nagkakasundo sa lahat ng bagay.

Umuwi kaagad si ZAC pagkatapos siyang kausapin ng Tatay niya. Lalo siyang nawala sa mood dahil pinapunta siya doon ng Tatay niya para sa walang kwentang bagay. Hindi kasi gusto ng Tatay nila ang ginagawa ng 11SG sa eskwelahan na pagmamay-ari nila. Sila man ang may-ari noon, gusto pa din naman nito na nasusunod ang mga patakaran doon. Hinahayaan niya lang ito sa mga kalokohan niya pero kapag sumosobra na ay pinagsasabihan niya ito.

Pinagsabihan siya ng Tatay niya na tigilan na ang mga kalokohan na pinaggagawa ng 11SG dahil kung hindi ay pipilitin nito na buwagin ang grupo ni ZAC. Bilang lider ng grupo, hinding hindi 'yon hahayaan ni ZAC na mangyari. Lalo niya pang ikinainis ang ginawang pagkukumpara ng Tatay nila sa kanya sa kakambal nitong si Zavier. Simula kasi nang matanggal sa grupo si Zavier ay nagbago na ito at ngayon ay ito na ang naaasahan ng Tatay nila kaya naman ang tingin sa kanya ng Tatay nila ay walang kwentang anak.

An Orphan's First Love: Love or Revenge Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon